10

281 2 0
                                    

Sophie

"Class, may tatlong transferee tayo. Please take a seat." Sabi ng malumanay na boses ni Ma'am.

"Ma'am, sino po?" tanong ni Aren na kakaupo palang. As usual, late ang loko.

"Teka lang ha," lumabas si Ma'am at nagsimula ang mga bulungan.

"DAVE!!!" sigaw ni Aren pagkatapos ko marinig ang bukas ng pinto. Teka, tatlong Dave?

Bakit tatlo silang magkakamukha?

Sino si Dave sa kanila? Naikuwento na ni Dave sa akin na may kakambal siya, pero hindi ko alam na triplets sila.

Tiningnan ko sila nang isa-isa sa mata. 'Yung nag-iisang hindi ngumiti sa akin, si Dave 'yun for sure. The last time I looked at his eyes was three years ago.

"Magpakilala na kayo!" utos ni Ma'am sa kanilang tatlo na pinapunta sa harap. Surprisingly, tahimik ang mga kaklase ko.

"Hi, I'm Matthew Spencer Tuazon," sabi n'ung una. Siya lang ang naka-gel ang buhok sa kanila.

"Hello! Matthew Vince Tuazon!" sabi n'ung nasa gitna na naka-smile. He seems to be so friendly.

Kinabahan ako noong tinitingnan ko si Dave. I looked at him, parang gusto kong mag-disappear nalang kapag nagkakatamaan mata namin.

"Hi classmates! Matthew Dave Tuazon. Namiss ko kayo! Meet my twin brothers!"

That's when my classmates started reacting. Dave wore his eye glasses. Black-rimmed square glasses, ang gamit niya pero he doesn't look like a nerd. Bagay sa puti niya ang suot-suot niyang salamin. He's still handsome.

Tiningnan ko ulit siya sa mata, then he smiled at me.

Pinaupo na sila at nagsimulang mag-lesson si ma'am. Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataong kausapin 'yung tatlo.

"Hi Sophie. Ang laking surprise 'no? Bumalik na si Dave," Nagulat ako dahil katabi ko na pala si Aren habang kinokopya namin ang seatwork ni Ma'am. Nakatatamad naman sagutan itong seatwork sa Araling Panlipunan.

"Kaya nga eh, ngayon ko lang nakilala twins n'ya," sagot ko.

"Ako, ngayon ko lang ulit sila nakita. Masyado naman yatang biglaan pagbalik nila,"

"Aren! Bakit ang inggay mo?!" tumingin ang buong classroom sa upuan ni Aren at automatic na sa akin agad sila tumingin. Alam naman kasi nilang tumatabi sa akin sa mga ganitong oras si Aren dahil normal sa kanya ang paikot-ikot sa classroom at kung saan-saan umuupo. Well, si Aren ang unang napansin dahil malakas boses niya samantalang ako, pabulong-bulong lang.

"Katabi po kasi girlfriend eh!" pang-aasar ng iba kong kaklase.

"Kahit pa, mamaya na landian! Aren go back to your seat!" tumayo agad si Aren para bumalik sa upuan niya. Natatawa nalang ako. Wala yatang teacher ang hindi nakakakilala kay Aren dahil sa kakulitan n'ya.

"Dave ayos lang 'yan!" sigaw ng kakambal n'ya. Si Spencer ba 'yun?

Nakita ko naman ang mga mukha ng mga kaklase ko. Mapang-asar. Mukhang aasarin nila kami ni Dave. Sadly, they remember our history.

Tiningnan ko lang si Dave na parang inosente, busy sa pagsasagot ng seatwork.

"Si Dave kunwari hindi affected!" biro ng isa pa niyang kambal. Si Vince, 'yung laging naka-smile. Ang kulit, parang matagal na naming silang naging kaklase.

Nag-react mga kaklase ko. Ngumiti si Dave at biglang tumingin sa akin. He smiled sweetly at me na parang wala kaming naging past. I just smiled back.

Sophie Can't Breathe (COMPLETED)Where stories live. Discover now