Six

2.4K 118 16
                                    

Point of View: Skyler

Nakangiti ako habang tinatahak ang daan papunta sa aking silid aralan, Napatingin ako sa mga lalaki at babaeng nakatingin sa akin at nagkakandarapa dahil sa kagandahan ko. Napailing nalang ako habang nakangiti, Hindi padin talaga nagbabago ang mga tao dito, Para sa kanila ako padin ang reyna ako padin ang sinusunod at pinaniniwalaan nila. Nakakaawa sila!

Napatigil ako ng may mga grupo ng mga lalaki ang pinagkakaguluhan at papunta sa akin. Napatingin ako sa kanila isa isa at ang gwapo nga nilang lahat, Ngunit may isang lalaki sa kanila ang nakakuha ng aking atensyon, Mukha siyang masungit at galit sa mundo pero lalo iyong nakakapagpa-gwapo sakanya.

Natigil sila sa harapan ko "Hi miss" sabi ng isang gwapo na medyo matangkad 

Nginitian ko naman siya ng pagkatamis tamis "Uhmm, Hi" bati ko 

Natawa naman sila "Ang ganda niya mga brad" bulong naman ng isa na narinig ko 

Natawa din naman ako "I'm Skyler, The Queen of this Campus" pagpapakilala ko sa kanila at nilahad ako aking kamay sa kanila 

Tinanggap naman ito ng lalaking medyo matangkad "I'm Jin, BTS member" sabi niya

BTS? As in yung sikat na group? Dito pala sila nag-aaral? Kaylan pa at bakit hindi ko alam. 

"Hi, I'm Teahyung" sabi naman niya at hinalikan ang likod ng aking palad

"I'm Suga" sabi naman niya at kinamayan ako 

"I'm Rapmonster, The leader" sabi niya 

"I'm Jhope" 

"I'm Jungkook, The maknae" sabi naman niya at ngumiti 

Napatingin naman ako sa isang lalaki na tahimik lang na nakapamulsa sa likudan ng mga kasama niya, Napangiti naman ako, Pakipot pa siya? Lumapit ako sakanya at nilahad ang aking kamay "Hi, I'm Skyler, The Queen of this Campus" nakangiti kong sabi 

Tiningnan niya naman ako ng malamig at saka nagsalita "Hindi ko tinatanong kung sino ka at kung ano ka sa campus na ito" malamig niyang sabi at nilampasan ako.

Hindi naman ako makapaniwalang napatingin sakanya kahit na nakatalikod padin siya "Hey!" inis kong sigaw. Ghad, Hindi ako papayag na mapahiya nalang ng dahil sakanya, Ako kaya si Skyler the Queen. Isa lang siyang lalaki na dapat sinusunod at ginagalang ako. Wala siyang karapatan!

Napatigil naman ang mga kasama niya ngunit siya ay nanatili lang na naglalakad "Kami ba ang tawag mo?" tanong ni Jhope 

Umiling iling naman ako "Hindi, Yung bastos niyong kasama" inis kong sabi sabay turo sa lalaking walang pake sa kanyang mga kaibigan at patuloy lang sakanyang paglalakad 

"Ah, Si Jimin, Pag-pasensyahan mo na. Bitter lang yan. Hahaha" sabi naman ni Taehyung 

"Sige, Skyler the Queen una na kami" natatawang sabi naman ni Suga at sumunod sa kaibigan nilang nauna na. 

Bitter? Jimin pala ang pangalan niya ah. Humanda siya sakin. Napatingin naman ako sa ibang mga estudyante at nginitian ko lang sila. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ko papunta sa aking silid.

Pagkarating ko doon ay nagkakagulo silang lahat ngunit ng pumasok ako ay natahimik sila at sabay sabay na nagbigay puri saakin, Ow! Hindi pala silang lahat nagbigay puri saakin dahil may dalawang babae sa likod na walang pake saakin. 

Napangiti ako dahil nakita ko na naman ang babaeng pinakamamahal ko, Si Stephan. Lumapit ako sakanya ng may ngiti saaking labi "Hi Stephan, Kamusta na?" sabi ko habang nakangiti ng plastik sakanya

Ngumiti din naman siya saakin "Eto miss na miss ka" 

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya "Oh, talaga? Bakit wala ka nga pala kahapon sa bahay? Hindi ka nanaman umuwi, Siguro kung kanino-kanino ka na namang lalaki nasama no?" sabi ko sakanya 

Nagsimula namang mag-bulungan ang mga kaklase namin dahil sa sinabi ko, Halata naman sa mukha niya ang pagkahiya kaya naman napatungo siya "Oh, Bakit? Hindi kapa ba sanay? Diba totoo naman ang sinabi ko, Hindi ko umuwi kagabi. Alalang alala nga sayo sina Mommy at Daddy" sabi ko

Tumayo naman ang kasama niyang babae "Kasama ko siya kagabi, Saamin siya natulog" sabi niya 

Napangisi naman ako at tiningnan siya mula ulo hanggang paa "Ah, Dalawa pala kayo. Ilang lalaki naman ba ang kasama niyo kagabi? Siguro marami iyon dalawa kayo eh" nakangisi kong sabi 

"Wag mo siyang idamay sa mga kasinungalingan mo" galit na sabi sakin ni Stephan, Ang gaga nakahanap ng kaibigan, Tingnan lang natin kung hindi siya umiwas sayo kung idadamay ko siya "Bakit ba ako ang sinasabihan mo ng malandi? Ang pagkaka-alam ko kasi nasa lahi niyo ang pagiging malandi at mangaagaw" 

"Anong sabi mo!?" galit kong tanong sakanya 

Tinaas naman niya ang isa niyang kilay "Diba ang nanay mo ang mang-aagaw, Inagaw niya ang daddy ko mula sa mommy ko at isa pa diba pokpok ang nanay mo, Ginawa niya ang lahat para lang mawala ang mommy ko sa buhay namin, Kaya paanong ako ang malandi saating dalawa kung nasa lahi niyo ang pagiging ganon?" 

Naitikom ko naman ang kamao ko dahil sakanya, Wag na wag niyang idadamay ang Mommy ko dito "Manahimik ka, Bawiin mo lahat ng sinabi mo tungkol sa Mommy ko. Wala kang utang na loob minamahal ka ng Mommy ko pero ganito lang ang ginaganti mo sakanya. Panay paninira!" galit kong sabi sakanya. 

Totoo naman mas mahal siya ng Mommy kesa sa akin na tunay niyang anak at nagmula sa kanya.

"Paninira? Utang na loob? Wow! Diba dapat sayo ko yan sabihin? Pinapalamon ka ng pamilya namin at pera ng pamilya ko ang ginagamit niyo pero anong ginagawa mo? Panay paninira lang ang ginaganti mo saakin, Ikaw ang walang utang na loob!" galit niyang sabi saakin 

"Wag mong ibahin ang usapan, Bawiin mo lahat ng sinabi mo tungkol sa Mommy ko!" galit kong sabi sakanya 

"At bakit ko naman gagawin iyon? Atleast ako nagsasabi ako ng totoo di tulad mo panay gawa gawa lamang" nakangisi niyang sabi "Oops! Nakalimutan ko, Hindi ka nga pala mahal ng mommy mo, Kasi nga naman rapist ang tatay mo" natatawa niyang sabi 

Napatingin naman ako sa mga kaklase ko na may hawak hawak ng kani-kanilang cellphone, Hindi pwede masira ako sa lahat ng tao dito, Hinding hindi pwedeng mangyari iyon! Ako ang Queen nila, Ang Reyna ako dapat ay ginagalang nila, Hindi ako pwedeng sirain nalang ng babaeng ito. Hindi siya!

Tiningnan ko naman siya ng masama "Bawiin mo lahat ng sinabi mo kung ayaw mong pagsisihan lahat ng mga iyon" pananakot ko sakanya 

Napatawa naman siya ng mahina "Wow! Ano sisirain mo na naman ako sa kanilang lahat? Sanay na ako at sirang sira na ako kaya hinding hindi mo na ako matatakot" natatawa niyang sabi "Pero paano kung ikaw naman ang sirain ko sa kanilang lahat? Paano kung ikaw naman ang kinamumuhian at hinuhusgahan nila? Paano kung maranasan mo ang lahat ng naransan ko na panghuhusga at panlalait mula sa mga estudyante dito? Magiging masaya ka kaya?!" sabi niya habang may mga luhang natulo sa kanyang mga mata. Wala padin siyang pinagbago mahina padin siya, Naiyak padin siya sa harapan ko!

Pinunasan niya ang mga luhang iyon "Pero wag kang mag-alala hinding hindi ko naman gagawin iyon, Dahil hinding hindi ako baba sa lugar mo. Hindi ako gagaya sayo na para lang sumikat maninira ng tao, Para lang mapagtakpan ang nakaraan niya ililipat niya sa ibang tao." nakangiti niyang sabi

"Bawiin mo ang sinabi mo!" sigaw ko at akmang sasampalin na sana siya pero may isang lalaki ang pumigil saakin at hinawakan ng mahigpit ang aking kamay "Bitawan mo ako! Tuturuan ko lang ng leksyon ang babaeng ito!" galit na sigaw ko sakanya 

"Wag na wag mong idadampi ang mga palad mo sa mukha niya! Baka madumihan siya!" sabi niya at binitawan ako.

✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘ 

Comment & Vote!

Enjoy!

Chasing Park Jimin | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon