Chapter 15

499 9 10
                                    

Chapter 15

Mabilis lumipas ang panahon at sa ganoong set up nakatagal ang dalawa na puro trabaho lang ang iniisip. May mga pagkakataong natatahimik sila ngunit imbes na magmukmok trabaho at pagiging magpinsan pa rin ang iniisip nila. Bagamat lingid sa kanikanilang kaalaman ay mahal pa rin nila ang bawat isa.

Si Marta at si James ay nagging official na magkarelasyon sa loob ng 5 buwan na kanilang ipinanatili nila sa site. Si Nap naman halatang naiilang pag nakikita nyang magkasama ang dalawa kaya pinaghusay na lang niya ang kanyang trabaho dahilan upang siya ay mapromote at maging manager din na tulad ng kay James.

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon nakakilala si James ng kapwa nya Filipino na nagtratrabaho din sa isang kumpanya malapit sa site kung saan sila ni James naka distino.

Martin Fernandez ang kanyang pangalan, isang engineer na na-onsite din upang maging representative ng kanilang kumpanya.

Nagkakilala sila sa isang mall ng minsan namamasyal si Nap at nag iikot ikot para sa packages na kanyang ipapadala sa mama nito at kapatid.

===Flashback===

Andito ngayon si James at Marta sa condo. Nag iinit ang ulo ko sa nakikita kong harutan nila kaya naman napagpasyahan kong lumabas suot ang aking panginaw, bonnet at snow boots. Bakit ko nga naman pag aaksiyahan ng panahon ang mainis, sila na lang ba ang pwedeng lumigaya? Sabi ni Nap sa kanyang sarili.

Matapang nitong nilabas ang pinto baon ang kaunting galit at selos sa kanyang kalooban. Saglit muna siyang pumasok sa isang resto sa loob ng mall upang kumain. Sa di kalayauan may isang binata na di kataasan, ngunit matipuno ang itsura may mapupungay na mata at tulad ng kay James may mapupula at kahangahangang hugis ng labi.

"Kanina, pa tong mokong na to tingin ng tingin ah may kailangan kaya ito sa akin?" tanong ni Nap sa kanyang sarili. Hmm "Aba may pangiti ngiti pa" arrgg!

Saglit na tumayo ito at tinungo ang CR. "Buti na lang nag CR" sambit ni Nap. Kaagad nitong nilapag ang bayad sa mesa at kaagad na umalis.

Sa di sinasadyang pangyayari naiwan ni Nap ang kanyang telepono sa upuan. Kaagad naman itong nakuha ni Martin at napag alaman na malapit lang ito sa kanyang upisina.

"Ano kaya gusto ni mama na ipadala ko sa kanya at kapatid ko, matanong nga!?" mga katanungan na nais magkaroon ng kasagutan sa pamamagitan ng pagtawag sana sa telepono. "Gush! Asan na ang phone ko?" kinapkap ni Nap ang kanyang bulsa ngunit wala ito doon. Tinungo nya ang resto na kanyang kinainan ngunit bigo ito na makuha ang telepono. Sa mga oras na iyon parang pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura na Nap. Badtrip sya dahil hindi nya alam kung paano pang babalik ang telepono.

"Kasalanan to ng tukmol na ipakto kanina eh, siguro kung di nya lang ako tinitigan ng masama malamang nasa akin pa ang telepono ko." mga pananalitang nais isiksik ni Nap sa kanyang utak.

Maya maya pa ay naisipan na ni Nap umuwi, wala siyang nabili sapagkat bigo siyang makausap ang ina at kapatid. Nais nya rin sanang kumpirmahin ang mga natuklasan mula ng nagpunta siya sa bahay ng kanyang tita Riza.

Kinalunesan ng pumasok siya sa opisina isang impormasyon ang kanyang natanggap mula sa help desk ng kumpanya. "Sir Napthanael, there was a person who came in and wanted to give you this" iniabot nito ang kapirasong papel na may nakasulat. "I got your phone. I should see you after your shift in the resto which you left it. 7pm sharp" tignan mo nga naman dito oh kahit papano naibabalik pa ang mga nawala, di tulad sa pinas kahit di mo nawala talagang kusang nawawala dahil may kumukuha. "Mainam na rin ito kahit papano makokontak ko pa rin si mama at sa asungot nay un para naman makapagpasalamat.

Mabilis natapos ang oras ng trabaho. Kaagad nagtungo si Nap sa mall na pinuntahan nya nung makalawa.

Hindi na nito nagawang pumasok sa loob dahil sa may pinto pa lang nakita na nito ang lalaki. Kumaway at pag lapit ni Nap. "Hi, how are you?" tanong nito sa kanyan. "I'm fine, where is my phone?" tanong kaagad ni Nap na sadyang sabik ng makita muli ang kanyang telepono.

Sarap sa Unang Lasap (boyxboy)Onde histórias criam vida. Descubra agora