Chapter 7

587 6 1
                                    

Chapter 7

Nap's POV

Matapos lumagok ng halos nakalahating baso ng beer nagsimula na akong mamula at magkaroon ng lakas ng loob upang makasagot. "Why do you want to know everything about me?" ang siya ko munang paunang tanong.

"I'm interested to know you more and hopefully we become best of buddies when we get to US". Ang siya nya namang tugon. Nagumpisa na akong mapalunok at mapatingin sa mapupungay nyang mata at kissable lips. Hanggang naramdamang kong dumampi ang kamay nya sa hinahawakan kong baso. Sinumulan nyang lagyan ito ng yelo at buhusan ng panibagong beer habang nakatingin sa akin.

Sa mga oras na iyon hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang mga katanungan na tila nagpapalakas sa tibok ng aking puso. "I am not in any relationship today, I just want to give all my time family which is my reason of pursuing my job" ang siya kong naging pormal na tugon.

"How if someone from the office secretly in love with you and would like to get you into a relationship?" dugtong niyang tanong habang hawak ang kalahating glass ng black label. Halos maibuga ko naman ang beer na nasa aking lalamunan habang itinatanong nya ang mga bagay na iyon. Biglang lumapit sa akin ang isang babae na inaalam kong may kasama o hinihintay kaming ka-date. Tumayo ako sandal mula sa kinauupuan ko upang mag CR, medyo marami rami na rin kasi ang nainom ko at baka masagot ko siya ng kung ano.

Minabuti ko munang umiwas ng sa gayon hindi naman lahat sa buhay ko ay mailantad sa kanya. Nais ko rin kasi na maging private ang buhay ko kahit papaano. Kahit alam ko sa sarili ko na meron na akong kakaibang hindi maipaliwanag na nararamdaman kay James. Basta ang alam ko lang eh masaya ako kapag nakikita ko siya, nakakausap at nakakasama.

Habang nasa CR ako hindi ko namalayang sumunod pala si James. kasalukuyan kong hawak ang CP ko at kinakausap si Emuel na hintayin ako. Sinabihan ko siya na pwede nyang hiramin ang computer ko para hindi makatulog habang hinihintay ako.

"What are you up to Nap?" curious nyang tanong. "Nothing James, I was just speaking to my baby brother" siya ko namang tugon. Nasa likod siya ng door, nakatayo habang nagtatanong sa akin. Biglang bumukas ito at di sinasadyang naitulak niya ang sarili patungo sa akin, naka side view ako nuon at nakaharap sa salamin. Nang marinig ko ang malakas na tunog at makitang papalapit ang mukha ni James sa akin, bigla naman akong napatingin sa kanya.

Nanlaki ang aking mga mata at nagsimulang tumayo lahat ng balahibo ko sa aking katawan ng lumapat ang mapupula niyang labi sa mga lips ko. may 13 segundo rin ang nakalipas bago kami nakakilos sa paglalapat ng aming lips na kasabay ang yakap sa aking katawan. Bahagya ko namang naramdaman na ang kamay ko ay nakahawak na sa kanyang balakang.

Nagulat na lang kami ng sitahin kami ng tao na iniluwa ng pintuan. "Ang sweet nyo namang couple!" Sabi nito ng makita kami sa ganoong position. Bigla namang nagsuka si James at nagsimulang sumakit ang tiyan, matapos ang eksena na iyon.

Hindi ko alam kong nasuka siya dahil sa nakahalik siya ng lalaki o dahil medyo marami rami na rin ang kanyang nainom. Lumapit ako sa kanya habang hinihimas ang kanyang likuran na parang batang nadapa at kailangang amuin ng tumigil sa kakangawa.

Bumalik kami sa pwesto namin at itinuloy ang inuman habang walang salita na lumalabas sa parehas naming bibig. Itinuon ko na lang ang aking attention sa babaeng singer na mala Regine Velasquez ang tinig.

Matapos kumanta ng singer nagtanong ito sa mga tao roon "Sino ang mga single dito?" siya ko namang taas ng kamay. Kaagad akong nakita ng singer at nirequest na pumanik sa stage. Hinihikayat nila akong kumanta. Nahihiya man ako pero dahil sa nainom na alak mukhang lumakas ang loob ko at ipinagwagi ang kanilang kahilingan.

Is it okay if I call you mine?

Just for a time

And I will be just fine

Sarap sa Unang Lasap (boyxboy)Kde žijí příběhy. Začni objevovat