Hugot 87

330 4 0
                                    

Ang sad lang ng bagong trending topic ngayon sa facebook. 'Yung taong mismong minahal mo pa ang sisira sa buong pagkatao mo. Syempre dahil nasaktan ka, gagantihan mo rin. Sisiraan mo rin siya. Lahat ng alam niyong baho sa isa't isa, ilalabas niyo. Yung mga baho at flaws na tinanggap niyo nung minahal niyo ang bawat isa at ang relasyon niyo. Ipapaalam niyo sa mga taong supposedly e wala sanang alam sa mga private lives niyo. Ipapahiya niyo ang isa't isa. Magtatawagan na bakla si guy kasi napatol sa bakla tas malandi si girl kasi ang daming lalaki na pinatulan bla bla. Ang sad. Very sad. Sinayang niyo ang isa't isa. Minahal niyo naman ang isa't isa noon despite these flaws. Ngayon, wala sa inyo ang nanalo sa awayan niyo. Walang papanigan ang mga taong nakasaksi sa issue niyo sa social media. At the end of the day, parehas kayong talo. Kasi pinagtatawanan kayo ng mga taong hilig gawing laughing pill ang problema ng ibang tao.

Sic Santos Hugot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon