"Aray ha?! Una hinusgahan mo ang pagpapalaki ng magulang ko sa akin ngayon inaakusahan mo naman akong kontrabida sa lovelife mo. Baka gusto mo pang sagarin ang pang-i-insulto mo sa akin?" Sarkastiko niyang saad.
Pero nagulat siya nang magsalita nga ito.

"Ayoko sa mga katulad mo at hinding-hindi kita magugustuhan. Ayoko din sa trabaho mo. A model? Tssss. You just dressed up and pose infront of the camera and poof job's done. That easy. Ayoko rin sa pananamit mo, kulang na lang ilantad mo na ang buong kaluluwa mo. Sa damit pa lang makikita na kung karespe-respeto ang isang babae. And you lack that thing." Umiling pa ito, habang tinitignan siya nito ng taas baba at ipinapakita ang disgusto sa kanya. "Ayoko rin sa image mo, iba-ibang lalaki kada buwan. Actually maswerte na ang isang buwan. You look like a whore who would easily open up her legs for any random guy. And I despise those kinds. Parang wala na kayong respeto sa sarili niyo at....."

She held her hand to stop him. Kung makalait ito akala mo siya na ang pinakanakakadiring babae sa mundo. What's wrong with being liberated? Kasalanan ba niyang sa States siya lumaki at sa ganoong kultura siya namulat?
She might be strong but she's only a human too. Nasasaktan din siya. At sa mga narinig niya ngayon? Pakiramdam niya ay nahusgahan na siya ng binata hindi pa man siya nito nakikilala. Ang unfair lang. Ang dali-dali sa ibang tao ang manghusga gayong hindi naman nila lubusang kilala iyong taong hinuhusgahan nila.

"Yes You made it very clear that you hate me. Every part of me. Mind you, you are not in my shoes Mister Arcega, you do not walk the path I am taking so you do not have the right to judge me and call me names. And to recieve this insult from someone who barely know me? How dare you Mister Arcega. Try to fit in my shoes and live my life only then will I take insults from you." She calmly said and stand up. Gusto niyang tapikin ang sarili sa balikat, ngayon lang siya nagalit ng hindi sinisigawan ang kausap niya. It's surprisingly weird that she kept calm while defending herself. Mas dadalasan na niya ang ganito para hindi masayang ang lakas niya sa pagsigaw.

Nagsimula na siyang humakbang pero liningon niya ito. "Before I forgot, I will not cancel the wedding. I will not deprive my parents' happiness even if it means depriving yours. Sino ka ba sa akala mo? I will not give you the satisfaction of cancelling the wedding. Kung mahal mo talaga ang girlffriend mo then do something to cancel this wedding. Nakapang-insulto ka nga ng taong hindi mo pa lubusang kilala eh. Of course, kaya mo ring i-cancel ang lahat ng ito." Naglakad na siya palayo dito. Mukhang nagkamali siya nga taong nagustuhan.

"Your such a bitch." Habol nito na narinig niya ng buong-buo.

Nakangising nilingon niya ito. "Yeah, I've been told. A million times." Tuluyan na niya itong iniwan at pumasok sa kanilang bahay.

"Oh anak? Tapos na kayong mag-usap?" Bungad sa kanya ng kanyang ina ng dumiretso siya sa kinaroroonan ng mga ito. Naupo siya sa two seater sofa sa kanilang living room. Nakauwi na ang kanyang kuya Bryan kasama ang pamilya nito maging ang kanyang kuya Francis umuwi narin dahil may lakad daw ito. Siya lang ang mag-i-stay dito ngayong gabi.

"It's getting cold out there." Palusot niya.

"Where's Blake hija?" Tanong ng ina ng binata.

"Nasa labas pa Tita Mercy, guess an important call." She shrugged making an alibi for him.

"Oh ayan na pala siya eh." Saad ng daddy niya. Nakatalikod kasi siya mula sa dadaanan nito. She didn't bother looking back.

"Halika dito Blake, maupo ka sa tabi ni Ianna." Utos ni Tita Mercy.

She should feel excited right now but she can't feel anything. Pakiramdam niya ay namanhid siya sa mga salitang narinig mula dito. Hindi naman siya naapektuhan ng ganito dati. Pero bakit ngayon ganito? It's like he had stabbed her a sharp knife.

All I Wanted (Bachelorette Series 3)Where stories live. Discover now