Nawawala si Vernice? Hindi kaya naisip niyang huwag nang tumuloy sa kasal nila ni Dominic. Oh my god. "Dominic, ang sabi kasi niya sa akin kanina magpapahangin lang siya."

"But she's nowhere to be found!" Tiningnan ako nito na para bang pinagsakluban ito ng langit at lupa. He looked so scared.

"Maybe because you cheated on her," Casper said bluntly.

"Stop! I never cheated on her since I started loving her, not in a hundred years!"

Hindi ko maintindihan kung bakit ipinipilit ni Dominic na wala siyang ginawang masama, na hindi niya pinagtaksilan si Vernice. Kahit alam ko kung ano ang nakita ko, hindi ko pa rin maiwasan na maawa rito lalo na't mukhang takot na takot ito dahil nawawala ang kaniyang fiancée.

"Tutulungan kitang hanapin siya," ani Casper. "Mabuti pa hanapin na natin siya bago pa sumikat ang araw o bago pa man siya makalayo."

They went out to look for Vernice. Matapos ang ilang oras ay nakabalik na sina Leighton at Mikeinel. Ngunit wala itong magandang balitang dala, hindi rin matagpuan ng mga ito kung nasaan si Vernice. I also tried searching the whole place, but Vernice is nowhere to be found.

I hope she's not a runaway bride.

ALAS NUEVE NA nang umaga pero hindi pa rin natatagpuan ng lahat si Vernice. Kahit tirik na tirik na ang araw, patuloy pa rin ang lahat ng tao sa paghahanap kay sa kaniya. Pati ako ay hindi pa nakakapagpahinga dahil sa pagkawala nito. Nag-aalala rin ako sa pagkawala nito kahit hindi kami gan'on kalapit sa isa't isa.

Naiwan ako sa bahay kahit gusto kong sumama sa paghahanap. Hindi kasi ako pinayagan ni Casper na sumama dahil matapang ang sikat ng araw sa labas. Hindi ako mapakali kaya kanina pa ako palakad-lakad sa bahay. Mag-isa lang ako, at nababagabag din ang utak ko dahil sa mga bampira na naghahanap sa kabila ng init na araw.

The front door opened. Mula roon ay pumasok ang haggard na Vernice.

Mabilis ko itong nilapitan at hinawi ang mga hibla ng buhok na nakatabing sa mukha nito. "Vernice! Saan ka nanggaling kagabi? Buti naman at nagbalik ka na."

"Ano ba?!" Marahas akong itinulak nito palayo. "Get away from me!" She waved her hand dismissing me.

Napaatras ako ng ilang metro mula rito. Doon ko lang napansin ang kabuuan ng hitsura nito. Magulo na ang kaniyang buhok. Smudged na rin ang make-up niya, at may punit din ang damit nito. What the hell happened to her?

"Saan ka ba nagpunta kagabi. Alalang-alala kami sa iyo, lalo na si Dominic." Hindi ako pinansin nito. Naglakad ito paakyat sa staircase, papunta sa kaniyang kuwarto. Sinubukan kong abutin ang isip ni Casper at nagtagumpay naman ako.

"Yes? Babe, we're still busy looking for Vernice."

"'Andito na siya sa bahay. Tigilan niyo na ang paghahanap sa kaniya," wika ko.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin silang apat. Nagmamadaling nagtungo si Dominic sa taas para tingnan si Vernice. Sila Casper, Leight, at Mikeinel naman ay nagsikuha ng pagkain nila sa refrigirator. They were drinking blood. Napagod daw ang mga ito. Nakita ko rin na may mga paso sila sa balat.

Nagsisigaw si Vernice pero hindi namin maintindihan ang mga sinasabi nito. Mukhang nag-aaway sila ni Dominic. Pagkaraan ng ilang saglit ay mabilis na tumatakbo na si Vernice pababa ng hagdan. Nagmamadaling nagtungo ito sa kusina. Sinundan ko ito. At saktong sumusuka pa ito nang puntahan ko. Nakakadiri!

Nilapitan ito ni Dominic para alalayan. Vernice looked so pale.

"Stay away from me..." she whispered. Not strong enough to make her voice louder.

Umiling si Dominic. "How can I stay away from you? You can't even stand on your own!" Marahan nitong iniupo si Vernice sa isang dining chair. "Where did you go last night?"

"Don't freaking ask me for questions!"

"Kung gan'on sabihin mo sa akin kung saan ka nagpunta kagabi para tigilan ko na ang pagtatanong sa'yo!" Dominic slammed the dining table.

Napuno ng ingay ng malakas na hampas ni Dominic ang kusina. Napapitlag si Vernice dahil doon. Ngayon ay nanlalaki ang mga matang nakatitig ito kay Dominic na tila ba natauhan na siya. "H-Hindi k-ko alam..." nauutal nitong sagot. She looked scared. She can't even look him straight in the eye.

"Uulitin ko Vernice, saan ka nagpunta kagabi?" seryosong tanong ni Dominic sa kasintahan. Napaka-seryoso ng mukha nito at tila may pagbabanta rin ang tono ng boses nito. He looked really mad. But for what reason?

"I told you, hindi ko alam!"

Mabilis na gumalaw ang kamay ni Dominic papunta sa leeg ni Vernice. "Nangingibabaw ang amoy ng ibang tao sa'yo, sino ang kasama mong lalaki kagabi? Umamin ka na!" sigaw na saad nito habang sinasakal si Vernice. Galit na galit ito, at nakakatakot na rin ang ekspresyon ng mukha nito.

Naiiyak na tumitig si Vernice sa mga galit na mata ni Dominic. "Dmitri please, wala talaga akong matandaan!" she cried! "Hindi ko alam. I-I am telling you the truth. I don't remember anything that happened last night after I went out!"

Lalong humigpit ang paghawak ni Dominic sa leeg ni Vernice. He was raging mad! "'Wag mo akong paglaruan Vernice. Sabihin mo na kung sino ang lalaki mo!"

She whimpered. "I really don't know..."

Hindi na napigilan pa ni Dominic ang kaniyang galit kaya gumalaw na ang isang kamay niya para sapakin si Vernice. Natutop ko ang bibig ko dahil doon. I can't believe what I'm seeing. Ito ba ang ikinukuwento sa akin ni Mikeinel na pananakit ni Dominic kay Venice? Oh my god!

Umiiyak na tumakbo si Vernice palayo rito, pero nahila siya pabalik ni Dominic sa buhok. Binigyan nito ng malakas na bira si Vernice sa mukha kaya napahiyaw ito at natumba sa sahig. "Please, Dmitri wala talaga akong matandaan---"

Hindi na natapos pa ni Vernice ang linya niya dahil hinampas siya ni Dominic ng bangkuan habang nakahandusay siya sa sahig. Damn! Naiiyak ako sa nakikita ko. Sinubukan kong lapitan si Dominic para awatin ito sa ginagawa niyang pananakit kay Vernice pero nahila ako palayo ni Casper.

Hinila ako nito paalis ng kusina, papunta sa kuwarto namin sa itaas. "Casper! Tulungan mo si Vernice!" naiiyak na utos ko rito. "Kawawa naman siya. Awatin mo ang kapatid mo!"

"I can't."

"Anong 'I can't'? Paano kung patayin na ng kapatid mo si Vernice? Please Casper, nakikiusap ako. Nakakaawa si Vernice!" Muli ay narinig ko na naman ang malakas na paghiyaw ni Vernice at ang pagmamakaawa nito na huwag siyang saktan ni Dominic.

"I really can't," he said before leaving the room.

Sinubukan kong sundan ito ngunit nang pihitin ko ang seradura ng pinto ay hindi ko iyon mabuksan. It was locked from outside. Puno ng pangamba ang isip ko. Nag-aalala ako para kay Vernice. Pero bakit parang pamilyar sa akin ang eksenang nakita ko kanina. And it's hurting me from the inside. Nararamdaman ko rin ang sakit na nararamdaman ni Vernice. I wonder why.

_________________________

DON'T FORGET TO VOTE 😀

Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]Where stories live. Discover now