Part Of The Flock.

Start from the beginning
                                        

Chino: Exactly Melanie...

Nagkatinginan sila, they both cringed, and laughed so hard, loud enough to get the attention of the whole class. Kaya magkasunod na nagsagot sa board sila Chino at Andeng that time.

But going back to the timeline... so tuesday, hiniram ni Sean ang filler ko. But due to "taranta" that I was feeling that moment, maling filler ang naiabot ko na naibigay ko yung kay Nathan.

Kaya nabasa nya yung nakasulat, at akala nya ako ang gumawa ng punnet square na yon. 😒

He thought I was experimenting with his and Melanie's traits. So to revenge, gumawa rin sya ng punnet square ko. And guess with who? Yup. With Karl. At nilagyan nya pa ng Einstein nerd na pangalan yung offspring.

But I had no idea tungkol sa lahat ng yon, until I asked Zoey to put the filler inside Pibi's bag since magkasama sila pupunta ng café later that afternoon.
Pagkatapos ng klase naghiwa-hiwalay na kami. Rox asked me if I did the plan, and I said yes. Last step na si Zoey at sure ako na magagawa nya yon.

Sa café.

Hinihintay ni Zoey na maging occupied si Pibi para mailagay nya yung filler sa notebook. Pero sa cashier nakaduty si Pibi at hindi nito iniiwan ang bag nya.

So Zoey, had to think of a plan.

Sinasadya nyang tumapon yung dala nyang coffee para madivert ang attention ni Pibi.

Lumaglag ang tray na dala ni Zoey, tumapon yung 3 baso ng kape. Medyo dyahe pa kase nagtinginan yung mga customers sa loob, na karamihan mga college students na nagrereview. Unang tumakbo papalapit si Liv.
Pero seconds after, lumapit na rin si Pibi.

Pibi: What happened?

Zoey: Dumulas sa kamay ko, sorry Pibs.

Liv: You don't have to apologize. Nangyayari talaga yan.

GC: That really happened? I mean, ginawa nya talaga yon just to get her attention?

Arci: Well, kung paniniwalaan ko ang kwento ni Zoey mam, that's how it happened.

GC: Wow.

Arci: Extreme?

GC: A bit. Please continue.

Tinulungan sya ni Pibi at Liv na pulutin ang mga basag na baso.

Zoey: Kuha lang akong map.

Palusot nya lang yon para makapunta sa kusina. Kinuha nya yung filler sa loob ng bag nya at bumalik sa may counter.

Pero dahil sa taranta na baka mahuli sya ni Pibi, nalalag sa nangangatal nyang kamay ang filler.
Sakto sa page kung saan nakasulat ang punnet square na ginawa ni Sean for Arci and Karl.

Sa tagal nyang seatmate si Sean, kilalang kilala nya ang handwriting nito. Kaya pagkadampot nya sa filler, hindi na nya nagawang ilagaya yon sa bag ni Pibi. Nag-init bigla ang ulo nya, pakiramdam nya kase bukod sa tintraydor sya ng kaibigan, binabastos nito ang girlfriend nya.

Broody tuloy ang mood nya buong shift. Pibi was worried kaya kinausap sya nito nung nagtatapon sila ng basura sa gilid ng shop.

Pibi: Hey okay ka lang?

Zoey: Okay lang.

Pibi: If you're still thinking about what happened earlier, it's totally normal.

Hindi na sya sumagot. Hindi nya alam papano iexplain kay Pibi lahat eh. Basta ang alam nya galit sya kay Sean, and the first things he'll do tomorrow is to punch him in the face.

SNIPPET OF A FAIRYTALEWhere stories live. Discover now