Dalawampu't Siyam

5.7K 192 18
                                    

Napadilat ako kaagad nang may marinig akong nagkukuwentuhan. Parang papasok ng room. Agad-agad din akong lumayo kay Rico at umupo sa pinakamalapit na upuan. Nakakahiya yun ah.

Nanatiling nakasandal si Rico sa pader. Mabuti na lang mabilis kaming kumilos. Yung puso ko parang gusto nang kumawala sa aking dibdib. Yung crush ko muntik na akong halikan sa labi. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Perstaym to eh. Hinalikan niya na ako noon pero biglaan yun at wala pa akong nararamdaman para sa kanya. Iba tong ngayon. Kung maputi lang siguro ang balat ko, halatang-halata na ang pamumula ko sa kilig.

Naalala kong yung sinabi niya kanina na pinagseselosan niya raw si kuya. Ibig sabihin ba noon, may gusto rin siya sa akin? M.U. na ba ang tawag doon? Hayy, hindi dapat ako nag-iisip nang ganito. Kauusapin ko siya tungkol dito mamaya, kung kakayanin ko pang humarap sa kanya. Baka kasi manlambot ang mga tuhod ko.

Sa ngayon, hindi ko muna siya titignan, maaalala ko lang yung naunsyaming halik niya. Tahimik lang ako hanggang pumasok si Miss Sanchez.

"Okay class, please pass your drafts for your projects," pambungad niyang utos sa amin. Inilabas ko naman ang ginawa ko. Medyo maikli pa nga dahil hindi ko pa natatapos. Ipinasa ko ito sa harap.

"Now, we will have a peer evaluation. I will give each one some guidelines in evaluating the work of your classmates. Please be objective in giving scores," paalala ng propesora. Nagulat ako. Akala ko ipapasa lang sa kanya at siya ang magchecheck, hindi pala. Ayoko pa namang ipabasa sa iba ang gawa ko. Pero ayos lang, tago naman ang kahulugan ng mga sinulat ko. Buti na lang.

Ipinamahagi na ni ma'am ang mga drafts. Kumukuha ako ng red ballpoint pen sa bag ko nang ilapag ni Ms. Sanchez ang ieevaluate ko. Pagbukas ko ng folder, napalaki ang aking mata.

Submitted by:
Rico Dranreb Lee

Ayoko na. Hanggang dito ba naman sinusundan ako ni Rico. Hindi ko na nga sinusulyapan ang gwapong mukha niya eh. Bahala na. Tuluyan ko nang binasa ang sumunod na pahina.

Fatherless, motherless, but not homeless,
I am all these from the start of my test.
Living sad, alone, and independent,
Under the roof of my cold apartment.

Ramdam ko yung kalungkutan sa unang taludtod pa lang ng kanyang tula.

Everything was just black and white for me.
Negative things are all what I can see.
Though I still tried to become just happy
Using the money my father gives me.

Huh? Anong ibig niyang sabihin sa huling linyang iyon? Anong ginawa niya sa pera niya para sumaya.

Until one night, I met that one person
Who gave me the love and care I can't own.
I felt bliss, happiness, and completeness
Which I can't experience again, I guess.

Medyo nakaramdam ako ng selos sa taong 'yun. Sobrang kaligayahan siguro ang naidulot niya kay Rico. Pero sino ito? Base sa mga kuwento niya, si James lang na half-brother niya ang nakarelasyon niya. Baka siya nga ang tinutukoy niya.

Everyone dies, I can accept this fact.
What I can't is I'm the reason for that.
We were both sick in two different ways.
Which let us go in two separate ways.

Ano raw? Wala na akong naintindihan. Wala siyang nabanggit tungkol sa mga ito. Ano ba ang totoo? Marami pang sumunod na malalalim na stanzas pero wala na akong naintindihan. Tumatak lang yung dulo ng nagagawa niya.

Sikreto 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon