Chapter 3

1.1K 10 0
                                    

Chapter 3

Nap's POV

Pagkaraan ng ilang oras na paghihintay, masaya akong umalis sa opisina upang ihatid sa aking ina at kapatid ang magandang balita. Ngunit na imbes na sumakay patungong SUCAT, tumawid ako sa kabilang kalsada at sumakay patungong BACLARAN.

Naisip ko kasing magpasalamat sa Diyos na siyang gumabay sa akin sa lahat ng pagkakataon. Mula sa pagaaral ko hangang sa makapag tapos ako at ngayon binigyan ako ng masasabi namang magandang trabaho.

Lumakad ako patungong gitna, malapit sa altar ipinikit ang aking mga mata ngunit bahagya akong nakaramdam ng aalinlangan upang magpatuloy. Lord ang daming tao, ang daming humihingi ng inyong tulong, awa at biyaya. Kung nadidinig nyo po ako ngayon ang tanging pasasalamat ko lang po ang nais kong ipabatid. Naisip ko kasi na hindi lang naman ako ang nangangailangan ng tulong mula sa Diyos. Hindi lang naman ako ang anak niya.

Pagkatapos ng aking pagdadasal bumili ako ng pancit at siopao upang maipasalubong sa aking kapatid at mama na naghihintay sa akin sa aming tahanan.

Nakapila na ako sa counter, handa ng umorder ng biglang may kumalabit sa aking likuran. Agad kong nilingon ang siyang kumalabit at ng makita ko si Poi, kasama niya si Reggie at Oben. Mga barkada ko nung high school at schoolmates naman nung college.

Poi: Akala kung sino ng model ang nasaharapan ko, langya ikaw lang pala yan Nap, heto oh kasama ko si Reggie at Oben.

Nap: ba ang galing di pa rin naghihiwalay ang tatlong mago ah hahaha. Kamusta naman (siya kong sunod na tanong?)

Reggie: Heto at katatapos lang naming mag exam para sa trabaho.

Nap: Talaga! Saan naman yang trabaho na yan. legal ba yan? Pabiro kung salaysay

Oben: Tado ka, ano palagay mo sa amin salbahe?

Can I take your order sir? Bumulalas ang boses ng nasa counter na animoy naguguluhan sa pag kikita naming apat.

Nap: wait miss, I just need to ask them if they've preferred to dine in or to go.

Nap (Ulit): Guys kakain ba kayo dito or take out na lang yang oorderin nyo?

Yung 3: kakain dito syempre kasama ka.

Nap: Miss chorizo chao pan isang order ng siomai, fun size halu halo at regular drinks for dine in. tapos I'd like to get siopao and pancit for takeout. Siya ko namang dugtong ng matapos akong umorder.

Nabayaran ko na yung bills, nakaupo na kaming apat ng magsimula na kaming mag kwentuhan tungkol sa inaplyan nila.

BPI global, dun kami nag exam kanina as update editor. Pagmamalaki ni Reggie na ang suot at porma ay mala K-pop.

Ang saya nga ng exam eh at ang bait ng nagpaexam, Ms. Pen ang pangalan maykataasan, malusog at may boses na malakas hanggang papahina. Pagpapaliwanag ni Oben.

Natawa na lang ako sa aming kwentuhan dahil alam ko na doon din ako galing sa opisinang iyon kanikanina lamang. Araw ngayon ng Miyerkules at maituturing na Baclaran day. Ngunit sila ngayon pa lang sila nagsimulang mag exam.

Doon ako galing kanina, sa BPI Global tanggap na ako at pinagsisimula na sa Monday. Siya ko namang paglalahad sa kanila.

Yung 3: Huwaaaaat, talaga?

Poi: Pambihira, biruin mo pag nagkataon maaari tayong magkitakita halos araw araw di ba?

CP ni Reggie: beep beep! you have one message received!

Reggie: ooouy tol nagtxt sa aking yung HR may interview daw ako sa Mr. Jimmy Santos, pinababalik ako bukas.

Sandaling minuto pa ay tumunog din ang CP ni Poi at Oben. Na ganun din ang nilalaman.

Sarap sa Unang Lasap (boyxboy)Where stories live. Discover now