CHAPTER 23 ~ Failure ~

89.5K 2.2K 185
                                    

CHAPTER 23

STORM'S POV

Kasalukuyan na akong nasa headquarters habang nanatili pa rin sa loob ng truck. Kailangan ko munang intayin si Snow dito sa baba dahil hindi ako pwedeng basta na lang magpakalat-kalat sa labas kung saan maraming listening devices at security cameras na nakapaligid.

Rinig ko sa kabila ng listening device ang pag-uusap ni Snow na nagpapanggap bilang ako at ni Hermes. Naririnig ko din ang pag-iyak ni Ale.

"Ano bang problema ni baby Ale? Karga ka na nga ni Mommy kanina umiiyak ka pa rin." narinig ko na pagkausap ni Hermes kay Ale. "Subukan mo kaya ulit Storm? I think he's coming down to something."

"M-May sipon ako baka mahawa pa si Ale."

Napangiwi ako. Mukhang kinakailangan ko ng magmadali. Rinig na sa boses ni Snow na parang nawawalan na siya ng pasensya at malapit na rin siyang pumalahaw ng iyak. Snow is BHO CAMP's baby after all. Paano mapapatahan ng baby ang isa pang baby?

"Headquarters. Snow." I whispered in the listening device.

"Thank God!"

Napakamot ako sa noo ko. Narinig ko na tinanong ni Hermes si Snow kung anong ibig niyang sabihin na kaagad naman pilit na nilusutan ni Snow. Maya-maya lang ay nagpaalam si Snow kay Hermes.

"Pupunta lang muna ako sa clinic sa baba. Kukuha ako ng thermometer. He might be sick." sabi ni Snow.

"Ako na-"

"No!" tumikhim ang babae. "No, okay lang. Ako na lang at mukhang mas gusto ni Ale sa iyo. Lalo lang siyang umiiyak kapag karga ko siya."

"Storm you know it's not like that."

"Favoritism!"

"Snow!" I hissed.

"Oo na!" sigaw ng babae.

"Storm?" naguguluhang tanong ni Hermes sa kabilang linya ng listening device. "Are you okay? Kanina ko pa napapansin na iritable ka."

"I'm fine. Bababa na muna ako."

Narinig ko ang paglabas ni Snow sa isang pintuan at ang pagtawag sa kaniya ni Hermes. Hindi na nagsalita pa ang babae na mukhang naubusan na ng pasensya.

Hindi ko din masisisi si Snow. Hindi naman madali ang magpanggap. Lalo na at magkaibang magkaiba ang personality namin. Idagdag pa na kaya lang tumagal ni Snow kasama ang mga bata kapag hindi niya naman kainakailangan alagaan ang bata ng ilang oras. O kaya kapag kasama niya si Phoenix.

"I'm here." narinig kong bulong ni Snow mula sa listening device.

Lumabas na ako ng truck dala ang isang plastic at tumuloy ako sa puno kung saan kami nagkita kanina. Ilang sandali lang akong naghintay roon dahil mabilis naman ng dumating si Snow na ngayon ay nakasuot na ng pangtulog.

Walang imik na lumapit siya sa puno na kinatatayuan ko. Inalis niya ang suot niya na fake face at pagkatapos ay hinubad niya ang night dress ko. Mukha iyong malaking t-shirt na panlalaki pero sinadiya iyon na gawing gano'n kalaki.

Sinabit niya sa puno ang pantulog ko at sinimulan ng suotin ang damit na nakalagay sa plastic na dala ko kanina. Itinago ko ang fake face na sinuot niya at aktong maghuhubad na rin sana ako ng makarinig ako ng kaluskos sa likuran ni Snow.

"Again?!"

Nanglalaki ang mga mata na napatingin ako sa likuran ni Snow. Nagtakip ng mukha si Snow at ako naman ay parang naitulos na sa kinatatayuan ko habang nakatingin kay Dawn at kay Triton na nakatingin sa aming dalawa ni Snow.

BHO CAMP #4: The RetributionWhere stories live. Discover now