Please Say Don't Book Two- Continuation [15]

5.6K 76 42
                                    

HUHU! Hindi na pala kasya toh sa book1 -_-" nabadtrip tuloy ako.. hahahaha... So, dito niyo na tingnan kung may update , OKay? 

Chapter 15

Eyedea's POV

Napakasama ko! Naiinis ako sa sarili ko! Bakit hinayaan kong halikan niya ko? :'( Nagtaksil ako sa taong mahal ko! Ang sama sama ko! Bakit !!!! I hate myself. Feeling ko ,wala na kong mukhang maihaharap kay Irvin.

Irvin. Bumalik naman siya sakin. Pero hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit biglaan yung pagbalik niya., Hindi pa kami nakakapag usap ng maayos. Bakit ngayon ko pa ba naisip tong mga bagay na toh?

I need to go to him now. I need to talk to Irvin. I can't lie to him., I've sinned against him.

I texted him to fetch me. He said Okay. Madali ko siyang macontact pag kailangan ko siya. Hangga't maari ayaw niyang naghihintay ako.. Mula nung dumating siya, nagbago siya.. Yung para bang, ayaw na ayaw niya kong mawawalay at mawawala sa kanya. Yung sobra yung pag iingat niya sakin, pero hindi yung nakakasakal. Bakit nag iba siya? May dapat ba kong ipagtaka sa nangyayare? bakit pakiramdam ko, meron akong hindi alam?

Nagmadali akong tumakbo papunta sa parking lot ng social garden.. na nakalimutan ko ng naka heels pala ko..

Nakita kong dumating yung kotse niya. We're just 17, meron na siyang student's license.. Dahil sa pagmamadali ko, i didn't notice na may tatlong steps na hagdan.. And yea, nahulog ako.. Huli na nung bago siya makalabas sa kotse..

Nasaktan na ko. Sobrang sakit nung kanang paa ko. Hindi ko maiwasang hingi umaray.. Parang pinipilipit.. Di ko na napigil yung luha ko. Nakisabay pa.

bago siya makalapit sa kin, naramdaman kong may humawak sa likod ko.

"Alin ang masakit? Oy. wag ka na umiyak.. shhhh... shhhh,,, tahan ka na.." inaayos niya yung buhok ko para hindi sagabal sa mukha ko.. nakikita kong nagaalala talaga siya... hindi siya mapakali... habang hinihipan niya yung paa ko..

Parang kahit papano, nabawasan yung sakit ng paa ko. Tumayo si Levi kasi papalapit na si Irvin.

Awkward.

"Gosh. San masakit? Kaya mo ba tumayo? Please, wag ka umiyak... babe.. stop crying. bubuhatin kita, dadalhin kita sa hospital .Okay?"

"Wag na. sa bahay na lang."

Napatulala ako.. parang nadisappoint ako.. bakit nung nagkasakit ako, nagtyaga si Levi na gamutin ako? nagtyaga siyang magpuyat para lang mabantayan ako? nagtyaga siya para lang masigurong gagaling ako? Ni hindi niya ako pinagkatiwala sa mga doctor.. siya mismo nag alaga sakin..

Lumapit sakin si Levi, at inabot yung bag kong nahulog.. "pagaling ka. kita na lang tayo sa bahay mamaya." tumingin siya kay Irvin, "ingatan mo kasi, nahulog na't lahat nakatulala ka pa."

"Wag ka magalala. Ako na ang bahala sa kanya. Wala man akong alam kung paano gamutin yung sakit niyang nararamdaman ngayon, siguro naman kaya kong pag aralan yung mga bagay bagay na yun?, di ko naman hahayaang mahulog siya ng walang sasambot sa kanya eh... masyado lang akong malayo sa kanya kaya iba pa ang nakasalo sa kanya.. "

Please Say Don't Book Two- Continuation [15]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon