CHAPTER 7.5

226 4 0
                                    

Hi guys! eto po yung continuation ng Chapter 7: The Agreement, dito nyo malalaman kung papayag ba sila Kristine at Paulo sa agreement o hindi. kung pumayag man paano sila napapayag ng mga magulang nila? Malalaman nyo yan ngayon! Hoho :3

- ms. unperfectionist ;)

CHAPTER 7.5

[Kristine’s POV]

“Kristine ayaw mo ba kay Pau namin??” sabi ni tita Liza

Eto kami ngayon sa living room, kasama si Tito alex, Mom at Kath -,-“ Si Dad at Pau naman nasa bar ng bahay namin.

“hindi naman po ayaw pero..”

“pero ano?”

“mashado syang matapobre, mayabang, walang respeto at higit sa lahat Ba---”

“bastos??” sabi ni tita. Ang sasabihin ko dapat babaero ee -__-

“pagpasensyahan mo na lang sya Kristine, siguro nga ganon siya pero kapag nakilala mo na talaga siya, mapagtatanto mo rin na mabait siya..” sabi ni tito

‘ano raw? Si Paulo Mabait??’ sabi ko sa sarili ko..

“krissy..” mom said and hinawakan nya ang kamay ko.. para sinasabi nya sa mata nya na pumayag nako..

“ee bakit ba kailangang ipagkasundo kami?!!” naiinis nako, ayaw ko talaga. Sigurado akong may dahilan.

“kaya nga” sabi ni Kath. I think kakampi ko si Kath ditto.

“para magsanib pwersa ang business namin at ---”

“I knew it!!”

“pero Krissy, please understand. Para sayo rin naman ito”

“para sakin? Anong makukuha ko dun?”

“for your future”

“FUTURE?!! Anong future dun? Kapag ba pumayag ako hahayaan naba ako ni dad na mag-trabaho kahit saan ko gusto? Kapag ba pumayag ako makakapag pagawa ba ako ng sarili kong restaurant? NO. I’m sure na hindi na mangyayari yon.”

“no, always remember Kristine, wag kang magsalita ng tapos”

“w-what? What do you mean by that tita?”

“we can talk to your dad about that. We can say na if pumayag ka sa kasunduan, you can be free from the rules of your father”

“really?”

“yes, basta’t pumayag ka lang”

Is that true? Talaga bang kapag pumayag ako sa kasunduan, I can be free from dad? OMG, that’s what I’ve been wishing for everyday. And now parang matutupad na yon basta’t makipag-date lang ako kay Pau. Pero paano? Paano ako makikipag date sa lalaking pinaka kinaiinisan ko? Pero kailangan ko parin sigurong subukan para matupad na ang mga pangarap ko..

“I’ll try”

“yess” sabi nila. Sila lang ang masaya -__-

After an hour nagdinner na kami, sabi nila dad na every Sunday daw magde-date kami ni Pau -__- kahit ayaw ko pumayag nako. Pero si Pau hindi pumayag sabi nya lagi raw silang may gig ng banda niya tuwing Sunday. Aba may banda pala siya? Hindi ko alam.. Pero kahit merong gagawin si Pau, kailangan parin naming magdate. Ganun sila kakulit.

At nung uuwi na sila..

“Pau lagi mong susunduin at ihahatid pauwi galing school si Krissy aah.” Sabi ni dad.

‘bakit pa kailangang gawin yun?’ sabi ko sa sarili ko.

“tssss, fine” sabi ni Pau na nakasimangot.

Ang Bodyguard Kong Sweet LoverWhere stories live. Discover now