HM - 9

45 3 0
                                    

Ako:


Buong araw akong nakahilata sa kama ng bahay ni Lucas. And nung una, akala ko

nasa bahay ako. Hanggang sa nafigure-out ko rin na dito pala ako sa bahay nila.

Gusto kong umuwi pero ayaw akong payagan ni Lucas. Tinext ko narin si Manang na sabihin kay Mama na di ako makakauwi dahil may group study kami.



"Gabriel, may book ka ba jan?" hindi ko na matiis ang pagkabagot ko habang

nakahiga dito sa kwarto ni Lucas. Nandito lang kami sa kwarto habang nakahiga

ako ee nagsusulat siya sa may study table niya. Ayaw niya kasi ako paalisin kasi

sabi magpahinga daw muna ako at nakabantay siya. Pero mamamatay naman ako sa

sobrang tahimik ng bahay ni Lucas. Ni hindi ko nakita ang ibang tao. Ni yaya

mukhang wala. Teka, mag-isa lang ba siya sa bahay nila?



"I don't mean to be rude, Lucas. Pero di ka ba mapapagalitan ng parents mo na

nagdala ka ng babae sa bahay nyo?"



Ngumiti lang si Lucas at binigyan ako ng isang makapal na libro.



"Basahin mo yan para di ka mabagot. Mamaya maglalakad tayo sa village. And sa

tanong mo kung mapapagalitan ako, hindi kasi nasa States sila. I live alone

Lee." at niligpit niya na ang study table at tumayo palapit sakin.

"Kukuha lang ako ng meryenda natin para makapagpahinga ka. Manunuod tayo ng

sunset mamaya." at hinalikan ako sa noo, at lumabas na siya ng kwarto.



***

All I do is stare at him while he started to walk with his barefeet in the sand.

Nandito kami sa Batangas, isang maliit na half-concrete na vacation house daw

nila Lucas. Akala ko ng sinabi nya na manunuod kami ng sunset ay sa Baywalk nya

ako dadalhin pero nabigla ako ng nagtravel kami pa SLEX. And after two hours and

half, hello this place.



Pero imbes na magusap kami, we just walking together kasi malapit na magsunset.

Nauuna maglakad si Lucas habang nakatitig ako sa dinadaanan nya.



"Luke, masakit na ang paa ko." bigla kasi nangatog ang mga tuhod ko. Napatigil

naman siya sa paglalakad at hinawakan ako sa kamay.



"Aalalayan na lang kita." at hinapit na ako sa bewang. Naglalakad parin kami

hanggang sa nakita ko ang isang kubo na may malaking bato sa tabi. MUkhang doon

yata kami pupunta.



Bigla namang tumahip ang aking dibdib. May hindi magandang mangyayari dito.

Nababatid ko yun pero hindi ko mapigilan.

"Dito na tayo." At inalalayan akong umupo ni Lucas. May iba sa kanya. Hindi ko

mawari pero mula ng dumating kami dito ay parang may malaking puwang sa aming

dalawa.



Binuksan nya ang munting bintana ng kubo paharap sa dagat. Namangha ako kasi

kitang kita sa bintana ang unti unting paglubog ng araw.

Nakakabighani pala ang ganda ng sunset. Nakakaaliw siya tingnan kaya lumapit ako

ng husto sa bintana habang nasa likod ko naman si Lucas.



Unti unti, nawala na ang sinag ng araw at tuluyan na itong nilamon ng dagat.





At nabigla ako ng biglang magsalita si Lucas.





"Lady, ibabalik na kita sa dati mong mundo. Babalik na tayo sa dati. Kailangan

na nating tapusin to. I been a bother to you since I become part of your life."



Nanikip ang dibdib ko. At naiiyak pero pinigilan ko ang mga mata ko sa pamumuo

ng mga luha dito. Tumalikod ako at tinitigan siya.



"Sige, Lukas. Napapagod na rin ako sa sinasabi ng ibang tao." at nilampasan ko na siya. "Uwi na tayo."

Pero bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko.

"Sana wag ka magalit sakin, Lee." pabulong nyang sabi.



Tinabig ko ang kamay niya at nagsalita.



"Hindi naman ako nagalit sayo, Luke." at lumabas na ako ng kubo.





Tanga ako, oo. Pero tama naman si Lukas. Siguro malabo talaga ang sitwasyon

naming dalawa. Hindi kami magkapareho ng nararamdaman.



Mabilis akong naglakad pabalik sa kotse niya. Hindi ko na kaya wag umiyak. Pero

alam ko nakasunod lang siya kaya mas tinatagan ko ang dibdib ko. Babalik pa kami

sa Manila. Babalik pa kami sa dati. Hindi pwedeng magbago ang mga bagay na hindi

dapat.



***





The Things Is: He's MineTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang