Mariner's Heart

13.2K 283 12
                                    

Author's Note: Ang storyang ito ay pawang kathang-isip lamang. Pangalan, tagpuan, at ang konsepto ng storya ay batay lamang sa aking malikot na imahinasyon. Kung may pagkakahalintulad man into sa totoong buhay at sa ibang storya dito sa Wattpad ay purong coincidental lamang.

Itong storyang ito ay boyxboy. Meaning, lalaki sa lalaki na nagmamahalan. Ngayon kung ayaw niyo ang ganitong storya ay maaari na kayong lumisan. At sa mga taong todo suporta sa pagmamahalan ng dalawang magkaparehas ay welcome kayo dito. Alam kong edukado tayong lahat kaya kung maaari ay iwasan natin ang 'bad comments.'

Iyon lamang po at sana ay suportaan niyo si Lance at kung paano niya naangkin ang Mariner's Heart.

MARINER'S HEART
Written by: MyProperty_

All Rights Reserved 2015

~~~~~

"Class dismissed." Pagpapalam ng aming guro at agad tinahak papuntang labasan at sumunod naman ang mga kutong lupa kong mga classmate. First subject palang ito at mamaya ay klase na naman at major pa.

Ako nga pala si Lance Vargas. 17years old Second year and taking BS Psychology. May tangkad na 5'4 at maputi ang aking balat at matangos na ilong at mahabang pilik mata. (Oooops! Hindi po ako mahangin, iyan ang sinasabi ng aking mga kaklase kaya na'adopt ko nalang) Nag-iisa lang akong anak kaya naman masasabi nating isa akong spoiled pero mabait ako. Kami nalang dalawa ni mama magbuhat nung ipinagpalit kami ng magaling kong ama sa kanyang lintang kabit. Nga pala, isa akong patagong bakla. Alam naman ito ni mama at ng mga kaibigan ko ngunit hindi sa lipunan. Kaya't lalaki parin akong manamit at magsalita, which I prefer.

"Lance!" Kalabit ni Aliah, "Hindi muna ako makakasabay sa inyo ng lunch. Alam niyo naman si boyfie gusto niyang sabay kami." Masayang sabi nito na hindi maitago ang excitement. Si Aliah ang aking pinaka close sa aming 4 na magkakaibigan. At may boyfriend ito ngunit sa ibang university nag-aaral at isang Marine.

Marine? Duh! Mga seamanloloko. Kaliwa't kanang babae. Hindi pa ba sapat sa kanila ang isa? Abo't langit ang galit ko sa kanila. Ni ayaw kong makita kanilang pagmumukha habang suot ang kanilang uniporme. Alam ito ni Aliah kaya iniiwasan niyang mag share sa akin pamin-minsan tungkol sa kanilang dalawa.

Mabilis ang takbo ng oras. Since first day of school palang ay pass muna sa discussion pero walangyang minor na yan, may assignment na agad tapos quiz sa makalawa. Napaka feeling mo namang major. Pero hindi naman kami makaangal kasi siya ang KATAAS-TAASAN kuno sa silid.

Hanggang sa mag hapon na at tapos na ang klase namin ngayong araw. May ibang guro na sumipot, may iba naman hindi pero pinabigyan naman kami ng activity.

"Guys, san tayo ngayon? Ayoko pa kasing umuwi. Nakakabagot sa bahay e." Nagsalita si Megan sa gitna ng aming paglalakad.

"Palamig muna tayo guys, ang init kasi. Tara mall nalang." Pagsang-ayon naman ni Kath.

At yun na nga ang set-up naming apat. Habang nasa jeep kami ay walang kupas na tawanan at daldalan. Who cares sa mga taong nakikinig? Edi magsalita din sila sa kanilang sarili. Wahahahah *evil grin* Ngunit sa kabila ng aming tawanan ay may magbabarkdang marine, i think 5 sila, na pumara sa jeep na aming sinasakyan dahilan para tumigil ito at pumasok ang mga ito.

Umasim nalang ang mukha ko sa mga ito lalo na sa lalaking hambog kung makatingin. Alam ng mga kaibigan ko na ayaw na ayaw ko sa kanila kaya ay nilibang ako ng mga ito. Hanggang sa umabot kami sa aming destinasyon at agad  bumaba para hindi na muling masilayan ang kanilang pagmumukha.

"Guys halo-halo tayo. Gusto kong palamigin utak ko na malapit sasabog kanina." Sabi ko habang papasok kami sa entrance at agad tinungo ang aming kakainan. Nalibang ako sa pag-uusap kay Aliah ng kumalabit si Kath.

"Guys diba sila yung nakasabay natin kanina sa jeep?" Sabay turo sa kinaroroonan ng mga gung-gong na mga marine. 'Aba't loko ah! Hanggang dito ba naman?' Sigaw ko sa aking isip.

"Lancey baby, grabe kung makatitig sayo si kuyang gwapo oh." Nguso ni Megan dun sa lalaking hambog ang mukha. Tiningnan ko ito ang kinaroroonan ng mga ito at napansin ko nga na tumitingin siya dito sa pwesto namin. 'Aba't ang hambog ng mukha. Nakakainis!!!' Muking sigaw ko sa aking isipan.

"Anong gwapo ka dyan meg? Ampapangit nila! Pangit at ang hahambog pa. At anong nakatingin sa akin? Sayo yan Meg! Sayong sayo." Sabi ko sabay irap sa kinaroroonan nila at muling binaling ang atensyon kay Aliah na ngayon ay binaba na ang kanyang phone. Pansin kong tumawa lang ang dalawang gaga kaya hindi ko na ito pinansin baka kung ano pa ang kalokahang sabihin.

"Guys, andito daw ang boyfriend ko. Kasama niya mga barkada niya." Masayang sabi niya sa amin.

Great! Just great! Grabe. I so love this day. First yung mga marine na yan tapos ngayon ang boyrfriend at barkada ng bf niya ang andito? Sooo great! Ang sarap pumaslang sa sobrang tuwa. Ugh!

"Talaga Aliah? Daliiii, 2months na kayo ngunit hindi pa namin ito nakikita." Excited na tugon ni Kath.

"Oo nga. Tsaka marami bang gwapo? Ayiieeee excited na ako." Kilig sa sang-ayon naman ni Megan.

"Kayo ng masaya." Sabi ko sabay palak-pak na tila ba ay may nanalo.

"Sige na Lancey baby. Ngayon lang naman. Pagbigyan mo na. Mababait naman silang magbabarkada. Panigurado makakasundo mo ang mga iyon. Wag mong sarhan ng pagkakataon na makatagpo ng bagong kaibigan." Mahabang sabi nito kaya wala na akong nagawa kundi sumang-ayon kahit na labang ito sa aking kalooban.

Masayang nagkukwentohan silang tatlo habang ako naman ay pa as if na naglalaro ng aking phone pero ang totoo ay walang-wala na ako sa mood. Gusto ko sanang umuwi nalang kasi ayoko talaga maka jam ang mga marine na yan ngunit kung gagawin ko ito ay alam kong magtatampo ang bruhang si Aliah. Takot ko nalang kung mangyari yun. Baka kulamin pa ako. Hehe joke.

"Girls cr na muna ako." Pagpapaalam ko sa kanila habang apura nilang inaantay ang mga marine na mga seamanloloko.

Tinungo ko agad ang cr at agad nanghilamos at inirelax ko muna ang aking sarili. *Inhale* *Exhale* Whoah! "Chill Lance, wag kang paapeekto sa mga yun." Pagkakalma ko sa aking sarili. Palabas na ako ng cr at may bigla namang pumasok pero hindi na ako nag-abalang tingnan kong sino ito kasi nakayuko lang ako habang pinapahiran ang basa kong mukha.

Pagbalik ko ay kitang kita ko na marami ng tao sa aming pwesto. May limang marine na nakaupo at tila walang humpay na tawanan at kwentohan sa aking tatlong kaibigan. Nagdadalawang isip man ngunit pumunta parin ako sa kanila na para bang walang nangyari. I keep my emotion para hindi mahalata ng mga bagong dating.

Itutuloy...

Mariner's Heart (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon