Ten

2.4K 116 16
                                    

Point of View: Jimin

"Bro! Parang body guard kana nitong si Stephan ah" natatawang sabi ni Jin 

Sinamaan ko naman siya ng tingin "Hyung? Wala kang pake, Humanap ka ng ibang taong mapagtri-tripan mo wag ako" asar kong sabi sakanya

Nagtawanan naman silang lahat "Pero masaya ako para sayo, Hyung" sabi ni Jungkook

Kunot noo ko naman siyang tiningnan "Masaya para saan?" tanong ko 

"Masaya ako dahil bumabalik kana sa dati, Tumatawa kana at nakikipag-asaran kana ulit saamin. Dalawang taon kayang nawala ang Jimin Hyung na mahal ko" sabi niya 

Binato ko naman siya ng tinapay na kinakain ko "Bakla mo! Paano mo nasasabing mahal mo ko kung nasa harap ka ng girlfriend mo" sabi ko sakanya 

Tinawanan naman niya ako at hinalikan sa pisngi si Wendy dahilan para mamula ito "Siya lang ang babaeng mahal ko! Pero kayong mga Hyungs ko, Kayo ang mga lalaking mahal ko" sabi niya at umasta na parang bakla 

Isa-isa naman siyang binatukan ng mga Hyungs namin "Yuck! Hindi ako napatol sa bakla. Diyan kana lang sa Girlfriend mo" sabi ni Suga 

Kumain nalang ako habang pinapanood sila, Sa totoo lang namiss kodin ang masasayang asaran at tawanan namin. Napatingin naman ako kay Stephan na nakikitawa habang sinasaktan nila Jhope Hyung si Jungkook. 

Hindi ko alam kung paano at bakit pero simula ng nakita ko siyang sinasaktan ni Skyler ay nagbago na ang tingin ko sakanya. Siguro dahil naaalala at nakikita ko sakanya si Stephanie kaya napalapit na din ang loob ko sakanya. Siguro tama nga sila Wendy na marami silang pagkakatulad.

"Jimin, Sa isang araw na ang birthday mo ah? Anong plano mo?" napatingin naman ako kay Rapmonster Hyung 

"Hulaan ko, Doon ka na naman sa puntod ni Stephanie magce-celebrate?" sabi naman ni Jhope 

Tumango-tango naman ako sa kanila "Oo. Pupuntahan ko siya tapos lilibre ko kayo" sabi ko 

Nagliwanag naman ang mga mata nila dahil sa sinabi ko "Talaga?!" masayang sabi ni Wendy 

"Oo. Pero gusto ko tayo-tayo lang." sabi ko sa kanila 

"Malamang alangan namang isama natin buong mundo sa pagc-celebrate ng birthday mo" pabarang sabi naman ni Jin 

Binato ko naman siya ng tinapay na hawak ko "Wag kang tanga Hyung! Ang ibig kong sabihin wag niyo ng ipagkalat sa iba" sabi ko sakanya

Tumingin naman ako kay Stephan na tahimik lang na kumakain, Kanina ang saya niya tapos ngayon bakit bigla siyang tumahimik "Stephan" tawag ko sa pangalan niya, Tumingin naman siya saakin "Sama ka ah! Aasahan kita" sabi ko at ngumiti sakanya 

Bigla namang nalungkot ang mga mata niya "Hindi ako makakasama, Pasensya na" sabi niya 

"Huh? Bakit naman? First time mo makakasama samin sa pagce-celebrate ng birthday ni Jimin tapos hindi kapa sasama" sabi naman ni Wendy 

"Oo nga naman! Tsaka isang beses lang naman yon sa isang taon" sabi naman ni Jhope 

"Sumama kana kasi" pagpipilit naman ni Jungkook

Umiling-iling naman siya "Hindi talaga pwede" malungkot niyang sabi 

"Bakit ba hindi pwede?" tanong naman ni Taehyung

"Sa isang araw kasi ang kaarawan ng pagka-matay ng Mommy ko kaya hindi ako pwedeng magsaya. Tsaka isa pa pupuntahan ko siya sa puntod niya kaya pasensya na kayo kung hindi ako makakasama sainyo ah" malungkot niyang sabi

Chasing Park Jimin | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon