HM - 14

46 3 0
                                    

"Lee, you're still mine, don't you?" mahinang bulong sa tenga ko ni Luke habang nakahiga kaming dalawa sa kwarto ko. "I know I've been a jerk for almost six months."

Tinitigan ko siya and all i can see in his face is nervousness and anticipation.
I know how much this man means to me and akala ko hindi siya maghihintay sa akin. Pero nabigla ako ng makita ko siyang nakatayo sa harap ng bahay namin. Na akala ko hindi niya gagawin. Gusto ko sanang takutin siya pero bigla niya akong niyakap ulit ng mahigpit.

"I'm really sorry, Lee. Sorry, kung nagalit ako nung nalaman kong aalis ka papuntang Singapore. Sorry din kung hindi ko maintindihan ang side mo ng mga panahong iyon. Sorry kung nagmatigas ako. But I learn my lesson. Kaya ako nandito dahil alam ko kailangan kong magsorry."

Pero ang hirap pala tiisin ang taong mahal mo talaga. Kahit na magtampo pa siya sa iyo ng matagal. One look from his face, I know I can't say no to my dream guy.

Tinitigan niya ako sa mga mata ko at hinalikan ang noo ko.

"I'm sorry for being a big arse, Babe."

Niyakap ko siya na lang mahigpit sabay sabing:

"Luke, its okay. I know why you acted that way. And di naman ako nagalit sayo. Nagtampo lang siguro dahil di ka man lang nagparamdam. Di ko naman iniexpect na sa pag-uwi ko ay hinihintay mo pala ako. I thought you won't wait for me. Thank god, you waited."

Bigla itong ngumiti sa sinabi ko.

"Nung umalis ka kasi, may nakilala ako, Babe. I was suppose to meet you in the airport para ihatid ka pero aksidenteng naabutan ako ng traffic on the way. May nasaksihan akong banggaan at imbes na pumunta ako ng airport, dinala ko yung batang nabangga. She's Aliza. Alam mo ba, Babe, ng hinatid ko siya sa ospital, di man lang siya umiyak. Di ko alam pero wala man lang kasi sumaklolo sa kanya noon. Wala rin siyang kasama. Nung dinala na siya sa ward, sabi ng doktor, galos lang at konting pasa ang tinamo niya. Dun ko naalala ang oras. Then bigla akong nanlumo. Di ko namalayan, umiiyak na pala ako sa harap ng bata. Hanggang sa bigla siyang nagsalita sa akin:

"Kuya, bakit ka po umiiyak?"

"Iniwan ako ng taong mahal ko. Hahabulin ko sana siya pero naaksidente ka kanina kaya di ko na siya maabutan."

"Pero, bakit po kayo umiiyak? Hindi ka ba niya mahal?"

Napatigil ako sa pag-iyak ng itanong niya sa akin yun. Tinitigan ko yung bata. Nakangiti ito at parang walang sakit na nararamdaman.

"Yung mama ko, iniwan ako nung sanggol pa lang ako. Pero ang sabi sa akin ni Tatay, wag daw akong umiyak kasi mahal na mahal ako ni mama. Kaya kung mahal ka niya, bakit ka iiyak."

"Babe, dun ko naisip na bakit nga ba ako nag-aalala at nagagalit. Hindi mo naman ako iniwan ee. Alam ko mahal mo ako. I did trust you. Kahit sa sarili ko, di ko kayang paniwalaan pero ng sinabi sa akin ng batang iyon ang mga salitang iyon, alam ko na hindi dapat ako malungkot. Kasi alam ko babalik ka. Kinabukasan babe, inayos ko ang OJT form ko at inayos ang papers ko. Nag OJT ako, habang naghihintay ng tamang pagkakataon sa pagbabalik mo."

Tuluyan na akong naiyak.

Si Luke ba talaga itong kausap ko? The cold-hearted guy na mula noon ay sobrang snob.

"Pinapaiyak mo ako, Luke. Kainis ka talaga."at kinurot ko siya sa kanyang tagiliran.

"Mahal naman kita. Haha. I love you, Lee. Sobrang mahal kita."siniil ako ng isang halik sa labi.

Ilang sandali pa ay nasa terasa kami ngayon at magkatabing nakatingin sa langit.

"I love this day, Luke. I love you. I thank god for giving me loyalty and patience." bulong ko sa lalaking nagpapatibok sa puso ko na nakangiti na ngayon habang nakatitig sa akin.

"It's because you own my heart, Lee. And I hope to be on your side for lifetime." he replied and he kissed my forehead.

And I love this guy. :)

***

The Things Is: He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon