Mariner's Heart 2

6.5K 233 10
                                    

MARINER'S HEART
Written by: MyProperty_


All Rights Reserved 2015

~~~~~

Napansin kong wala na ang mga Marine na kasabay namin kanina sa jeep sa kanilang table. "Baka naman nauna ng umalis. At dapat lang!" Protesta sa aking utak

Dahan-dahan kong tinungo ang kinaroroonan ng aking mga kaibigan na ngayon ay abala sa pakikipag-usap sa mga Marine.

"Lance, andito ka na pala." Pasimulang sabi ni Aliah, "..Guys, I want you too meet our dearest princess..." naputol siya sa kanyang pagsasalita dahil pinangalawahan ko ito.

"Aliaaaah!" Madiin kong tugon dahilan para magsitawanan silang lahat kaya mas lalong nangasim ang mukha ko, sa hiya.

"Oh ano? Lance i want you to meet Charles, Alfred, Daryl, Ivan and my boyfriend, Vince. Guys, this is Lance. Ang kwento kong may phobia sa mga gaya niyo" Pagbubulgar nito kaya tinitigan ko ito ng masama at yumuko dahil sa sobrang hiya.

"Hi." Maikling tugon ko at umupo sa harap ni Aliah at ang kanyang boyfriend. Nakita kong ngumiti ang mga ito at lalo na ang boyfriend ni Aliah na si Vince. Ewan ko ba pero medyo nawala ang inis ko sa mga ito. Pero gayun paman, ayoko paring makitungo sa kanila.

Infairness ah, ang ga-gwapo nilang magbabarkada. Ngunit hindi parin ito ang susi upang lubos ko silang magustuhan. Hanggang nagayon kasi may barriers parin pagitan sa mga kalahing seamanloloko at sa mga magiging seamanloloko-to-be.

"Hi Lance." Panimulang sabi ng aking tapad. Habang si Alfred at Daryl ay abalang nakikipag-usap kay Megan at Kath at gayun din ang dalawang magkasintahan sa aking harapan. WALANG FOREVER SA MGA SEAMANLOLOKO!!!

"Hello." Casual kong sagot. Hanggat maaari ay ayokong malinked sa mga ito. Hindi man ako makatitig na matagal sa kanya ay kitang-kita ko parin ang maamong mukha nito. Maputi at matangos na ilong at ang tantya ko ay may height na 5'9. Gwapo ito kaya't sa tingin ko ay marami na itong nabiktama at mabibiktima pang mga kababaihan. Tsk! "Sayang gwapo pa naman sana." Sambit ko sa aking sarili

"So second year parin pala kayo. Same course ba kayo nila Aliah?" Tanong nito upang lingonin ko ang kinaroroonan ni Aliah na abalang kinakausap ang kanyang kasintahan. Ngunit nagtataka ako dahil nakatingin pala ito sa amin ni Ivan. Ilusyunado lang siguro ako kaya tinuon ko ang pansin ko sa aking katabi.

Marami pa kaming pinag-usapan ni Ivan at kabaliktaran ang unang impression ko sa kaniya/kanila. Mabait ito at kwela pa kausap. Nakilala ko ang pagkatao niya dahil sa mga bagay na sinasabi niya sa akin tungkol sa kanyang buhay. Nakalimutan ako ang galit ko sa mga sandaling iyon. Tama nga si Aliah, na hindi ko dapat hahayaang galit ang mamayani sa aking puso dahil ito ang magiging hadlang sa mga opportunity gaya na nito.

Kanina ko pa napansin na panay titig ang boyfriend ni Aliah sa amin. Patay malisya nalang ako dahil baka akala ko lang iyon. Naglibot libot kami sa mall hanggang maabutan kami ng gabi. Nagpresenta si Ivan na sabay nalang daw kaming magdidinner sabay namang sinang-ayonan ng lahat.

Papunta na sana kami sa foodcourt ng masalubong nanaman namin ang mga Marine na nakasabay namin sa jeep kanina. "Teka, ba't ba andaming Marine na nakikita ko ngayong araw?" Sigaw ko sa aking sarili.

"Yads, yung si kuya gwapo oh. Panay titig na naman sayo. Destiny ata kayo yads eh. Kanina pa kayo tinatagpo ng tadhana niyo." Malakas na sabi nito upang marinig ng aming kasama.

"Tol, andito sila oh." Sambit ni Daryl kay Vince at napansin ko na kumunot ang noo nito.

"Bilisan na natin ang paglalakad." Sabi ni Vince. Nalilito man kami ng mga kabigan ko ay sumunod nalang kami nito.

Mariner's Heart (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon