CHAPTER 38 The Emo girl

379 19 16
                                        

Elena pov

Hindi talaga ko tinigilan ni allyza hanggat hindi nya nakuha yung katibayan na gusto nya.
Unfair diba?
Siya, ni hindi nagsabi ng tungkol sa kanya.
Dapat pala! Hindi ako nagsalita hanggat hindi rin sya nagkukwento.
Hay, ang shunga mo elena!!!

Ayan tuloy! Wala na. Nalaman na nya yung sikreto ko na nakaka intindi ako ng animals.

TUngkol naman sa sinabi ko kay allyza.
Labag pala sa batas nila yun.

Sayang..

Bakit ako nanghihinayang?

Napaka sama ko. Sige na.
Pero aaminin ko.

May parte ng isip ko na gusto kong gantihan so mershil shido.

At napaka sama ng iniisip ko dahil gusto kong gamitin ang kaibigan ko.

Hay!!!
Tama na!!!

Buti may konsensya pa ko. Salamat sayo konsensya.

PAano ko ba naisipan yun?
Malay mo. .

MAY nasesense kasi akong something. .
PEro siguro dahil pair sila sa Death Society kaya ganun so Mershil sa kanya.
At isa pa. Ganon rin naman sya kay Suicu.
Hindi sya showy pero makikita mo naman kung ano ang importante at hindi sa kanya.

Hay elena!!!!! Erase ! Erase! Wag kang bitter!! Tanggapin mo ang pagkatalo mo!!!

Hay! Makatulog na nga!!!

(a/n: hayy. Bungad na bungad ang kaartehan ni elena, ilang beses ko tong muntik alisin, pero hayaan na. Yan sya eh.)


Aniela Pov

Ako si aniela, mas matatandaan nyo kung sasabihin kong ako ay nakababatang kapatid nung Miyuki Azumo.

Hindi kami magkatulad, at sa kahit saang aspeto magkabaligtad kami. Liban sa pareho kaming isang babae at Azumo ang last name namin.
Nasa iisang bahay kami, pero hindi ko nararamdamang may pamilya ako. Pakiramdam ko , nag iisa lang ako sa mundong ito at ni isa walang gustong umagapay sa akin.

Nagsimula lang ito magmula nang mawala ang aking ina.

Oo, magkaiba kami ng nanay ni miyuki.
Hapones ang aking ina, habang ang sa kanya ay isang American.
Ang ama namin ay isa ring Hapones.
Kaya naman purong japanese ako habang sya ay half American at japanese.

(a/n: opo, mafeeling si author sa japan kaya japanese ang mga characters ko. bale, yun na nga po. Japanese silang lahat at sa japan sila nakatira xD.
dapat sa simula pa lang sinabi ko na to eh. Confuse pa kasi ako nung una kung ipupush ko ba yun, pero ngayon.. Push na lang yan
 BALik sa pov ni aniela)

Wala siguro kayong pakialam kung ano ang nangyayari sa buhay ko, sa bagay, sino ba namang may paki.

GAbi na, hindi pa ko umuuwi. At narito ako sa isang room sa school .

Nakakulong, madilim na at lahat ng ilaw ay patay na, tanging ang liwanag lang ng buwan ang nagbibigay tanglaw sa silid na ito, salamat at may buwan ngayon. Patuloy ko lang na naiisip ang mga bagay bagay sa buhay ko habang nakasandal sa nakapinid na pinto ng silid na ito at naka salampak sa sahig.

Isang dahilan kung bakit ayoko ng valentines day ay dahil mas lalo akong napapansin ng nakararami.
Hindi dahil sa ako ay sikat o popular.
Kundi dahil ako ay kabaligtaran sa araw na to. Dahilan na mas lalong dumarami ang nagtyatyagang pag tripan ang tulad kong nilalang sa ganitong araw.
Bakit pa kasi nagdesisyon akong pumasok ngayon!?

Nagtataka ba kayo kung bakit hindi ako lumalaban sa mga bumubully sa akin?
Dahil weak type ako. Mahina ang pisikal kong katawan para lumaban sa mga nambubully, at wala rin akong lakas ng loob para gawin yun . Hindi ko alam kung bakit ganito ako.

The Deadly WeaponWhere stories live. Discover now