1 - Where it Begins

62 4 0
                                    

RAIN'S POV

"T-Tama na!!!"

"Ano gusto mo ring masaktan ha?!"

"Nasasaktan na si Ela.. tama na!"

"Gusto mo talagang masaktan ha!?"

Ganito ang buhay namin ng kapatid ko.. simula ng mamatay yung tunay naming nanay.

"Wag mo ng idamay si ate!!" sigaw ni Ela.

"Hintayin niyong dumating ang tatay niyo at mapupuruhan pa kayo! Mga leche kayo! Sana hindi na kayo nabuhay!!"

Yan ang tumatak sa isip ko.. na sana hindi nalang talaga kami pinanganak ng kapatid ko sa miserableng mundo na to.

"Hindi ka naman namin tunay na nanay! Bakit mo kami sinasaktan ni ate ng ganito ha?!"

"Aba't sumasagot ka pa ha!?"

Bigla niya nalang sinampal si Ela. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang tawaging 'mama' pagtapos ng pinagagagawa niya samin.

Mula ng lumaki kami, lagi nalang kami sinasaktan.. walang araw na wala kaming panibagong sugat ng kapatid ko.

At isang araw..

"Ate! Ate!"

"Ela?" nagising ako sa kakatawag skain ng kapatid ko.

"Tatakas tayo."

Nagulat ako ng tinatanggal niya na yung pagkatali sa kamay at paa ko.

"Paano..?"

"Naiwan ng bruhang yon yung kutsilyo sa tabi ko. Kailangan na natin magmadali."

"Oo."

"Kunin mo to ate." Inabot niya sakin yung kutsilyo at ito ay kinuha ko.

Nagmadali kaming tumakbo palabas pagkatanggal niya sa pagkakagapos ko. Padilim na ang kalangitan at natakbo pa kami sa kagubatan kaya biglang nadapa si Ela.

"Ela! Ayos ka lang?" Tinulungan ko siyang tumayo.

"Oo ate. Nanghihina lang yung tuhod ko." Ngumiti siya sakin at patuloy kaming tumakbo.

Kung sa malayo.. magmumukha kaming multo ng kapatid ko o kaya ay mamatay tao dahil sa puti at mga dugo sa damit namin.

"Agh!"

Natisod naman ako sa pagkaka-apak ng bubog.

"Ate! nagdudugo yung paa mo!"

"A-Ayos lang ako"

Tinulungan niya ko tumayo at umupo kami sa gilid ng isang malaking puno.

"Magpahinga na muna tayo. Sa layo ng tinakbo natin hindi naman na siguro niya tayo maaabutan."

Tumungo ako at bigla nalang ako niyakap ni Ela.

"Wag ka matakot, andito lang si ate."

Naririnig ko nalang na humihikbi hikbi siya.

"Bakit pati si papa sinasaktan tayo ng ganito? Kung.. kung andito lang si mama!--"

"Tama na Ela."

"Wag mo ko iiwan ate ha?"

Humarap siya sakin habang umiiyak.

"Oo naman, andito lang si ate." Pinat ko yung ulo niya.

*KRIK*

Nagulat kami nang biglang may tumunog na tumama sa puno. Tumingin kami sa taas at may kutsilyong nakatusok sa katawan nito at pagkaharap namin..

"Tumakas pa talaga kayong magaling na magkapatid ha?!"

SI PAPA. Kasama niya rin yung bruha na yun.

Nagmadali kaming tumakbo at muli akong nadapa dahil na rin sa sugat ko sa bubog.

"ATE!"

"Iwan mo na ko! Tumakbo ka na!" Malakas na sigaw ko sakanya.

"Hindi ate! Hindi kita iiwan!"

"Tumakbo ka na sabi eh!!"

Nagulat ako ng tinulungan niya pa ko tumayo at naglakad ng konti palayo saakin at papalapit sa humahabol samin at kinuha niya yung kutsilyo da bulsa niya.

"Tumakas ka na ate."

"Nasisiraan ka na ba Ela? Gusto mong mamatay tayo ditong dalawa?!"

"Mas mahalaga na makatakas ka.. may sugat ka pa sa paa at.. at mahihirapan ka tumakbo! Kaya habang nakaharang ako dito.. tumakas ka na!!!"

Bumuhos nalang bigla yung luha ko at napatitig sakanya.

"MALAPIT NA SILA KAYA TUMAKAS KA NA ATE!!"

"Ela.. mahal na mahal kita.. kapatid ko."

...

Tumakbo ako at hindi na lumingon.. takbo ako ng takbo habang tumutulo ang luha sa mga mata ko. Bakit ko nga ba iniwan ang kapatid ko? Wala akong kwentang kapatid! Sa takot kaya tumakbo ako? Pero.. pero..

"Aaaaaaaaaaaaaghhhhhhhhh!"

Napatigil at napalingon ako sa likod ko ng narinig ko yung tili na yun. Hindi ako maaaring magkamali... si Ela yun.

Halos matumba ako sa narinig ko.. 'Anong nangyari sakanya? Pinatay ba nila yung kapatid ko?' ... ang pumapasok sa isip ko. Ngunit wala akong nagawa kundi tumakbo ng tumakbo. Hindi ko alam.. na nasa kalsada na pala ako at may kotseng padaan sa dadaanan ko.

May liwanag.. ang liwanag sobra.

*BOOGSH*

"AGGGGGHHHH!"


To be continued.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sisters in Crime (ON GOING, Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon