"Here is your phone" sabi ng lalaki habang kumindat at inilabas ang dimple sa kanyang pisngi. Tila nabuhusan naman si Nap ng malamig na tubig dahilan upang siya ay mamula. Habang inaabot ng lalaki yung telepono hinawakan nito ang kamay ni Nap ng ilang mga minuto. "Hmmm ehem" si Nap.

"Can I invite you for a coffee?" bigkas ni Nap. Napayuko lang ng ulo ang binata. Syempre dahil paborito ni James ang starbucks dito sila nagtungo. Pagkatapos umorder napili nila ang high table na sakto lang sa dalawa na may kasama ding high chairs.

"My name is Martin Fernandez and you are" sabay abot muli nito ng kamay. "Ahm I'm Napthanael Estinor you can call me Nap" pormal nitong tugon. "You are a Filipino like me right!?" si Martin.

"Yes, working as one of my company's representatives here in our site" say ni Nap. "Same with me, I am also a representative from my company in the Philippines" pag mamalaki ni Martin.

"Under what company, may I know?" si Nap. "It's GXS from Makati" say ni Martin. Nagkatuwaan at nag kwentuhan ang dalawa kung anong pamumuhay nila sa Pilipinas bago pa ito tumulak ng Amerika.

===End of Flash back===

Mukhang sa kwentuhan at tawanan nila ni Martin ay naibsan ang kalungkutan at kakulangan sa buhay ni Nap. Bahagya nitong nakalimutan si James. Inisip ni Nap na mag move on dahil nga sa problema nilang natuklasan ilang buwan na ang lumilipas.

Sa mga panahong iyon naging kaligayahan ni Nap si Martin, ito ang naging kasama niya tuwing weekends, break at holidays tripping. Nagkasundo rin si James at Nap na humiwalay na ito ng lugar dahil kahit papaano ay may ilangan pa rin na namamagitan sa tuwing uuwi ito ng bahay at makikitang magkasama si Marta at James.

"Pwede ba tayo mag usap?" say ni Nap. Sa mga oras na iyon nanunuod ng TV ang dalawa si Marta at James.

Napangiti naman si James dahil simula ng matuklasan nila na magpinsan sila ito na lang ang huling beses na nakita nyang seryoso si Nap bagamat sa loob loob ni James ay mahal nya pa rin ito.

Lumapit si Nap sa side seat ng malaking sofa tangan nito ang pop corn na kalalabas lamang sa microwave. Banayad nitong inilapag sa mesa.

"May naisip lang ako at sana pumayag ka James" seryosong pagpapahayag ni Nap. "Ok, say it" sabi naman ni James na nung panahong iyon ay kababangon lamang mula sa pagkakahiga sa mga hita ni Marta.

"naisip ko lang na total mukhang lagi naman nandito ang babaeng ito, pwede kayang magpalit na lang tao ng unit." Nakangiting pagpapaliwanang ni Nap. "simula ngayon kung papaya kayo dito na kayo at ako ang lilipat sa kabila." Pagpapatuloy nito.

Mukha namang nagkaintindihan ang tatlo sa idea ni Nap. Naisip din kasi ni Nap na kung kaya ni James masikmura na makipag landiaan kay Marta, kakayanin nya rin itong gawin sa isang pribadong lugar na tanging mga ding ding at kisame lamang ang magiging saksi. Naisiksik din ni Nap na pwede nya ng padalawin ang bago nyang kaibigan na si Martin.

Kinabukasan, araw ng pamamahinga kaagad na nagpalitan ng unit ang dalwa. Pagkaligpit at ayos ng mga gamit kaagad namang dinampot ni Nap ang telepono at idinial ang numero ni Martin.

"Hey, can you come over here if you are free tonight, you might want to bring any drinks to enjoy with" text nit okay Martin.

Kaagad namang romesponde si Martin na tila excited sa mensaheng natanggap niya kay Nap. Kaagad nitong tinungo ang banyo at naligo. Halos isang oras ang itinagal nito sa paliligo at ng matapos na ay nalilito naman siyang mamili ng damit na isusuot. Napagpasyahan nya na lamang mag suot ng maong pants at isuot ang chuck tailor nitong converse, nagsando at sweater na gray na may hood. Kinuha din niya ang mamahaling pabango na Johnge's scent collection. Itinaas nito ang kanyang buhok at sinabayan ng shades na nagpatingkad sa kanyang maputing mukha.

Nagtungo muna ito sa ministop para bumili ng maiinom gaya ng sabi ni Nap. Pagkatapo kaagad itong nagtungo sa bagoong unit ni Nap.

Papasok na ng unit itong si Martin samantalang palabas naman si James na kasama ni Marta na nakasaklay pa ang kamay nito sa braso ni James.

"Honey mukhang bagong tenant yan dito sa unit ah" puna ni Marta. Napatingin naman si James at humanga sa mukhang artistang lalaki na noon ay patungo sa hallway na dinadaanan nilang tatlo sa tuwing uuwi ito sa condo.

Pinindot ni Martin ang doorbell at ilang saglit pa ay bumukas na ito. "Who is there?" bigkas ni Nap. "Are you expecting someone?" say naman ni Martin. Bahagyang natahimik ang buong paligid ng hindi nakapagsalita si Nap at naestatwa mula sa pagkakatayo.

"Is that you Martin?" tanong ni Nap. "Sino pa ba may iba ka pa bang inaasahang dadalaw?" namangha rin naman si Martin sa reaksyon ng binata kaya napangiti ito dahilan upang muling lumitaw ang kanyang dimple, mapuputi at pantay na ngipin nito isama mo pa na may mapupungay na mga mata at mapupulang labi.

"Naku bonus na itong lalaking ito mas gwapo pa ito kay James eh, sobrang lakas ng dating napapalunok tuloy ako ng laway habang pinagmamasda ko ang kanyang kabuoan" Naglalanding isip ni Nap.

"Tuloy ka, pasensya ka na at makalat pa medyo kalilipat ko lang kasi kaninang umaga eh" paliwanag ni Nap. "No, don't worry hindi naman ako maselan eh. Here I know hindi ka pa nag lunch kaya dinalhan kita ng fries and burger saka yung sabi mong drinks heto nagdala din ako" nakangiting pag mamalaki ni Martin.

"Maganda ang yunit mo ah, sapat lang sa dalawa kaunting ayos lang at mukhang mas lalu mo pa itong mapapaganda." Pagpapatuloy ni Martin.

"Thanks nga pala sa burger and fries nag abala ka pa" malumanay na sambit ni Nap.

"I have lots of DVDs here, pwede tayong manuod" sabi ni Martin. "Perfect, yan talaga ang gusto kong gawin kapag weekend eh ang manuod lang at magpahinga"

Nanuod ang dalawa at matapos ang isang pelikula. Nagpaalam saglit si martin upang bumili ng makakain. Napag pasyahan kasi niyang ipag luto si nap ng specialty nitong chicken curry.

Bumalik ito sa unit tangan ang mga pinamili at dinagdagan pa ng pulutan. Natuwa naman si Nap sa effort na ipinapakita ng binata. Kaya naman kahit mag iisang lingo pa lang nito kakilala si Martin ay napanatag na ang loob nito sa binata. Naalala niya ang kanyang pinsang si James nung mga panahong bumubuo pa lang sila ng magandang relasyon.

Sabay silang nag dinner at may mga pagkakataon pang nagsusubuan ang dalawa. Hindi naman maawat si Martin sa pag papakita ng kasweetnessan kay Nap. Tila babae tuloy ang tingin ni Nap sa kanyang sarili na animoy nililigawan ng isang matipunong binata.

Pagkatapos mailigpit ang pinagkanan kaagad naman silang nagsalang ng mapapanuod napagkasunduan nilang horror naman ang panuorin.

Habang nagsasalang ng DVD si Nap, tinungo naman ni Martin ang ref at inilabas ang mga inumin na kanilang pagsasaluhan sa kahabaan ng gabi.

Magkatabi ang dalawa sa sofa habang humihigop ng beer at namamapak ng mani na binili ni Martin sa ministop.

Nagulat at napayakap si Nap kay Martin ng biglang nagulat siya sa palabas na kanilang pinanunuod. Hindi namanlayan ng dalawa na matagal na minuto na sila sa ganoong pusisyon. Dahan dahang napatingin ang dalawa sa mukha ng bawat isa at bahagyang napalapit ito sa labi ni Martin.

Aaaawwwwwts ito nanaman. Yehey nakapag update din.

 

 

Sarap sa Unang Lasap (boyxboy)Where stories live. Discover now