Hugot 01

3.3K 58 7
                                    

Naranasan ko na yung pag gising ko, iiyak ako dahil sa kanya. Sa tanghali, iiyak ulit kasi maaalala ko siya. Sa gabi, iiyak ulit kasi di siya nagrereply sa mga text ko kahit nagmamakaawa nako. Minsan naglalakad ako, naisip ko na magpakasagasa. Feeling ko kasi wala ng saysay. Parang wala na akong buhay since wala na siya sakin. Wala na kami. Yung feeling na bawat segundo masakit dibdib sa tuwing maalala mo siya. Lahat-lahat ng memories niyo naalala mo. First date. First fight. First everything. Lahat. Masakit. Lahat. Pinaluha ka. Sinubukan kong magpakalasing para makalimot pero siya pa rin yung naalala ko. Sabi ko, kapag nalasing ako, makakalimutan ko siya kahit papaano. Pero nung nalasing ako, sa tapat ng bahay nila ako dinala. Pero di niya ko nilabas. Wahaha leche siya.
Tapos ayuuuunnnnnn na... doon mo malalaman na wala na talaga. Na kahit anong gawin mo, wala ng pag-asa. You just need to accept the fact that you two are finally over. Na hindi lahat ng relasyon madadaan sa pag-uusap. Minsan kasi kapag ayaw na niya, ayaw na niya. And you need to respect her decision.

Sic Santos Hugot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon