”Good Morning.. Kamusta na po ang empress?” Tanong ni Sebastian.

”Ha? Ah eh. Hindi namin alam.” Alanganing sagot ko. Kumunot ang noo ni Sebastian.

”May nangyari po ba?” Alalang tanong ni Sebastian.

”Paggising ko wala na siya sa kwarto niya. Nagbabakasakali ako na baka kasama niyo siya..” Tumango si Sebastian at saka tumingin kay Olivia..

”Alert all the Class S Guards and the Black Crown Guards..” Tumango si Olivia.

 “Copy that..”

(LIA)

Bigla akong nagising dahil masama ang pakiramdam ko, dali-dali akong tumakbo papunta sa cr. At sumuka. Geez. Ang hirap pala ng sitwasyon ko. After nun, naligo na ako para makapagbreakfast na parang gusto ko ng pancake na may vanilla ice cream.

Pagbukas ko ng pintuan, may napansin akong isang piraso ng red rose. Pinulot ko yun..

”Ang ganda..” Napansin kong may nakakabit na papel doon..

Lia,

Good Morning Beautiful!

                                  -Dan

Hindi ko alam pero hindi ko napigilang hindi mapangiti. Lagi kasi akong nakakakita ng mga red roses sa tapat ng pinto ko o kahit saang lugar pa. At laging may nakakabit na note. Lahat yun galing kay Daniel..

“Ganda ng ngiti natin ah!” Nagulat ako ng biglang sumulpot sa harap ko si Ate Natalie

”Ate Nat naman! Nakakagulat ka!” Natawa naman siya.

”Sus! Kinikilig siya!” Napailing na lang ako..

”Bakit ba ayaw mo pa kasing kausapin? Tignan mo naman yung effort niya.. Alam mo hindi kayo magkakaayos hangga’t hindi mo siya kinakausap. Wag mo muna paandarin yang pride mo.. Alang-alang dyan sa baby niyo..” Napabuntong hininga ako. Tama naman si Ate Natalie

”Kaya lang kasi Ate Nat--” Pinutol niya yung sasabihin ko..

”Ok.. Lia, hindi ka na bata.. You’re already a young adult and soon to be mother.. Kaya kung anuman ang dahilan mo, nirerespeto ko.” Ngumiti ako.

 “Salamat Ate.” Noon pa man siya na ang tumayong ate sa aming lahat. Malaki din ang utang na loob ko kay Ate Nat, siya kasi yung naging mentor ko nung nagsisimula pa lang akong maging isang fashion designer.

”Ah nga pala, alam mo ba kung saan pa pwedeng magpunta si Sophia bukod sa garden niya?” Tanong ni Ate Nat.

”Ahm. Hindi e.” Napatango lang siya..

”Ah. O sige.” Teka, nagkamalay na ba ulit si Sophia?

”May malay na ba ulit si Sophia?” Tanong ko.

“Yep. Kaso nawawala siya e.” Nanlaki yung mata ko..

“Geez. Bakit hindi mo sinabi agad?” Aalis na sana ako para hanapin siya kaso pinigilan ako ni Ate Nat.

”Dito ka lang. Hayaan mo na kami ang maghanap sa kanya, alalahanin mo delikado sayo ang maggagalaw at mapagod.” Magrereklamo pa sana ako kaso...

”Wag ka ng magreklamo.” Tapos umalis na siya.Forever alone na naman ang drama ko nito. Kainis!

(TIMOTHY)

Nakatanggap ako ng isang mensahe galing kay Sophia. Pero ang sabi doon wag kong ipapaalam sa iba kung nasaan siya..

Agad akong pumunta sa lugar na nakalagay doon. Pero sa loob lang din ng Montereal Palace yun, may nakalagay lang na map kung saan yung mismong lugar na yun dahil tago.

Nakarating ako sa isang garden maze at sa lawak nun halos mukhang maliligaw kung sinuman ang pumasok dito, at mukhang ako yun. Kaso habang naglalakad ako, nakakarinig ako ng pagdaloy ng tubig, sinundan ko yun hanggang sa bumungad sa akin ang isang napakalaking fountain.

”Buti hindi ka naligaw..” Nakatayo sa harap ko si Sophia. Pero halata pa rin na nanghihina pa rin siya..

”Sophia, bakit ka biglang umalis?” Tanong ko. Ngumiti siya..

”Kapag hindi ako umalis baka hindi na ako sinagan ng araw doon..” Anong ibig niyang sabihin?

”Alam kong alam mo ang nangyayari sa paligid mo, Timothy.. Hindi ka ganun katanga kagaya nila.” Umupo siya sa gilid ng foutain.. At tinignan ang chess board na nasa harap niya..

“Pumasok ako ng Royal Academy at nagpanggap bilang Sophia Hernandez sa isang rason..” Hinintay ko ang mga susunod niyang sasabihin..

“I have to find the person who betray us.. Who killed my parents including Nics..” Halata ang galit sa boses niya ng sabihin niya yun. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit naman may tatraydor sa kanila..

”Sophia, hindi kita maintidihan..” Tumingin siya sa akin. Her face softens.. I’m seeing now infront of me is not the empress but Sophia Hernandez.

“Everyone thinks that no one can defy a Montereal. Iniisip niyong lahat na lahat ng nasa high society ay lumuluhod sa amin. Pero dyan kayo nagkakamali, may mga taong kumakalaban sa amin. Ang dahilan? They want to be more powerful.. At ang hadlang sa kanila ay kami.. ako. Kaya iniisa-isa nila kami. At sinusimulan na nila na ako naman ang pabagsakin.” I can’t believe I’m hearing this right now from Sophia.. Hindi ako makapaniwala na may ganung klaseng tao. Gagawin ang lahat maski ang pumatay para maging mas makapangyarihan lang..

”So you’re saying na hindi aksidente ang pagkamatay ni Yves at ng mga magulang mo? Na pinlano yun?” Tumango lang siya bilang sagot.

Hindi ko alam ang sasabihin ko.  Sa totoo lang, ang pamilya ng Montereal ay puno ng mga mabubuting tao. Kapag humingi ka ng tulong sa kanila agad kanilang tutulungan ng hindi nagdadalwang isip. Kaya nakakagulat na gusto silang ubusin ng kung sinuman na gustong kamkamin ang lahat. At ngayon si Sophia na lang ang natitira. Siya naman.

Napatitig ako kay Sophia, tahimik lang siya at ang  lalim ng iniisip niya.. Siguro naalala na naman niya ang mga malulungkot na pangyayari sa buhay niya..

Pero kung kaya siya pumasok sa Royal Academy para makita ang taong may kasalanan ng lahat, nakita na kaya niya ito?

”Sophia..” Tumingin siya sa akin.

”Did you find that person?” Malungkot siya ngumiti..

“Unfortunately, yes.. And that person is with us right now..” What?! Pero sino??

“Timothy, alam mo ba kung bakit ko sinasabi sayo ‘to?” Umiling ako..

“Bakit nga ba?” Lumungkot ang mukha niya..

“Kasi kailangan ko ang tulong mo..” Eh?

”Ano naman ang maitutulong ko?”

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon