Chapter 44 - Confused

Start from the beginning
                                    

"Salamat..." Tapos kinuha ni tita yung kamay nung babae "Sobrang salamat sa pagdala sa anak ko dito sa hospital.. Pero alam mo ba kung anong nangyari? Saang lugar nya nakuha yan?"

Napayuko yung babae..

"I-in the b-bar."

"BAR?!" Biglang sigaw ni Sophia kaya Napatingin kaming lahat. "Ah.. s-sorry." Tapos napayuko sya.

"Yes, i-i met him in the bar.. And---"

Hindi na naituloy nung babae yung sasabihin nya kasi bigla syang tinawag nung lalaking nagdala sa'min dito. Nagpaalam yung babae at sinabing babalik din agad.

Maya-maya biglang gumalaw si Alexis at nagsalita.

"S-sophia..... Sophia.."

Nagkatinginan ulit kaming lahat. Naramdaman kong medyo naging stiff si Sophia. She's not expecting it neither us. Tinignan nya ako pero bago pa sya makapagsalita inunahan ko na sya..

"Go."  Sabi ko.

Pati sa panaginip hinahanap nya si Sophia.

"Sophia..." Alexis

Tumayo si Sophia at lumakad papunta sa bed ni Alexis..

"Sophia.."

"ALE--- Ahhh!"

 

"ANO BA MISS! MAGDAHAN DAHAN KA NAMAN!" Sabi ko dun sa babae. Bigla na lang kasi syang dumating at biglang tinabig si Sophia.

"S-SORRY.. I-I was just nonplussed that he called my name."

Huh?

 

“Sophia.." Tawag na naman ni Alexis

"I-I'm here." Sabi nung babae tapos alexis suddenly grabbed her hands

Di ko na muna pinansin. Tinulungan ko na munang tumayo si Sophia.

"Okay ka lang?" Tanong ko

She just nod.

Dinala ko muna sya sa may living room nung kwarto.

 

"You're the one he's calling. I'm definitely sure." Sabi ko

Pakiramdam ko kasi na disappoint sya. Ngayon naintindihan ko na, magkapangalan yung babae at si Sophia. Pero sigurado naman ako na si sophia ko ang tinatawag ni Alexis dahil kahit na magkapangalan pa sila nung babae, ang babaeng mahal nya lang ang pwede nyang mapanaginipan at si Sophia ko ‘yon.  Isa pa tulad ng sabi ng nung babae, nagkakilala lang sila sa bar kaya hindi pa sila ganun magkakilala at impossible na mapanaginipan agad sya ni Alexis.

My Valentine PrinceWhere stories live. Discover now