30

284 4 1
                                    

Aren

Papunta kami ng The Players sa isang mamahaling restaurant dito sa Dasma. Noong una, ang hirap kausap ni ate Anne, dahil malayo raw. Hindi naman ako nalalayuan dahil ang tinitirahan naman namin ay boundary ng Dasma at Imus. Kakausapin daw ako ni kuya Dylan at ni kuya Denis at sila na raw ang magsasabi ng tungkol sa sakit ni Sophie.  Si kuya Denis nga pala ang kapatid ni kuya Dylan na nag-aral para maging doktor. Kahit ayaw ko, napapayag ako ni kuya Dylan kasi may "utang na loob" ako sa kanya dahil pumayag siyang pumasok ako sa bahay nila para sa documentary at alam kong inaalagaan niya si Sophie sa ospital kapag wala ako.

"Hello, guys. Please take a seat." bati ni kuya Denis. Ang payat-payat na niya. Una siyang tiningnan ni ate Anne. Kahit saang anggulo mo tingnan, halatang attracted padin si ate Anne sa kanya. They are past lovers.

"Bakit mo kami pinatawag?" masungit na tanong ni ate Anne. Kahit ayaw ko ng suot ni ate Anne, nagpumilit padin siyang magblack na spaghetti strap at jeans. Inaway lang namin ni kuya Bryan na patungan niya ng brown jacket niya.

"Upo po muna tayo," sabi ni kuya Dylan. Wow? Ang bait ha.

Umupo nga kami sa mga pinagdugtong-dugtong na lamesa na nagmukhang mahaba.

Kaharap ko si kuya Dylan, at katabi ko si ate Anne. Si ate Anne naman, kaharap si kuya Denis. Anim lang kaming the Players ngayon dahil wala si Sophie.

"Si Sophie nga pala, didiretsuhin ko na ha, she's not feeling better. Ang bilis ng progress ng sakit niya. Tingnan niyo ito," sabi ni kuya Denis.

Naglabas siya ng isang dalawang x-ray films. Tinapat niya ang mga ito sa ilaw at kami lang ni ate Anne ang kausap niya.

"'Yung hawak ko sa left, normal lungs, sa right, lungs ni Sophie," tiningnan naming maigi ni ate Anne. Iyong ibang kasama namin sa table, nakikinig lang.

collapsed lung, Photo Credit: drugline.org

"Kung mapapansin n'yo, ito 'yung x-ray noong nag-collapse left lungs ni Sophie. Mas malaki naman ang right niya dahil sa mga abnormal growth of cells. Unpredictable ang paglaki ng mga ito kaya nahaharangan ang airways ng lungs ni Sophie," pagpapaliwanag ni kuya Denis. Parang isang maliit na lobo ang left lung ni Sophie sa x-ray. Ganito ba ang hitsura ng collapsed lung?

"Kaya ba siya nahihirapan huminga?" pagtatanong ni ate Anne.

"Oo, tsaka ang kinakatakot namin baka mag-collapse ulit lungs ni Sophie, mukhang malapit na dumating ang period niya,"

Ano raw?

"Mag-collapse? Ulit?!" halos sabay-sabay naming sigaw.

"Ano mangyayari sa kanya kapag nag-collapse na naman lungs niya?!" tanong ko. Natatakot ako.

"Her lungs losses its ability to function well at...,"

"Puwede...siyang...ma...ma...tay?" dahan-dahang tanong ni ate Anne.

 Tumungo nalang si kuya Denis.

"Pero may mga apparatus na magliligtas kay Sophie, ang nakakatakot kapag hindi na talaga kaya ng mga lungs niya, kailangang ilagay sa ICU si Sophie."

"Pakiramdam ko, malapit nang mangyari 'yun." dugtong pa ni kuya Denis.

Naiintindihan ko ang mga sinasabi ni kuya Denis, pero parang ayaw kong intindihin. Kunwari, wala akong narinig.

"'Di ba magaling na doktor ang papa n'yo? Si Dr. Dela Rosa 'yun 'di ba?! Hindi mangyayari 'yun 'di ba?!!!" galit na galit kong sigaw habang hawak-hawak ang kuwelyo ng damit ni kuya Denis.

Sophie Can't Breathe (COMPLETED)Where stories live. Discover now