Kabanata 11 - Si Winona

5.7K 209 23
                                    

ISANG linggo na ang nakararaan nang huli kong makita si Winona. Kumusta na kaya siya? Nawala sa isip kong tawagan siya dahil naging abala ako sa trabaho. Ilang araw kasi akong nawala kaya't natambakan ako ng trabaho at kinailangan kong ihabol ang mga ito sa deadline. Pagkatapos naman ng trabaho, dumadaan ako kila mommy o di kaya'y kila daddy. Nagdadala ako ng pasalubong para sa mga kapatid ko at doon na ako naghahapunan. Pagkatapos ay uuwi na rin sa apartment.

Alas siyete na ng gabi at nasa opisina pa ako. Kinuha ko ang aking planner kung saan ko isiningit ang kapirasong papel na ibinigay ni Winona. Kinuha ko rin ang aking cellphone. Tinawagan ko ang numerong ibinigay ni Winona. Nag-ring iyon sa kabilang linya subalit sa tagal na walang sumasagot ay operator na ang nagsalita. Binaba ko ang tawag at muling sinubukan. Wala pa ring sumagot. Inulit-ulit ko pa rin ito hanggang sa magsawa ako at maramdaman ang pagkulo ng aking tiyan.

Naisip ko na baka kaya hindi niya sinasagot ang tawag ay dahil hindi niya alam ang aking numero. Kaya't bumuo ako ng mensahe upang magpakilala.

"Hi, Winona. This is Rogin. You're not answering my phone calls kaya naisipan kong baka kailangan ko munang magpakilala. Anyways, tumatawag ako dahil gusto sana kitang imbitahang magdinner. Just want to hang out tonight. Are you free? Send me your address so I could pick you up."

Pagka-send ko ng mensahe ay iniligpit ko na ang aking mga gamit. Habang nagliligpit, hindi ko maiwasan na maya't maya ay mapatingin sa cellphone ko, checking if she replied pero wala pa rin.

Tumayo ako at nagtungo muna sa pantry. Naghulog ako ng barya sa vending machine para sa isang mainit na tsokolate. Naupo muna ako roon habang nagbabasa ng diyaryo at iniinom ang mainit na tsokolate. Wala pang limang minuto akong nakaupo roon ay nag-vibrate ang cellphone ko na nasa aking bulsa.

Palagay ko'y nag-reply na siya kaya't agad kong dinukot ang cellphone sa bulsa. Laking-tuwa ko nang tumama ang aking hula. Dalawang mensahe ang natanggap ko mula sa kanya. Binuksan ko iyon at tahimik na binasa.

"Hi, Gin! It's been a while. Pasensiya na, hindi ko nasagot dahil tulog ako," unang mensahe niya at 'yung pangalawa ay ang address ng kanyang dorm sa Las Piñas.

Dali-dali akong tumayo at muling humigop ng mainit na tsokolate bago tuluyang umalis. Nagtungo ako sa parking area kung saan naroroon ang aking kotse. Nang makita ko ang sarili sa rear view mirror ay saka ko lamang na-realize na abot-tainga na pala ang ngiti ko.

Gumamit ako ng GPS upang matunton ang lugar ni Winona. Hindi pa kasi ako nakararating ng Las Piñas kaya't hindi ko alam ang pasikot-sikot doon. Nasa express way na ako patungong Alabang nang tumawag siya. Sinagot ko iyon gamit ang bluetooth headset na nakasuksok sa aking tainga. "Hello, Nona."

"Gin, sorry... sorry talaga. Nasa biyahe ka na ba? Kinailangan kasi ako sa trabaho e. Okay lang ba kung bukas na lang tayo magkita?"

"Trabaho? Anong klase ba 'yang trabaho mo? Bakit pinapupunta ka ng gabi?" istriktong tanong ko.

"You're sounding like a strict boyfriend," natatawang sabi niya. "Ganun talaga sa trabaho ko. On-call kami. Pasensiya na talaga."

"Ano ba'ng trabaho mo?" tanong ko. Bigla kong naisip na sa dalawang araw naming nagkasama at nagkausap ay hindi ko naitanong kung ano ang trabaho niya.

"Huwag mo nang itanong, baka mag-iba pa ang tingin mo sa akin," natatawang sagot niya.

"Huwag mong sabihing hindi marangal ang trabaho mo?"

"Hhmmm... sabihin na nating ganun na nga ang tingin ng marami sa mga tulad ko."

Napaisip ako. Anong trabaho ba ang kakailanganing pumasok ng gabi? Anong trabaho ba ang hindi marangal para sa isang babae? Maganda at sexy si Winona. Hindi kaya'y isa siyang--

The PolicewomanWhere stories live. Discover now