Chapter 13

434 8 0
                                    

Chapter 13

Nap's POV

Matapos ang ritwal at eksena na masaya naming pinagsaluhan eh bahagya kaming napagot dahilan upang ang aming mga katawang lupa ay lumapad sa kama at tuluyan ng mamahinga. Wala pa rin kaming saplot ng gabing iyon, tanging makapal na comforters lamang ang nagbibigay init sa aming katawan. Nakayakap sa akin si James samantalang ang aking ulo ay nakahiga sa kanyang dibdib. Bahagya kaming naalimpungatan at nagising. Habang ang aking mga mata ay nakatingin sa kawalan at iniisip kung hanggang kalian ito magtatagal. Kinuha ko na rin ang pagkakataong ito na matanong si James kung ano ang plano niya sa relsyon na meron kami. Sobrang bilis kasi ng lahat parang bawat panahon ay medaling lumilipas. "Tart, do you have any plans with our relationship? Paano natin ihahandle ito?" mapag alalang tanong ko. huminga siya ng malalim tila iniisip ang mga isasagot. "I have loved you without reasons the only thing I know is that to pursue this love without boundaries and limitations" napabuntong hininga siya. "As long as we have each other I think that is enough for us, no plans and expectations but at least we should keep in mind that we have responsibilities" dugtong niya. Tinanong nya rin ako kung ano daw ang plano ko bagamat hindi ko rin lubusang masagot ito na lang ang binitiwan kong seguridad sa relasyon naming. "Ang mahalin lang kita at suportahan sa lahat ng laban mo, intindihan ka pag kaliangan mo ng karamay at paginhawain ka sa paraang alam ko. Lagi lang akong andyan sa tabi mo ke kaliangan o hindi" maluha luha kong pag papaliwanag. Natapos ang pag uusap naming iyon ng halik sa labi.

Kinabukasan handa na kami para sa presentation na gagawin naming sa site, maaga kaming nagising at nag breakfast muna sa cafeteria ng hotel. Mabilis kaming natapos at habang nag aantay ng service nakasalubong naman namin si Marta. "Hi James and Nap" bati nito. Tumungo lamang kami upang iacknowledge ang kanyang bati. Ngumiti siya at lumapit sa amin. Tiyempo naman na andyan na ang service upang ihatid kami sa site.

Madaling natapos ang aming presentation na nagustuhan naman n gaming mga kliyente si Marta kahit na medyo halatang kinakabahan ay dinaan nya na lang sa charm at sinuportahan din naman naming ni James ng paliwanag na siya namang ikinamangha ng mga kliyente. Dahil nga joint project ang aming itinungo sa site naimpress naman sila dahil sa tulungan at suporta na aming nakita. Na bid namin ang bagong project na kailangan namin sa pinas upang dumami ang mga empleyado at lumakas din ang sales and marketing n gaming kumpanya. Isa din kasi sa mga rason kung bakit kami nandito ay kumuha ng ilan pang mga project upang tumaas ang bilang ng manggagawa at maestablish ang good relationship n gaming kumpanya sa mga kliyenteng taga ibang bansa. Sa medaling sabi naging successful ang unang araw n gaming pagtratrabaho.

Biyernes na ngayon at syempre walang pasok kinabukasan. Naalala ko ang bilin ni mama na kailangan daw akong dumalaw kay auntie Riza. Kaya naman nag paalam ako kay James na bukas ng umaga ay dadalaw ako sa kamag anak ko ditto sa US upang iabot na rin ang mga padala na galing kay mama.

"James, I'll be leaving for tomorrow. I need to visit my auntie Riza in Ontario" pag papaalam ko sa aking sweetheart. "Realy!?" tugon niya. Sumabay na daw ako sa kanya at doon din naman daw ang tungo niya. Bagamat iniisip ko kung sino ang pupuntahan niya hindi na rin ako nagtanong dahil mas makakatipid nga naman kami sa pamasahe kung sabay na lang kaming pupunta sa Ontario.

Maaga kaming nagising kinabukasan excited na nag kape at naligo. Pagkatapos ay sabay na nga kaming nagpunta sa Ontario. Medyo malayo layo rin ang biyahe parang kung galing ka ng Manila ang sunod na city ay Las Piñas.

"James, san ka ba pupunta pagkahatid mo sa akin sa auntie ko?" tanong ko habang nag dridrive. "I will visit my mom." Marahan nyang tugon ok.

"Nap, sino nga pala yung dadalawin mong auntie mo?" sunod nya namang tanong. "Si auntie Riza, kapatid ni mama" tinatamad ko namang sagot. Kasabay ng aking pagsagot ay ang pagtunog naman ng kanyang telepono dahilan upang hindi nya marinig ang pangalan ni auntie Riza.

Sarap sa Unang Lasap (boyxboy)Where stories live. Discover now