Chapter 5

792 6 0
                                    

Chapter 5

Nap's POV

Buti na lang maaga akong nakalabas ng opisina, may kaunti pa akong oras upang dumaan sa simbahan. Naging abala kasi ako ng isang lingo kaya hindi naka pag simba nitong dumaang Baclaran day (Wednesday). Saglit lang ako at makadaan na rin ng groceries baka wala na kaming reserbang delata at noodles sa bahay.

"Bakit kaya nagtxt sa akin si James? hindi ko alam kong ano ang sasabihin nya bakit di nya na lang sabihin sa office bakit kailangan pang magkape?" sabi ko sa aking sarili. Marahil may dahilan, ah aabangan ko na lang iyon bukas, siguro naman work related ang pag uusapan, "Nap wag kang assuming" sabi ko ulit sa aking isipan.

Pagkatapos ng aking pag grogroceries, kaagad akong kinuha ang aking CP upang itxt si mang Nat na sunduin ako sa sakayan.

Pagkauwi ko ng bahay agad akong sinalubong ni mama at ni Emuel.

"Anak, andito ka na pala" sabi niya, ako naman ay kaagad na nagmano. Lumapit kaagad si Emuel at hinalikan ako habang ngumunguya ng tsokolate na padala daw ni auntie Riza kapatid ni mama. Ma, may package tayo? Sabi ko kay mama "oo anak, kadarating lamang niyan kaninang tanghali" tugon ni mama. Nagbukas ako at nagpaturo mag facebook kay Emuel upang makapagsalamat sa tita mo" dagdag niya. Ganoon ba ma? Sabi ko naman.

Kinabukasan, araw ng biyernes maaga akong nagising at iniisip pa rin kung tungkol saan ang nais pag usapan ni James.

===Sa opisina===

Nakita ko si Oben at Poi na nagtatalo habang inaawat ni Reggie. Ano kaya ang pinagtatalunan ng dalawa ang cute naman nila mag away. Lumapit ako para makiusisa.

"anong nangyayari sa inyo, bakit ka nagagalit kay Oben?" tanong ko sa dalawa. Siya kasi ayaw nya na iron man na lang ang panuodin namin mamaya, gusto nya it takes a man and a woman, ang korni kaya nun" pagrereklamo ni Oben.

"hindi ko nga malaman sa dalawa kung kanino ako sasama eh, mukhang ok naman yung dalawang palabas" sabi ni reggie. Natawa na lang ako sa nakita kong eksena na tila seryosong pinagtatalunan ng tatlo.

"Haay naku kayo talaga ang babaw naman nyan!" sabi ko. o sige di naman pala malalim ang OA nyo lang mag reak, pero ang cute ah sabi ko sa kanilang tatlo na napakamot pa sa ulo si Reggie.

Nagtungo ako sa working station ko at laking gulat ko na lamang ng may matanggap akong naka dikit na post it sa aking monitor. "We will have a COFFEE time later -J" yan lamang ang nakasulat. At dahil nga sa kape tinutukoy nita at may initial pa na J. malamang sa alamang galing iyon kay James. (OMG date nab a ito?)

Hindi ko napansin sa maghapon si James mukhang busy, pero nang maisubmit ko na ng mga kailangan kong report, kaagad akong nakatanggap ng txt message mula sa kanya.

"6:30 PM at the parking lot, red car with plate number ABC123" sa medaling sabi mag iintay daw siya sa parking lot ng office at sasakay sa pula nyang kotse. Nakakahiya naman, saak kaya ako nito dadalhin at bakit nagdala pa siya ng kotse samantalang magkakape lang naman kami. Haay kinakabahan ako ah, hindi kaya sa motel nya ako dalhin. Hahaha hindi naman siguro, mangiti ngiti kong pagiisip.

Tapos na ang oras ng aking pagtratrabaho, pero dahil nga may nagyaya sa aking magkape nagtungo muna ako sa CR upang makapg ayos ng kaunti. Nagtxt muna ako kay mama upang magpaalam na malelate lang ng uwi, kaagad naman itong nagreply na kapag kakain kunin na lang sa ref at iinit. Sadyang may susi ako ng bahay kaya naman kahit umaalis at nagpupunta sa mama sa iba naming kamag anak kasama ang kapatid ko, nakakapasok pa rin ako ng malaya sa bahay.

At heto na nga, matapos mag ayos tinignan ko ang aking orasan 6:27 impunto dali dali akong lumabas ng CR upang kaagad matungo ang parking lot. Totoo nga, nakita ko na nag aabang si James habang nasa unahan ng kanyang pulang kotse.

Sarap sa Unang Lasap (boyxboy)Where stories live. Discover now