16. Got to Believe (AU)

Magsimula sa umpisa
                                    

Talagang naging hobby ko na pumunta sa park dahil marami akong pwedeng iguhit dito. Narito kasi ang iba't ibang klase ng tao. Mula sa mga matatandang naglalakad, sa mga nageehersisyo, sa mga teenagers na naglalandian hanggang sa mga batang naglalaro.

Nasa kalagitnaan ako ng sketch ko nang makita ko ang isang pamilyar na lalaki na na naglalakad at umupo sa isang bench malapit sa puno kung nasaan ako. Nasa leeg niya nakasabit ang isang professional camera.

Ewan ko kung bakit pero tinitingnan niya ang magkasintahan at ngumiti siya ng mapakla. Maya-maya pa nakita kong tumulo ang isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata. Agad naman niya itong pinunasan. Kinuha niya ang hood ng jacket na suot niya at inilagay ito sa ulo niya. Isang failed attempt na pagtatago ng kanyang nararamdaman dahil kitang-kita ko kung paano siya nasasaktan.

Pero bakit?

Ang isang taong tulad niya na nakangiti sa harapan ko ay umiiyak pag mag-isa lang siya?

Ewan ko pero naramdaman kong parang may kumirot sa dibdib ko.

Hindi ko namalayan na ginuguhit ko na pala siya sa sketchpad ko.

...

...

...

"Bulaga!"

"Ahhhhhh!"

Yung unang nagsalita, si Sam yan. Yung pangalawa, ako na.

Siguro kung may sakit sa puso lang ako, matagal na kong patay dahil sa mokong na ito. Kung hindi ako pagti-tripan ay wagas akong gugulatin.

"Hoy Sam! Hanggang kailan ba kayong ganito ng kaibigan mo? Bakit ba lagi na lang ako ang pinagti-tripan niyo? Madami naman diyan na willing pagtripan niyo eh, bakit ako pa?" wika ko na naiinis.

Alam niyo yun, naasar na kasi ako eh. Si Daniel, lagi akong papatirin para tingnan yung prints ng short ko sa ilalim ng uniform ko. Hindi man lang naambunan ng kaunting pagka-gentleman yun nung nagpaulan si Papa God. At eto namang si Sam, punong-puno ng kayabangan sa katawan. Siya naman sinalo lahat ng kayabangan sa mundo nung nagpaulan.

"If I know, kinikilig ka pag ginagawa namin sa'yo yun. Kinukuha mo kasi lahat ng atensyon namin," mahangin niyang sambit sa akin.

Shet. Dinadala na ko ng pagkamahangin niya. Delubyo na ata ito.

"Wow naman! Nakuha ko nga atensyon niyo, pambubully niyo rin nakuha ko. Tantanan niyo na ko dahil hindi ako natutuwa," sabi ko.

"Sus! Kunyari ka pa," ani niya sabay akbay sa akin.

Siniko ko nga siya sa tiyan.

"Aray! Ang brutal mo naman," sambit niya at hinihimas-himas pa ang tiyan niya.

Nirolyo ko ang mga mata ko, tanda na naiinis na talaga ako nang biglang may naalala ako.

"Sam..."

"Hmmm?"

"Nakita mo na bang umiyak si Daniel?"

"Hah? Si Daniel? Iiyak? Nagpapatawa ka ba?"

Ang ibig sabihin lang noon, kahit sa matalik niyang kaibigan, nagtatago siya ng lihim.

Nakakainis. Ginugulantang mo ang tahimik kong buhay Daniel Padilla! Teka, tahimik nga ba?

"Kath! Hoy! Kath!"

Nagising ako sa pagmumuni ko nung niyugyog ako ni Sam.

"Bakit ka ba natulala? Wag mong sabihin na gusto mo si Daniel?" singhal niya.

Teka, bakit ba galit ang isang ito?

"Wala no! Ako? Magkakagusto sa kumag na yun? Never!" sabi ko.

"Mabuti naman," wika niya na nakangiti na.

Bipolar talaga ang isang ito, sure na.

"Hoy Sam! Aalis na ko! Sa susunod na magkikita tayo, bawas-bawasan mo na ang panggugulat sa akin," reklamo ko sa kanya.

"Sige, sige...Susubukan ko."

"Wag mong subukan, gawin mo!"

...

...

...

Nasa club room ako, nagpipintang mag-isa.

Hindi ko alam kung bakit puro mukha ng Daniel na yun ang pinipinta ko.

Hindi ko siya maialis sa sistema ko ngayon. Nakakabanas.

Ibinaba ko ang palette at paint brush ko para kumuha ng malaking canvas. Inilagay ko sa isang sulok ang canvas at kumuha ng oil paints.

Kung ganito rin naman, I'll use this as my inspiration to my next work.

Ewan ko ba kung bakit parang sinaniban ata ang kamay ko at sinimulan ipinta ang mukha niya. Nakangiti siya sa painting ko, pero ang ngiting yun, hindi umabot sa mata. Medyo naluluha pa nga ang ipininta ko doon eh. Nakasuot siya ng hood sa painting ko.

Pagkatapos ang background ng painting ko ay ang mga kulay ng sunset.

Sunset, katapusan ng lahat. Pero sa katapusan ng isang araw, may sisibol ulit na magandang bukas. Paniniwala sa bagong pag-asa na may darating pang bukas. Magulo ba? Magulo akong tao eh.

Ibinuhos ko ang makakaya ko para iparating ang mensahe sa lahat at lalo na sa kanya.

Na kahit may katapusan ang lahat, darating na darating ulit ang simula kung saan magiging maligaya ulit siya. Magtiwala lang.

...

...

...

Nakita ko siyang pumasok sa museum.

Alam kong naiilang siya dahil lahat ng tao nakatingin sa kanya.

Hindi niya ako nakikita pero nakikita ko siya.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang isang malaking painting sa gitna.

Gawa ko iyon.

At sinong hindi magugulat kung mukha niya makikita niya sa painting.

Hinawakan niya ang painting at pumikit. Pagkatapos ay inilagay niya ang mga kamay niya sa title nito.

Got to Believe

Oo, Daniel.

Maniwala ka.

Balang araw, hihilom din ang sugat na dala ng kung ano man ang napagdaanan mo.

Maniwala ka.

Lagi lang kami nandito para sa'yo...

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon