"At hindi ka naiilang? I mean, you're my sister's husband and you know that I was in love with you. That doesn't bother you?"

"No, not really. You're a great woman Storm and I am honored to be loved by you. Pero alam ko na ngayon alam mo na at nakikita mo na. The kind of love where it's hard to imagine living in a world without your other half. Minahal mo ako pero iba ang pag-ibig na mayroon ka ngayon."

Napangiti at itinaas ko sa harapan niya ang buko juice ko. "Cheers?"

"Cheers." nakangiti ring sabi niya at idinikit ang hawak niyang alak sa hawak ko. Tinignan niya ang buko juice at lumawak ang ngiti niya. "Congratulations."

Bago pa ako makapagsalita ay bigla na lamang may sumigaw sa may likuran namin. "Hoy! Pinagtataksilan mo ako no?!"

Nilingon ko ang sumigaw kahit na alam ko naman kung kaninong boses nanggaling iyon. Kasalukuyan ngayong nakaturo sa amin si Hermes habang karga niya ang anak namin na si Ale na nakaturo din sa amin at ginagaya ang Daddy niya.

"Hindi kita pinagtataksilan." automatiko na sagot ni Adonis. "Dahil hindi naman naging tayo kahit kailan."

Tinaasan ng kilay ni Hermes si Adonis at inirapan. "Who you?"

Halata ang pagkagulat kay Adonis. Madalas kasi nilang asaran ang pagiging mag "hubby at wife" nilang dalawa. Ngayon lang dumating ang pagkakataon na tinabla siya ni Hermes.

"Hindi kita kilala. You're the past and this..." inakbayan ako ni Hermes. "Is my future. Mag move on ka na pre."

Napanganga si Adonis na mukhang hindi inaasahan ang birada ni Hermes. Natatawang binatukan ko na lang ang asaa ko at hinalikan sa hintuturo ang nakaturo pa rin na si Ale na napahagikhik sa ginawa ko.

"Tumira ka na naman ng katol, Mr. HLG."

"Excuse me mayaman ako. Baygon ang meron sa stock ko. At excuse me ulit. Ikaw lang ang tinitir-"

"Shh!" saway ko at tinampal ko ang bibig niya.

Mukhang hindi naman pinansin ni Adonis ang kabulastugan na lalabas sa bibig ni Hermes at nagtatakang tumingin sa akin ang lalaki. "Mr. HLG?"

"Err..."

"Ano 'yon? Gasolina?" tanong ulit ni Adonis.

"LPG 'yon! Iba 'yon!" nakangusong sabi ni Hermes. "Mr. HLG. Meaning-"

"Hermes!" awat ko.

Nakangising pinagpatuloy niya ang sasabihin niya at hindi ako pinansin. "Hermes Licking Good."

Napatakip ako sa namumula kong mukha kahit na sa pagitan ng mga daliri ko ay kitang-kita ko si Adonis na parang gustong ibuhos ang alak sa tenga niya at silaban iyon para mabura lang ang narinig niya.

"Damn, bro. TMI." he said.

"Gusto mo bang malaman kung anong ibig sabihin ng Mrs. RMG?"

Napasinghap ako at kaagad na tinakpan ko ang bibig ni Hermes. "Tumahimik ka o sa labas ka ng BHO CAMP matutulog."

Tinanggal ni Hermes ang kamay ko at ngumuso. "Joke lang. Hindi ko sasabihin sa kaniya 'yon no. Baka mainggit pa iyan at agawin ka sa akin."

"Hermes."

Ngumiti siya at nag peace sign. Umakto siya na zinizipper ang bibig na ginaya din ni Ale. I rolled my eyes at them. Sana lang hindi tuluyang mamana ni Ale ang kaharutan ng ama niya.

Napatingin kami sa kanan namin ng nagsilapitan sa amin sina Phoenix na kasama ang fiancee niya at si Snow, pati na si Sky na karga si Nero at hawak naman sa isang kamay si Russia.

BHO CAMP #4: The RetributionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon