Possessiveness 6

27K 542 19
                                    

Chapter 06

Morgiana Shin's Pov

PATAY sindi ang kulay dilaw na ilaw. Nanayo ang mga balahibo nya ng may maramdamang nakasunod sa kanya kaya mas binilisan nya ang lakad. Hindi nya maipaliwanag ang kabang nararamdaman.

Kataposan na ba nya ito? Dito nalang ba ang buhay? Tagaktak na ang kanyang pawis at nababalisa na sya ng may biglang humatak sa kanya sa isang madilim na eskinita at tinakpan ang kanyang bibig upang hindi makasigaw.

Gusto nyang magsisigaw at humingi ng tulong pero hindi nya magawa dahil sa kamay ng nakatakip sa kanyang bibig. Siniko nya ito para makawala sya sa yakap ng estranghero, pero para wala lamang dito ang ginawa nya. Para itong pader na di manlang natinag. Nagpupumiglas sya upang makawala. Napatigil lamang sya ng may maramdaman na maiit na malambot na bagay sa tenga nya. "Stay still." Isang pamilyar na boses ang kanyang narinig para magpakalma sa kanya. Its Luxus, ano kayang ginagawa nito sa ganitong lugar sa mga oras na yon? Nasa bibig parin nito ang kamay ng lalaki.

Tahimik lang sila doon sa eskinitang iyon. Gustong-gusto na nyang umalalis dahil hindi komportable ang pwesto nilang dalawa ngayon. Nakayakap ito sa kanya ngayon, magkadikit na magkadikit sila dahil masikip ang eskinita kong saan sila nagtatago. Ramdam nya rin ang mainit ngunot mabangong hininga ng binata. Sino nga naman ang hindi maiilang sa ganong pwesto nila ng binata? Naiilang nga ba o nagusgustohan nya yong pwesto nila?

Pinilig ni Shin kong ano mang iniisip nya tungkol sa pwesto nila ng binata.

"T-tanggalin mo nga yang kamay mo sa bibig ko." Mahinang angil nya sa lalaki.

Hindi ito sinunod ng lalaki, bagkus ay yumuko ito. " A-Y-O-K-O" Mabilis na tumibok ang puso niya dahil sa ginaawa ng binata. Ito ang unang pagkakataon na napatameme si Shin sa isang lalaki.

Nanlaki ang mga mata nya ng makita ang isang lalaki na may dalang baseball bat. "Binibini lumabas ka kong saan ka man ngayon, lets both enjoy this cold night." Sabi pa nito habang nakasmirk. Patingin tingin ito na parang nasa palagid lang ang hinahanap. Nakahood ito pero may suot itong half mask. Inikot-ikot nito ang hawak na baseball bat. " You can't hide from me Shin Alvarez, I been waiting for so long for this to happen. To finally be with you." May nilabas itong bagay sa bulsa ng hood nya, sandali.... Litrato nya ang bagay na 'yon aa!

Tinitigan nya ito bago idinikit sa mukha na parang isang nababaliw. Nangilabot sya sa ginawa ng lalaki. Para nitong sinasamba ang kanyang litrato. Ilang sandali itong nasa ganoong posisyon ng bumaling sa kinaroroonan nila ni Luxus. "Found you, darling."

Nagulat nalang sya ng makarinig ng parang may hinampas. Nanlaki ang mga mata nya ng makita nya si Luxus na matutumba, agad nya itong sinalo. Dumugo ang noo nito kaya kinabahan sya. Hindi na sya kinakabahan tungkol sa buhay nya kong hindi mas kinakabahan sya sa buhay ni Luxus, nadamay lamang ito dahil nagmagandang loob ito na iligtas sya na hindi naman nangyari. "Nandito sila boss!" Sabi ng lalaki na may hawak rin na baseball bat. Ito ang humampas kay Luxus. Tinitigan nya ito ng masama ngunit humalakhak lamang ito.

Tinali muna ang kamay nya bago sila kaladkarin ni Luxus papunta doon sa lalaki, boss ata nila base narin sa narinig nya sa tawag ng lalaking humampas ng baseball bat sa ulo ni Luxus doon sa psychopat na iyon. Nakaluhod sya ngayon sa harap ng lalaking baliw. Nakatali din ang kanyang mga kamay sa likod kaya hindi nya masapak ang mga lapastangan gumawa sa kanyan nito ngayon, Bukod pa doon ay wala paring malay si Luxus, hindi naman nya pwedeng iwan ang lalaki at baka lalo pa itong mapahamak. " Ano bang kailangan mo sakin?!" Naiinis nyang sigaw dito.

Lumapit ito sa kanya, tapos lumuhod para maging magkasingpantay na sila, binitawan nito ang hawak na baseball bat saka hinawakan ang hibla ng buhok na nakakalat sa mukha nya bago ito inamoy. Pinilig nya ang kanyang ulo para alisin ang mga kamay nga lalaki na hawak-hawak ang hibla ng kanyang buhok. "Oh Darling you forget me already?" Binitawan nito ang hibla ng kanyang buhok sa nito hinaplos ang kanyang pisngi habang tinitigan sya nito. Ang maamo nitong anyo ay biglang bumagsik, kasabay noon ang paghatak nito sa kanyang buhok sanhi para mapatingala sya. "Urgh!" Sigaw nya dahil sa sakit. Ikaw ba naman sabunutan e. Lintek talaga, makaalis lang talaga sya sa sitwasyon niya ngayon at huhuntingin nya talaga ang baliw na to!

My Possessive Yakuza Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon