ALEXIS' POV

Everything is white. Am I dead?

I started to walk. Walang akong daan na nakikita. Lahat puro puti, kahit ako nakaputing damit din. Naglakad lang ako ng naglakad util bigla nalang nag-iba yung paligid ko. Ngayon parang nasa isang garden ako. Malaking garden na puno ng puno at iba't ibang uri ng bulaklak.

May nakita akong babaeng nakatalikod na nakaupo sa isabg bench. Lumakad ako papalapit sa babae pero nakakailang hakbang palang ako bigla itong lumingon.

"S-sophia? Sophia..." Nakaputi din sya.

Nginitian nya ako at kinawayan tapos bigla na lang syang tumalikod at naglakad papalayo.

"Sophia!"

"Sophia!"

Tinatawag ko sya pero hindi sya lumilingon. Hinabol ko sya pero hindi ko sya maabutan. Pero tuloy pa din ako sa pagtakbo. Hanggang sa makarating kami sa isang hanging bridge.

Huminto sya, ganun din ako.

Lalapitan ko na sana sya pero bigla kong nakita si Gian. In-offer nya yung kamay nya kay Sophia. Humarap na silang dalawa sakin at nginitian nila ako. Pagkatapos tumalikod na sila at nagsimula ng maglakad sa may hanging bridge.

Hindi pwede.

Tinawag ko ulit ang pangalan nya at hinabol pero bigla na lang akong nadapa at unti unti na silang nawala ni gian at naging black yung paligid.

"Sophia...."

 

"I-im here.."

 

Huh??

Unti unti kong minulat ang mga mata ko.

Dalawang babae yung naaaninag ko at isang lalaki. Pinikit ko ulit yung mata ko dahil blurry pa yung paningin ko.

"Alexis, anak."

Minulat ko ulit ang mga mata ko..

"Ma?" Nasabi ko ng makita ko sya

Bigla nya akong niyakap. Totoo pala yung sabi nila na minsan kahit wala ng sabihin ang isang tao basta yakapin ka lang nya magiging okay na ang lahat. Ang sarap sa pakiramdam na mayakap ng ganito ng mama ko.

"Mama.. Sorry.."

 

Alam ko may kasalanan din ako dahil linayo ko ang sarili ko sa kanya kaya mas lalong nagkaroon ng gap saamin. Pero ngayon tulad nga ng sabi ko dati, hihintayin ko lang na makabalik sya at aayusin ko na ang lahat saamin.

"Masaya ako na tinawag mo ulit akong mama." Humiwalay sya sa yakap at pinunasan ang mga luha nya. "Sorry din anak, alam kong marami akong pagkukulang sayo, pero pangako babawi ako."

My Valentine PrinceWhere stories live. Discover now