HM - 12

53 3 0
                                    

Ako:

"Pahiram ng notes sa Math, Luke. Naiwan ko kasi ang aking notes. Nakalimutan ko may exam pala tayo."nakahalukipkip kami ni Lucas dito sa field ng araw na iyon. Exam week na kasi namin ng week na iyon. At dahil naaksidente ako ng nakaraang linggo, di ako nakapasok ng ilang araw. Buti na lang at masipag ang boyfriend ko.


Yes. I finally have him again. Nakakabigla ba? Ako rin eh nabigla. It just happen. And I wont want to hide my feelings for him now that liking him seems not enough.

***

Nagising ako na nakayakap kay Lucas dito sa kotse. Di ko alam bakit ako nakayapos sa kanya. Pero bigla akong napangiwi dahil sa tuhod ko. Oo nga pala, nagkasugat ako kanina.


Nabigla naman ako ng magmulat siya. At biglang ngumiti.


"Okay ka lang ba, Lee?"sabay pisil sa pisngi ko. Nagulat ako sa ginawa neto kaya tinapik ko.


"Anu ka ba, Luke. Bitawan muna ako. Gusto ko na lumabas ng kotse mo."sabay takip ng ilong ko ulit. Napangiti naman ito at bigla akong binuhat palabas ng kotse.


"Lucas! Aahhhh! Ibaba mo ko!" nagsisigaw ako pero tawa lang ito ng tawa sakin. Ay naku naman.

"Wag ka ng magulo. Baka malaglag ka pa at lalong lumala ang gasgas sa tuhod mo."sisigaw pa sana ako pero biglang nagbago ang mukha niya. Pumasok kami sa bahay nila habang buhat buhat nya ako. Nahihiya man ako, pero natatakot akong magsalita dahil sa seryoso niyang pagmumukha.

Nang makapasok na kami sa sala ng bahay nila, dahan dahan niya akong nilapag sa sofa nila. Bigla niyang tinawag ang yaya nila at pinakuha ang bandage para maibalot niya ang tuhod ko. Tatanggihan ko sana pero bigla siyang nagsalita.

"Lee, uhmmmm, I was wondering if we should be friends again. But I dont want to be just your friend."umubo siya konti habang tinitigan ako sa mata. "Lee, can we continue our relationship?"

***

Ngayon, dito heto kami at di magkandaugaga sa kakareview ng aming exams. As usual, siya ang tagatanong ko habang ako ang tagasagot. Mas madali kasi kaming makakapagreview.

Very spontaneous narin kaming dalawa ni Lucas. Nagpromise kasi kami na hindi na kami maglilihim about sa feelings namin. Nung una, gusto ko tumutol, pero he manage to change my mind. Ayaw niya daw kasing mainsecure ako. Lalo na at girlfriend niya na daw talaga ako.

"Lee, malapit na ang application ng On-the-Job training natin. May naisipan ka na bang pagtetrainingan?"bigla nitong tanong sakin habang nakatitig sakin.

Umiwas naman ako ng tingin dito. Matagal ko na kasing naiayos ang aking OJT training. Pero di ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. I think ito na yata ang right time para aminin sa kanya.

"Ahmm Lucas, tungkol sa OJT natin, matagal ko ng naiayos yung papers ko."hinawakan ko siya sa kamay at yumuko ako.

"Sa Singapore kasi ako magOOJT, Luke. Third year college pa lang tayo, naiayos ko na yun. Inavail ko kasi yung offer ni Dean Castro last year. Isa ako sa sasama dun."

Nabigla ako ng hinila niya ang mga kamay niya. Tiningnan ko siya pero iniwas niya ang mukha niya sakin.

"Kelan mo pa balak sabihin sakin na aalis ka, Lee? Kung hindi pa kita tatanungin, hindi mo talaga sasabihin."may halong inis at tampo sa boses neto.

Bigla ko ulit sana siyang hahawakan sa kamay pero iniwas niya ulit. Mukhang magtatampo pa yata siya talaga. Kaya no choice ako kundi...

"Mahal kita Lucas Gabriel. You know how hard falling in love with you is? Yung tipong kahit di mo ako pinapansin noon, I'm satisfied just watching you play, kasi alam ko napapasaya ka ng soccer."niyakap ko siya na biglang nagpaharap sa akin. "You should know, na kahit malayo ka, ikaw lang ang naiisip ko. At gusto ko. At mahal ko."

Pero hindi niya man lang ako niyakap. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya pero walang epekto. Naramdaman ko na lang ang biglang paghiwalay niya sa braso kong nakayakap sa kanya.

"Aalis na muna ako. Mauna ka na sa classroom."at tuluyan niya ng inalis ang braso ko at mabilis na umalis.

Para akong binagsakan ng langit at lupa sa ginawi ni Lucas. Hindi niya ba maintindihan ang sitwasyon ko?

Nabigla na lang ako ng may pumatak na luha sa mga mata ko. Hindi maari to.

***

The Things Is: He's MineWhere stories live. Discover now