13

265 1 0
                                    

Sophie

Ang laki talaga ng Montessori De Dasmariñas! Tama bang sa Dasma ito nilagay? Eh kung sa quality ng facilities para siyang international school at kayang tapatan ang big schools sa Manila.

Sa wakas, natapos na rin ang round namin. Seniors ang nagqu-quizbee ngayon. Talo kami, hindi na bago iyon. Eh kung mag-away ba naman sa sagot si Dave at Aren, parang aso't pusa. Ang sarap nilang pag-untugin. Sabi ng teachers ayos lang daw kahit talo kami. Nandiyan naman daw ang mga fourth year na kaya kaming saluhin. Nakapasok nga raw sila sa Regionals kahit talo rin sila kuya Arvin last year sa Division level.

Sabi ni pesteng Aren, after naming sumabak sa quiz bee, magsisimula ang mission ko. Yeah I know, siraulo talaga siya. He really wants me to pursue this mission.

"Sophie! Sophie! Ayun ang target mo oh!" pagtuturo ni Aren sa isang lalaki na naka-white printed t-shirt. Nakatingin siya sa table ng SCA seniors na nasa quiz bee. Tinititigan niya si Colleen.

"Si kuya Dante? Yeah. I know his face, duh!" sagot ko kay Aren.

"Game na Sophie! Lapitan mo na!" sabi niya na parang tinutulak ako. Nandito kami sa gym ng school nila. Maraming tao dahil nanunuod sila ng quiz bee.

"Only number 5 got the correct answer!" pag-aanounce ng emcee. Halimaw talaga 'tong mga ate't kuya namin, biruin mo sila lang nakasagot. Leading ang SCA seniors simula easy round.

"Sige na, Aren! Basta iwan mo ako, don't worry I will do my best for this mission." sabi ko. Wala yatang balak si Aren na lubayan ako.

"Bilis na Sophie, baka pagkatapos nila Arvin pauwiin na tayo!" pagrereklamo niya.

"Oo na! Basta 'wag mo akong susundan!" pagdedeman ko. Nag-nod lang siya at buti nalang niyaya siya ng mga second year kumain.

Dahil sumasaktong foundation day ng MDD nagaganap ang Division level quiz bees, napakasaya tingnan ng paligid. Madaming students ang pagala-gala. Ngayon, hindi ko alam kung saan hahanapin si kuya Dante, a.k.a. ex ni ate Colleen.

Sabi ni Aren, sila ang nagfa-facilitate ng jail booth at ng chain booth. So what? As if naman alam ko kung nasaan 'yun 'di ba?

Pumunta ako sa high school department at nagulat ako dahil ang daming nagtitinda ng kung ano-ano. May accessories, may cute school stuffs, tapos may iba't ibang booth.

"Miss taga-SCA ka po?" paglingon ko, si kuya Dante. Pagkakataon nga naman oh, nilapit na siya ng tadhana sa akin.

"Opo. Bakit po?"

"Wala lang. Ingat ka sa mga bilog ha, pag tinapakan mo baka ma-jailbooth ka." sabi n'ya sabay ngiti. He's sipping some gulaman na kabibili lang niya d'un sa isang booth tapos noong naubos na, tinapon niya sa basurahan.

"Ahhh. Sige po thank you po." bakit kaya niya sinabi 'yun? Ahhh! Ang mga bilog na iniiwasan ng mga tao dito, iyon pala ang traps nila for jailbooth!

Palayo na siya, ano na'ng gagawin ko?

"Kuya! Kuya may tatanong po ako!" sigaw ko habang hinahabol siya'ng maglakad. Ngayon ko lang nakita ng malapitan ang ex ni ate Colleen. Gwapo nga siya, at ang cute ng eyes niya. Singkit at maamo ang mukha n'ya.

"Ano 'yun?" paglingon niya tumingin siya sa kinatatayuan ko.

Napatingin ako sa baba, I'm trapped. Nakatapak ako ng bilog na ginawa gamit ang chalk.

"Sorry miss, binalaan na kita. Huli ka! Sama ka sa akin sa jail booth." sabi niyang pilit ngumiti. Hinawakan niya braso ko at sumunod ako papunta sa jail booth nila. Ang daming nakakulong pero sosyal ha! Airconed!

Sophie Can't Breathe (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon