p r o l o g u e

32.4K 1K 336
                                    

Ang story na ito ay iba sa ibang stories. Please don't kill me dahil sa ending. Basahin niyo nalang para malaman niyo. :)

***

[Rona's POV]

"ILANG BUWAN KA NANG HINDI NAKAKABAYAD SA RENTA MO AH?!" Sigaw sa akin nung pinaka-ayaw kong tao na nakilala ko. Tanghaling tapat, ito kaagad ibubungad sa akin. Nice.

"Uhm, tatlo? Hehe." Nag-aalinlangan kong sagot.

"BUTI ALAM MO!" Sigaw ulit niya na kulang nalang magkaroon na ng bagyo dahil parang umuulan na ng laway niya.

"Syempre ako pa!" Bigla nalang ako nakakita ng flower vase na lumilipad papunta sa akin. Buti nakaiwas ako. Hehe. #ninjamoves

"LUMAYAS KA NA SA APARTMENT KO AT HUWAG NA HUWAG MO NANG IPAPAKITA YANG MUKHA MO!" sigaw niya sa akin at binato lahat ng gamit ko sa labas.

"Hindi na talaga! Masyado kasing maganda ito para makita mo!" Sigaw ko sa kanya pabalik. Bago pa ako makakita ng lumilipad na lamesa ay tumakbo na ako kaagad palayo. Delikado.

Kung saan ako pupunta? Hindi ko alam. Wala naman kasing tumatanggap sa akin eh. Yung magulang ko namatay nung bata palang ako. Yung mga kamag-anak ko di ko alam kung nasaan. Yung mga kaibigan ko iniwan ako. Saan pa ba ako pwede tumira?

Lahat wala ako. Except sa ex-boyfriend ko.

HUMAYGAHD! ANG TALINO KO! BAKIT DI NALANG SA KANYA?!

Pero ang problema, papayag ba siya pagkatapos ko siya iwanan? Kasalanan din naman niya eh. Ilang buwan na rin naman kaming wala kaya siguro nakamove-on naman siya kahit papaano. Ako nga nakamove-on na eh. Sana.

Bahala na si batman. Kakapalan ko na mukha ko kahit makapal na talaga.

Naglakad ako papunta sa bahay niya at pagkadating ko ay kaagad akong kumatok. Medyo matagal din bago niya buksan yung pinto.

"Hi Jimin." Bati ko sa kanya at ngumiti. Ang awkward. 

"RONA?! ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Sigaw niya. Nakakita ba siya ng multo? Ang ganda naman ng multo na yun.

"Pwede ba ako makitira sayo?" Diretsahang tanong ko.

"PAGKATAPOS MO AKO IWAN MAKIKITIRA KA SA AKIN?! ABA, GANUN NA BA KAHIRAP IWANAN ANG ABS KO?!"

Wow. Confidence.

"ANG KAPAL MO!" Sigaw ko sa kanya.

Aish. Paano ko ba ito gagawin?

Living With my Ex-boyfriend [Jimin ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon