Kuya Paul: What happened?
Nginuso ni Rox yung dalawa na parehong ibinuhos ang pagkabadtrip sa milktea.
Kuya Paul: Tsk. tsk.
Pibi stood up.
Pibi: Excuse me. Shift ko na.
Nagdire-diretso sya papunta ng kusina.
Tapos non umalis na rin si Nathan ng shop.
So magkaaway sila buong weekend.
MONDAY.
Hindi pa rin nagpapansinan yung dalawa. Pibi told us na hindi na sila nagkaroon ng communication right after what happened. I don't know how they do it, kase halos magkadikit lang ang bahay nila. 😒
But they treat each other as if the other one is invisible.
Nung breaktime na, nag-usap si Pibi at Zoey. Hindi kase ako nakasabay sa kanila sa recess kase may pinagawa pang extra work sakin si Sir A. But based on how Zoey told me what they've talked about, ganito raw yon.
Pibi: Sometimes I feel like, robot na lang ako, napalagi nya na lang sasabihin ang next move ko. Ganun yung trato nya sakin. Nakakainis diba?!
Zoey: Baka naman kase gusto nya lang itama ka?
Pibi: Itama?? For crissakes Zo! What is is fucking wrong in leaving a piece of waffle on your plate?!
Zoey: Um. The fact that he paid for that waffle?
Pibi: TripleShit. Sana pala binayaran ko na lang yon! Ang babaw nya. Sobra.
So uminit lang lalo ang ulo ni Pibi kay Nathan, and talking to Zoey didn't help that much.
Right after that day, napag-usapan namin ni Roxanne that we should find a way para mapagbati yung dalawa. Hanggang sa nakaisip kami ng bright idea.
Time ng science, we had a group activity in Chemlab. Umupo si Rox sa tabi ni Nathan, at pasimpleng kinuha ang isa nitong filler notebook. Ang plano namin, ilagay yon sa bag ni Pibi. Para no choice sya kundi isoli kay Nathan yon at magka-usap sila.
Nagawa na ni Rox ang first step, pinasa nya pa sa ilalim ng table ang notebook ni Nathan. Bale green na filler lang sya kaya manipis. Activity notebook yata namin to sa English.
Hindi naman ako makabuwelo kase medyo malayo si Pibi sakin. Halos mabali na ang leeg ko sa pagtingin kung nasan ba ang bag ni Pibi. Hindi ko namalayan nakatingin na pala sakin si Sir A.
Sir: Arci, may maitutulong ba ko aa paghahanap mo?
Namutla ako sa magkahalong kaba at hiya.
Ako: S-Sorry sir.
Sir: Pakisolve mo nga tong problem sa board.
Pinatong ko muna yung filler sa table. Unti-unti akong tumayo at nahihiyang lumapit sa board. Pinapagalitan ko na ang sarili ko sa isip ko dahil sa pagiging careless at distracted sa kalase. Buti na lang medyo madali yung problem na binigay ni Sir, nasolved ko kagad. Hay.
I decided na kinabukasan ko na lang ituloy ang plano para sa operation Pibi-Nathan reconciliation namin ni Rox.
Pero nung gabi nag-ayos ako ng gamit, nakita ko yung filler. Parang nagusot, eh ang ayos-ayos non. Kinabahan ako kagad, baka mahalata ni Nathan. Pero pagbuklat ko, handwriting ni Chino ang sumalubong sakin.
"Shoot!" I muttered.
Kailangan ko ulit gumawa ng panibagong plano. Ang aga-aga ko pumasok kinabukasan, inabangan ko pa si Chino sa gate.
YOU ARE READING
SNIPPET OF A FAIRYTALE
Teen FictionThis story is basically about how Highschool is full of fun and painful memories. PURE TEENAGE HORMONES A TRUE STORY OF FRIENDSHIP, RELATIONSHIPS(SHITS) AND STUDIES.
Part Of The Flock.
Start from the beginning
