Nine

2.1K 122 34
                                    

Point of View: Stephan

"S-sumama ka saakin gusto kitang maka-usap at humingi ng tawad sa mga nagawa ko sayo" naiyak na sabi saakin ni Skyler

Mukha naman siyang seryoso sa mga sinasabi niya kaya naman tumayo ako sa upuan ko "Sige sasama ako sayo" sabi ko sakanya

Nauna na naman akong lumabas papunta sa may pinto ngunit bigla akong natigil sa gitna ng sumigaw siya "SANDALI LANG!" sigaw niya

Napansin ko namang lumapit siya saakin "Dito ko nalang sasabihin lahat. Gusto kong makita nilang lahat ang pagaayos natin" sabi niya

Tumango-tango naman ako "Oo nga, Para naman hindi na nila tayo pagusapan pa" sabi ko sakanya

Ngumiti naman siya at humarap sa mga kaklase namin "HEY! MAKINIG KAYONG LAHAT AT MANUOD SA GAGAWIN KO! GUSTONG-GUSTO KO NANG MAGKAAYOS KAMI NI STEPHAN KAYA NAMAN MAKIKIPAG-AYOS NA AKO SAKANYA" sigaw niya para makuha ang atensyon nilang lahat "MAKINIG LANG KAYO AH! TSAKA ISA PA GUSTO KONG I-VIDEO NIYO AT IPAKALAT SA BUONG CAMPUS PARA NAMAN ALAM DIN NILA" dagdag niya pa

Lumapit siya saakin at niyakap ako "Tingnan mo ang gagawin ko" bulong niya

Matapos niyang ibulong iyon ay naramdaman ko nalang na humapdi na ang likudan ko dahil sa kanyang kuko. Naramdaman ko din ang malamig na aircon na tumatama sa balat ko "Ayan! Dapat yan sayo! Hindi ako tanga para makipag-ayos sayo!" sabi at lalo pang hinigit ang damit ko dahilan para masira ito at makita na ang dibdib ko

Napatakip naman ako sa aking dibdib ng mapansin kong maraming camera ang nakatutok saamin. Napa-upo ako sa sahig dahil sa sobrang hiya pati nadin sa sakit at hapdi ng balat ko dahil sa sugat na gawa ng kanyang kuko.

"Ang sama-sama mo!" sabi ni Wendy at niyakap niya ako

Ngumisi naman siya "Alam ko! Ewan koba diyan sa kaibigan mo napakatanga? Alam naman niyang masama ako naniniwala pa saakin! Kaya ayan tuloy ang napapala niya!" sabi niya

Umupo naman siya para pumantay saakin "Bagay lang yan sayo! Madumi ka naman eh" sabi niya

Tumayo naman siya at humarap sa mga kaklase namin na may kanya-kanyang hawak ng camera "Alam niyo na ang gagawin niyo! Tutal mga chismosa naman kayo, Ikalat niyo na yan" sabi niya

Aalis na sana siya ngunit muli niya akong tiningnan "Kulang payan. Antayin mo ang susunod kong gagawin sayo! Maling-mali na ipinahiya mo ako! Maling-mali na ako pa ang kinalaban mo" galit na galit niyang sabi habang nakangiti ng napakasama

Aalis na nga sana siya pero nagsalita ako "Ganyan kana ba kainggit saakin? Sagad naba? Inggit na inggit kana siguro kaya ginagawa mo na ang lahat para masira ako ng tuluyan" sabi ko

Muli naman niya akong tiningnan "Oo. Sagad na ang pagka-inggit ko sayo! Bakit kase ikaw pa ang minamahal nila samantalang ang dumi mong babae? Hindi nila napapansin ang tunay mong ugali dahil napaka-galing mong umarte" sabi niya

"Edi lumabas din mula sa bibig mo na naiingit ka! Palibhasa pati sarili mong nanay ako ang mahal. Hanapin mo nalang yung rapist mong tatay baka sakaling mahalin ka!" sabi ko sakanya. Mukha namang nainis siya dahil sa sinabi ko "Ay! Wag. Baka reypin kadin non gaya ng ginawa niya sa nanay mo!" dagdag ko

Lalo naman siyang nainis kaya naman tinulak niya si Wendy na nakaharang saaming dalawa at hinigit niya ang buhok ko. Habang hawak hawak niya ng isang kamay ang buhok ko ay sinasampal naman niya ako ng paulit ulit. Hindi naman ako makalaban sakanya dahil ang dalawang kamay ko ay nakatakip sa aking dibdib, Hawak hawak naman ng mga alagad niya si Wendy kaya hindi din siya makaganti sakanya.

Chasing Park Jimin | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon