Chapter 10

7.2K 226 0
                                    

He slowly walks while holding a tray with food and drinks. Ito rin naman yung binili namin kanina. Hindi ko nga pala natapos ang kinakain ko dahil sa biglaang pagdating nya.

He sat beside me after putting the tray above the side table. Doon ko lang naisipang umupo mula sa pagkakahiga ko dahil nakatingin sya sa akin. Malamang kakain ako. Pagkaupo ko ay sya namang kuha nya ng pagkain at iniabot sa akin.

Susubo na sana ako ng mapansin kong nakatingin pa rin sya sa akin. Walang bahid ng emosyon yung mukha nya na nakasanayan ko na. Walang kahit na anong mapapansing gusto nyang sabihin sa mga mata nya.

"B-bakit?"

Tanong ko dahil nakatitig na sya sa akin. Kanina pa pala. Ngunit nanatili lang syang nakatingin kaya pinagkunutan ko sya ng noo.

"Just eat."

Tumango na lang ako at nagsimula ng kumain. Gutom na rin naman ako. Ang ipinagtatakha ko lang, bakit parang nawala ang pagkailang ko sa presensya nya ngayon? Parang kanina lang, kaunting tingin nya lamang ay hindi ko na matagalan.

Patuloy lang ako sa pagkain ngunit nanatili pa rin sya sa ginagawa nya. Sya kaya kumain na?

"K-kumain ka n-na ba?"

Mukhang ito ang hindi ko na maalis, ang mautal kapag kausap sya. Ngunit hindi na dati rati na mayroon akong nararamdamang kaba. Nakita kong umiling sya kaya napataas ang kanang kilay ko. Anong oras na ah!

"Bakit h-hindi ka pa k-kumakain?"

"Don't talk when your mouth is full."

"Hindi n-naman puno y-yung--

"Tss."

Iniba nya yung tingin nya sandali bago muling bumaling sa akin. Ako naman ay patuloy sa pagnguya.

"G-gusto mo ba?"

Alok ko sa kanya.

"Nah."

"Hindi ka ba gutom?"

"Can't you just eat?"

Nauubusan nanaman yata sya ng pasensya.

That you're not going anywhere again without me because it kills me.

Naalala ko nanaman ang linyang binitawan nya kanina. Ano ba ang ibig sabihin non?

Is it possible that he cares for me more than I expect he will be? Is it possible that he cares for me not because of my father's order? Pero bakit ba umaasa ako? Bakit sa loob-loob ko ay mayroong nagsasabing sana ganoon nga ang dahilan ng mga bagay na sinabi at mga bagay na ginawa nya kanina.

Mula noong gabing may mangyaring hindi ko lubos na inaasahang mangyayari sa akin ay hindi pa namin iyon napag-uusapan. Sino ba ang mga iyon? Gusto kong magtanong ngunit natatakot ako sa maaring maging sagot. Natatakot ako na baka maaring maulit ang ganoong pangyaya-

"About that night."

Naibaling ko agad ang atensyon ko sa kanya nang magsalita sya. Nababasa nya ba ang iniisip ko? Ikukwento nya ba?

"They want to kill you."

"H-ha?"

"They want to kill you."

Pag-uulit nya kahit mukhang hindi nya gusto. He hates the word redundant, while I love it.

"P-pero bakit? A-no ba ang k-kasalanan k-ko sa kanila?"

Huminga muna sya ng malalim bago magsalita.

"Isa lang iyon sa mga gustong pumatay sa'yo."

The Mafia Boss' WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon