Mariner's Heart 2

Magsimula sa umpisa
                                    

Kasalukuyang nakaupo kami nila Aliah, Meg at Kath habang ang 5 naman ay nagpresenta na bilhan kami. Magbabayad sana ako kay Ivan ngunit mapilit itong libre daw niya kaya wala akong magawa kundi pumayag sa alok niya.

Nakabalik ang mga ito at dala-dala ang kanilang mga tray. Kinilig man ako sa ginawa ni Ivan ngunit hindi ko nalang ito binigyan kahulugan kasi baka mag assume pa ako.

Habang kumakain ay naisipan kong itanong kay Ivan kung anong meron sa kanina tungkol dun sa mga marine na mga nakasalubong namin ngunit hindi ko inakala na si Vince ang sumagot sa tanong ko.

"Wag na wag kayong lalapit sa grupo nila dahil kalaban namin ang mga yun." Yan nalang ang sinabi niya. Natahimik nalang ako dahil mukhang seryoso ito kung magsalita. "At higit sa lahat, wag kayong magpapauto sa kanila. Lalo na yung lalaking panay titig sayo Lance." Dagdag pa nito upang mas naguluhan pa ako. 'Ano kayang meron?' Sabi ko sa aking isipin. Hindi na ako muling nangulit pa at tanging tango lang ang aking binigay.

Matapos kaming kumain ay tuloy parin ang usapan namin. Tila ba ay nawala ang galit ko sa mga marine kagaya nila. Well, exempted na sila doon lalo na nung mas palalim ang usapan ni Ivan at nagsimula kaming nag-uusap nina Alfred at Daryl. Habang si Vince naman ay abalang nakikipaglambingan kay Aliah ngunit ang mga mata na ito ay nasa amin ni Ivan. Kanina pa ako nakakahalata ngunit hindi ko nalang ito binigyan ng pansin.

Malalim na ang gabi ng napagdesisyonan namin na umuwi. Nagsimula kaming magpaalam sa isa't isa ay nagpresenta si Ivan na sa kanya na raw ako sasakay.

"Wag na Ivan, nakakahiya naman sayo. Ayos lang ako. At pangalawa ay mapapalayo ka pa." Sabay bitiw ng matamis na ngiti.

"Taga saan ka nga pala Lance?" Singit na tanong ni Vince.

"Sa Carolinian Sudvision."

"Ayos! Sabay ka nalang sa akin Lance, tutal magka subdivision lang nman pala tayo." Sabi nito habang umaliwalas ang kanyang mukha.

"Hindi na tol, ako na maghahatid sa kanya papauwi." Singit ni Ivan.

"Pero magkaibang daan naman kayo diba? Mapapalayo ka pa niyan tol." Tugon ni Vince.

"Teka lang, Vince ihahatid mo pa si Aliah diba? You should think first about her safety. At sayo Ivan, kaya ko naman sarili ko. Gabi na at mapapalayo ka pa."

Yun na nga ang set-up. Wala namang magawa si Ivan kasi hindi rin naman ako papayag. Si Vince naman ay natauhan sa sinabi ko. Dapat lang na kay Aliah nakatuon atensyon niya. Samantalang ai Kath ay sumakay kay Alfred at si Meg naman ay kay Daryl. Oh diba, pumaparaan si mga ateng.

"Ayos lang ba sayo na hindi na kita ihahatid?" Pahabol na tanong ni Ivan. Kaya ningitian ko ito.

"Kaya ko na sarili ko Ivan." Sabi ko

"Concern lamang ang mga yan sayo kasi ikaw ang prinsesa sa grupo Lance. Haha" natatawang sabi ni Daryl.

"Tado ka Daryl! Wala akong matres. Yang mga tatlo na yang ang orihinal na eba!" Sabi ko sabay turo sa tatlo kong mga kaibigan at nagsitawanan nalang sila.

"Oh sya, mag-iingat ka Lance. Salamat sa araw na to at nice meeting you ulit." Sabi ni Ivan habang hindi ko inaasahan ang kanyang sunod na gagawin. Yumakap ito at nakita ko ang pag-asim na muka ni Vince mula sa likod ni Ivan. Baka namamalikmata lang ako kaya di ko na ito binigyang pansin.

Nagpaalam na ako sa mga ito at pumara na ako ng taxi. Masaya sa pakiramdam. Yan ang aking nararamdaman sa mga oras na nakasama ko sila. Hindi ko lubos akalain na naglaho nalang na parang bula ang aking galit sa mga kalahing seaman.  Masaya ako dahil may mga bago na akong kaibigan.

Pagkauwi ko ng aming bahay ay agad kong hinanap si mommy ngunit wala daw ito ngayong gabi kasi may meeting daw itong client sabi ng aming katulong kaya pumasok nalang ako sa loob ng aking silid. Nag toothbrush at nag halfbath bago tuluyang gumayak sa aking higaan. 'Feel so good to be at your bed.' Sabi ko sa aking sarili.

Narinig ko ang pagtunog ng akin phone kaya tiningnan ko kung sino ang nag text. Globe lang ngunit ang pumukaw ng atensyon ko sa isang unknown number na nag text 1hour ago.

"Hi Goodevening ." Yan ang text ng isang di kilalang number.

"Yes? How may I help you?" Casual kong sagot lalo na sa hindi ko kilala. Walang isang minuto ay narinig kong tumonog na ulit phone ko.

"Lance Vargas right?" Text sa kabilang linya.

"Yes, Why?" Reply ko

"I found your I.D inside the CR. Nakalimutan mo ata." Text nito upang kabahan ako. Kinapa ko ang aking didbdib at wala nga ang ID ko. Hinanap ko sa bag ngunit wala parin ito. Iniisip ko ng mabuti kung papaano ko ito nawaglit. Siguro dahil iyon siguro kanina sa CR kung saan ako nanghilamos. Siguro nga ay nagsasabi ito ng totoo kayat nireplayan ko muna.

"Oh thanks goodness. Maraming maraming salamat. Pwede pakilagay nalang sa gate ng university namin bukas? Hindi kasi ako makakapasok ng walang id. :(("

"Magkita nalang tayo sa labas ng school niyo bukas, around 11am :* ."

"Surething. Thankyou po."

Nakadrugs ba ang isang to? May pa kiss pang nalalaman. Oh well, salamat narin sa kanya dahil napunta ang id ko sa hindi masamang kamay. May mga tao pa palang tapat ngayon. 1:99 nalang ata.

Habang nakahiga ay hindi ko maiwaglit ang mga pangyayari ngayong araw. Simula sa mga marine na nakasabay namin papuntang mall at sa hindi inaasahan ay parehas din pala kami ng kakainan. AT hindi namin alam na andun pala ang boyfriend ni Aliah at mga barkada nitong mga marine din. Ngayon palang ito nangyari. Noon ay palagi akong umiiwas sa kanila ngunit ngayon ay wala na akong magagawang umiwas lalo na't may mga bago akong kaibigan at isa na dun si Ivan. Si Vince naman, kung gwapo ang basehan ay magkahalintulad sila ni Ivan ngunit weird lang ito kasi parati kong nahuhuli ang kanyang mga tingin samin.

Sa pag-iisip sa mga nangyari kanina ay hindi ko alam na kinain na pala ako ng isang matinding antok dahilan para dumilim lahat paningin ko dahilan para makatulog.

MEANWHILE........

"Magiging akin ka rin balang araw, Lance."

Mariner's Heart (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon