15. The Great Pretender (AU)

Magsimula sa umpisa
                                    

Sumimangot si Kathryn at kinuha ang telepono mula sa bulsa.

"Ah ganon..." panimula ni Kathryn. "Tingnan lang natin kung makakabalik ka pa sa underground. Tatawagan ko si Papa. Isusumbong kita."

Sinagot naman ng papa ni Kath ang dalaga pagkatapos lamang ng tatlong ring.

Kaya naman bigla na lang nag-panic si Kevin at sumigaw, "Oo na. Oo na. Isasama na kita!"

Napangisi si Kathryn at gumawa na lang ng excuse para sa papa nilang nagambala nila mula sa pagtatrabaho.

"Bwisit ka talagang bata ka," sabi na lang ni Kevin.

...

...

...

Dumating sina Kevin at Kathryn sa underground. Pumunta agad si Kevin sa isang lalaking mukhang bouncer na nagngangalang Jed Salang.

"Oy Jed," tawag ni Kevin.

Lumingon naman ang naturang lalaki.

"10, 000 para kay Black Cat," sabi ni Kevin sabay labas ng pera at bigay kay Jed.

"Grabe...Ang laki naman ng ipupusta mo para sa Black Cat na yan," wika ni Kathryn. "Magaling ba talaga siya?"

Tila nagniningning ang mga mata ni Kathryn habang nagtatanong sa kapatid.

"Kaya ayokong isama ka dito. You always have a thing for bad boys," ungot ni Kevin. "Ano bang nakita mo sa kanila hah? Lahat ng mga naging ka-MU mo mukhang lasing sa kanto o di kaya mukhang nakahithit."

"Wala kasing pakialaman," pagtataray ni Kathryn.

"Girlfriend mo?" singit ni Jed sa usapan ng magkapatid.

"Oo," sagot ni Kevin. "May angal?"

Inilapit ni Kevin ang kapatid sa kanya.

Kilala niya ang ugali ni Jed. At ayaw niyang pakisamahan ito ng kapatid.

"Tara na nga," sabi ni Kevin. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at iginaya palayo sa mukhang bouncer na si Jed.

"Ano ba kuya...Kilabutan ka nga," singhal ni Kathryn sabay bawi sa kamay.

"Sinabi ko lang naman yun dahil baka mapahamak ka sa Jed na yun! Akala mo lang mukhang anghel yun pero masama talaga ugali nun. Nambubugbog yun ng babae."

"Kuya naman. Sa itsura niyang yun, hinding-hindi ako papatol sa kanya."

"Eh mukhang nakahithit nga ng katol pinapatulan mo eh, yun pa kaya..."

"Naglalaro lang ako kuya. Wala akong sineryoso sa kanila."

"Ang sa akin lang, wag kang maglaro sa apoy. Baka dumating ang araw, masunog ka."

Inirapan ni Kathryn ang kapatid.

Ilang minuto pa, nagkagulo na ang mga tao. Nagsisigawan na.

Magsisimula na pala ang laban.

"Good evening sa lahat! Nandito tayong lahat para mapanuod ang laban nina Black Cat at Underdog," anunsyo ng isang lalaki.

Hindi na siya nakinig sa ano pang palatastas ng nag-aanunsyo.

Maya-maya na lang ay nakita niyang lumabas ang dalawang magkakatunggali.

Dahil sa kagustuhan makita sa malapitan ang dalawang lalaki ay napahiwalay siya sa kapatid. Hindi niya alam kung paano, pero napunta siya sa harapan.

Nagsimula na ang laban.

Nung una ay parang parehas lang ng lakas ang dalawa, pero nung kalagitnaan na ay mukhang matatalo na ni Black Cat si Underdog.

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon