CHAPTER 16 ~ Warning ~

96.5K 2.3K 160
                                    

CHAPTER 16

STORM'S POV

Tulalang nakatingin ako kay Phoenix at sa fiancee niya na. Imbis na ipagpatuloy namin ni Hermes ang paglalakad-lakad namin kanina napasunod kami ng wala sa oras sa kanila rito sa Craige's.

"Unbelievable." narinig kong bulong ni Hermes.

Hindi lang kami ang parang wala sa sarili na nakatingin sa lamesang inookupa nila. Panigurado ako na lahat ng agents ay nasa kanila rin ang atensyon kahit na hindi ko pa sila lingunin. Lahat kami nagulat sa pagpapakilala ni Phoenix sa kasama niya pero ang mas ikinakakaba namin ngayon ay ang kadahilanan na kasama ng dalawa sa lamesa nila si Snow.

"Joke ba 'to?" muling sambit ni Hermes.

"Kung joke, sobrang hindi nakakatawa." sagot ko.

Hindi ko alam kung bulag ba si Phoenix o tanga. Hindi niya ba nakikita ang reaksyon ni Snow? Because I'm hell sure we all can see it. Snow has a manipulative attitude but she can't cloak her emotions right now. Kaya kakatwang hindi iyon nakikita ng lalaki. O siguro hindi niya pinaniniwalaan ang nakikita niya. It is so easy to not see what is in front of us. Especially if we're stopping ourselves from believing reality.

Nilingon ko si Hermes. "Paano nangyari ito? Parang ang bilis ng mga pangyayari. Ni hindi nga natin alam na may girlfriend na pala siya tapos ngayon ikakasal na?"

"I know, Storm, but he's a grown up man. Hindi niya kailangan ipaalam sa atin ang mga ginagawa niya."

"Then he should at least told her." I hissed in frustration.

Nilingon ko ang mga agents. Kasalukuyang nakaupo sa counter si Nyx habang nakangangang nakatingin sa lamesa nila Phoenix habang ang katabi naman ng babae na si Erebus ay pinipilit labanan ang antok para panoorin ang mga nangyayari. Si Sky na kababalik lang ay parang gusto ng sumugod sa gera habang ang asawa naman niya ay hawak hawak siya sa kamay. At sila Dawn at Triton...tahimik lang sila at ilag ang tingin sa mga kaganapan.

Naningkit ang mga mata ko ng magtama ang mga mata namin ni Dawn at nag-iwas siya ng tingin. Alam niya ang nangyayari!

"Sinabi niya kay Snow na may girlfriend na siya." sabi ni Hermes.

I laughed sarcastically. "Sure. He's like 'Hey Snow, I've got a girlfriend. Oh and by the way we're getting married! Surprise surprise!'. Look at her! Ako ang napapagod sa kakangiti niya. Kahit si Joker uurong kapag nakita ang ngiti ni Snow ngayon."

Hinawakan ni Hermes ang baba ko at marahang ipinaling ang ulo ko paharap sa kaniya. "Relax. Wala na tayong magagawa. Nakapagdesisyon na si Phoenix at kailangan natin iyong respetuhin."

"Paano si Snow?"

"Lahat tayo inaasahan na sila ang magkakatuluyan. But it's not happening now."

"They were made for each other." I whispered.

"But she made him wait for too long and now it's too late."

"He's her bestfriend. Mahirap mahalin ang kaibigan mo. Maraming what ifs...maraming possibility. She can't just risk their friendship. And you know Snow. Wala ang isip niya dati sa mga ganitong bagay." pagdedepensa ko sa pinsan ko.

"Isang walang kasiguraduhan na laro ang pag-ibig. Natatakot siyang matalo kaya hindi siya tumaya. Pero sa pagsuko niya, daig niya pa ang isang talunan."

"Hermes, Snow is different. Magkaibigan-"

"She was too confident that he will never leave. But love won't wait. Not all love can wait. Not everyone can."

BHO CAMP #4: The RetributionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon