Hugot 09

1.2K 25 0
                                    

Minsan, palagi o madalas? Kailangan ba nating masaktan bago matuto? Kailangan ba nating magkamali para malaman ang tama?
O hayaan na lang na mangyari ang mga bagay dahil lahat naman ay kanya-kanyang dahilan.
Hindi importante kung nasaktan ka ba o nasasaktan o mananakit, ang importante ay nagmahal ka, naging matagumpay man o hindi. Patuloy ka lang sa pagmamahal. Maraming maaaring itawag sa atin: tanga, bobo, manloloko, paasa, mananakit, masamang tao, mapagmahal na tao. Iba iba.
Pero ang pag-ibig, hindi yan nararamdaman sa kahit anong pangalan o tawag. Kapag nagmahal ka, dinaramdam mo ang bawat emosyon na nakukuha mo at ipinaparamdam sa iba.

Sic Santos Hugot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon