CHAPTER TWENTY TWO

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sooo? How does it taste?" nag-beautiful eyes pa si Clyde, aba.

Biglang niluwa ni Summer ulit yung mga sinubo niya kanina. Nagtaka naman si Clyde sa mga ginawa ni Summer. "B-bakit? Hindi ba masarap?"

"Clyde ang sama ng lasa! Wag mo nang uulitin 'to, utang na loob!"

Nakaramdam ng lungkot si Clyde, at kung kasama mo talaga siya, mahahalata mo ito kaagad sa itsura niya.

Pinaghirapan ko pa naman yun. First time lang akong napagawa ng cake sa buong buhay ko. At para lang yun kay Summer, tapos hindi pa masarap. Inayawan niya pa.

Sa sumunod na araw, naisipan ni Clyde na punuin nalang ng chocolates ang locker ni Summer. Wala kasi siyang time na makipagkita sa kanya ngayon dahil maraming activities. And besides, kahit ano namang mangyari ay magugustuhan pa rin ito ni Summer, di'ba? Sino ba namang aayaw sa chocolates? Lalo na kung katulad ni Summer ang pagbibigayan mo nito, isang patay-gutom. Joke lang.

Uwian na ngayon at nakita na ni Clyde si Summer na naglalakad papalapit sa locker niya. Nagtago si Clyde sa gilid, para tignan ang magiging reaction ni Summer kapag nakita niya na ang mga chocolates na ibinigay niya. Baka daw kasi kinikilig yun, ayaw lang magpahalata.

Pero imbis na kilig ang makita ni Clyde na reaction ni Summer, isang malaking pagkagulat ang reaction nito, yung negative po na pagkagulat ha.

"ANUNG.....?!" Hindi malaman ni Summer kung anong word ang dapat niyang gamitin para i-describe ang nararadaman niya ngayon. Basta ang alam niya lang, hindi po siya kinilig, bow.

Nilabas ni Summer ang tunaw-tunaw na chocolates galing sa locker niya. Naku po! Sa sobrang pag-iisip ni Clyde sa panlalandi niya, nakalimutan niyang tropical pala ang weather sa kanila! Ampupu.

"Anong nangyari, Summer?" tanong ng isang babae na kasama niya.

"MAY MOKONG NA NAGLAGAY NG TUNAW NA CHOCOLATES DITO SA LOCKER KO KAYA AYUN! PUNONG-PUNO NG CHOCOLATES TONG MGA LIBRO KO! PATI YUNG MGA IBA KONG GAMIT!"

Napa-facepalm nalang si Clyde sa sarili niya. Ano ba namang kapalpakan 'to.

Haaaay. Sabi ni Summer sa isip niya. Pagod na pagod siya buong araw dahil sa dinami-dami ng mga school works at mga projects nila sa school. Buti nalang hindi masyadong traffic ngayon, maaga siyang makakarating sa condo niya. Makakapagpahinga pa siya ng mahaba.

Pero nagulat siya ng bongga sa mga nakita niya pagkabukas niya ng pinto ng condo niya. Anong nangyari dito?

Tumambad sa kanya ang mga madadaming bulaklak, oo, punong-puno ng bulaklak ang condo niya. Iba't ibang klase pa nga eh. May sunflower, roses, tulip at kung anu-ano pa. Sa sobrang daming bulaklak sa paligid, halos wala na siyang madaanan, walang maupuan, at walang matapakan. Nagmukhang garden ang buong condo niya!

Napakamot siya sa sarili niya dahil sa sobrang pagkakagulo ng mga bagay-bagay. Napansin niya yung isang maliit na sulat na nakalagay dun sa isang bulaklak. Galing kay Clyde. Napahinga ng malalim si Summer dahil hindi niya na alam kung anong gagawin niya sa sarili niya.

Tamang-tama naman, bumukas ang elevator at nakita niya si Clyde na may dalang mga kung anu-ano.

"CLYDE!" sigaw ni Summer.

"Oh Summer! Ano? Nagustuhan mo ba yung surprise ko sayo?" masayang tanong ni Clyde.

"Anong kalokohan nanaman to ha?! Anong surprise? At bakit naman ako matutuwa dito?!"

"Ayaw mo ba niyan?" biglang naging malungkot ang itsura ni Clyde sa mga sinabi ni Summer.

"Paano ko naman magugustuhan yan?! Kita mo namang wala na akong madaanan! Wala na akong maupuan! Tska naghalo-halo yung mga amoy ng bulaklak, ayan tuloy mas lalong bumaho! Tsaka bakit mo ba ako padadalhan ng mga ganito kadaming mga bulaklak ha? Mukha ba akong bubuyog?! Tapos kapag nalanta to, anong gagawin ko?! Papahirapan mo pa akong itapon 'tong mga 'to?" halatang naiinis na talaga si Summer. Dahil imbis na nagpapahinga na siya eh eto. Na-stress siya sa mga ginagawa ni Clyde.

"Sorry...." bulong ni Clyde. "Hindi ko naman sinasadyang mag-effort sayo eh. Hindi ko naman alam na ayaw mo pala ng ganyan. Sabi mo kasi kailangan manliligaw muna ako sayo bago mo ako sagutin. Pero nung sinubukan naman kitang ligawan, ayaw mo naman. Wala na akong nagawang tama. Sorry..."


***

My Probinsyana Girl is now a published book under Life is Beautiful (LIB) for only 129.75 PhP.

It will be available soon on different bookstores nationwide.

Visit my Facebook page for more updates and info:

http://facebook.com/pajibarstories (External Link)

Please do grab a copy and keep supporting!

Thank you so much!

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon