8

302 3 0
                                    

Sophie

Saturday night.

Usapan ng The Players na sa A&A ulit mamaya. Ewan ko ba kung bakit hindi sila nagsasawang tumambay doon. Nandito kami sa bahay nila Aren. Dito raw muna, bago kami sabay-sabay pupunta sa A&A.

"Kuya Bryan. May itatanong ako," sabi ko politely, kasi pang-baby ang tanong ko.

Kuya Bryan just looked at me, ready to answer my question.

"Ano ba talaga ang ibig sabihin ng Casanova?" Nagtinginan silang lahat, then they all burst laughing, except for Aren.

Nakita ko si ate Anne na binuksan yung Ipod touch niya.

"Dictionary meaning: a man who is a promiscuous and unscrupulous lover," sabi niya then smiled.

"Eh ano'ng ibig sabihin ng promiscuous?" tanong ko ulit. Ngayon hindi na sila tumawa nang malakas. They just smiled, yung ngiting halatang nagpipigil ng tawa.

"Promiscuous means flirtatious," sabi ni Aren nang seryoso. Sasabihin na sana ni ate Anne, pero naunahan siya.

"Dictionary meaning: not restricted to one sexual partner," sabi ni ate Anne. Nandito kami sa sala nila Aren together with Mark, Claire, kuya Bryan, Sam at iyong magkapatid at ako, which means complete kami.

"Sexual partner talaga?"  tanong ko ulit. Ano ba 'yan! I really sound stupid here. Baby na baby.

Tumawa si kuya Bryan.

"Being a Casanova doesn't necessarily mean engaging in a sexual contact, Sophie. We're just playing, but not engaging," Nosebleed! I made that gesture and kuya Bryan laughed again. Tamo pati ako napa-English na.

"Huh? Ano raw?" sabi ko ulit.

"Hindi kami nag-e-engage sa sexual contact. P'wera nal ang kay Mark at Claire," sabi ni Aren nang seryoso. Ano ba'ng topak ng lalaking ito? Ang sungit kanina pa eh.

Bigla siyang ngumiti noong parehong tumayo at tumingin nang masama sa kanya si Mark at Claire.

"Anong sexual contact? Baka ikaw diyan may experience na!" sigaw ni Mark

"Hoy, Aren, ingat ka sa mga pinagsasabi mo! Kapal mo ha! Ate Anne oh! Bastos ni Aren!" si Claire naman.

Tumawa si ate Anne sa mga sinabi nila. Weird. I don't feel comfortable with the topic. Nathan just smiled at me. Bakit hindi ko siya napansin? Si Nathan nga pala ay schoolmate namin, pero senior na; taga-regular section siya.

"Hindi, ang totoo kasi niyan si kuya Bryan ang may experience na!" sabi ni ate Anne.

 "TALAGA, KUYA BRYAN?!" Oops, napalakas yata ang boses ko. Tumawa ulit si kuya Bryan. Phew, lagi na lang ba akong tatawanan ng mga 'to?

"Oo, Sophie, pero long story," sabi niya, then he showed his killer smile. Shet! Matutunaw ako!

"Bakit ang ingay n'yo ha? Kayo ha, 'yang mga pinag-uusapan n'yo!" that was Aren's mom.

"Sorry, tita, si Aren po kasi eh," sabi ni Mark with his sweet good boy smile.

"Naku, ikaw talaga! Mas guwapo ka pa sa anak ko!" tapos kinurot niya sa pisngi si Mark. Haha  Ang cute lang, parang bata. Siyempre nag-react si bunso.

"Hoy, mama! Grabe ka naman! Ako kaya ang pinakaguwapo sa amin!" sigaw ni Aren.

"Oh ,wag kang iiyak!" asar ni kuya Bryan.

Sophie Can't Breathe (COMPLETED)Where stories live. Discover now