Matatapos ang lahat ng problema niya sa pera oras na ma encash niya na ang tseke ni Daniel.

Maligaya naman siya. Isipin niya pa lang na ikakasal siya sa binata eh sapat na para mapuno ng saya ang puso siya. Pero hindi niya din maiwasan na isipin 'yong mga magiging problemang kaakibat ng pagpapakasal niya dito?

Kagaya na lang ng paano ang set up nila eh ganitong sigurado siyang hindi siya mahal nito? Kaya nga ba nilang pareho na magsama sa iisang bubong at magtabi sa iisang kama gabi gabi nang walang love na involve?

Nalalabuan pa siya sa mga rules ni Daniel. Ang malinaw lang sa kanya ay magsasama sila bilang totong mag asawa. Walang expiry ang kasal nilang dalawa. Magsasama sila hanggang kaya nilang makasama ang isa't isa. Para kay Lian.

Mahigpit na ipinagbawal ni Daniel ang pakikipag usap o pakikipagkita niya kay Morgan habang hindi pa sila ikinakasal at kahit pagkatapos ng kanilang kasal.

Pero wala pa sa kalingkingan ng mga nabanggit niyang problema ang problema niya sa pamilya. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa Nanang at Tatang niya na ikakasal na siya.

Nagpadala lang siya ng pera nung weekend, natapos ang isang buong linggo na hindi niya nagawang ibalita sa mga ito ang tungkol sa kasal niya sa amo.

Syempre, hindi dapat malaman ng mga ito magulang na binayaran siya ni Daniel para pakasal dito. Pero paano niya i-explain ang tungkol sa madaliang kasal?

Alam ng pamilya niya na wala pa siyang nagiging boyfriend. Dahil choosy siya masyado kahit ang sabi ng iba ang mahihirap na kagaya niya ay walang karapatang magtaas ng standard pagdating sa lalaking gugustuhin.

Kung mayroon mang sobrang natuwa dahil sa mangyayaring kasalan, si Lian iyon. Mabilis din ang naging pagtanggap nina Andrea at Travis at masaya din para sa kanya ang dalawang kasambahay na walang araw na hindi siya tinutukso kay Daniel.

Bandang tanghali, hindi na mapakali si Abby. Kailangan niya nang sabihin sa mga magulang ang tungkol kay Daniel. Nagdesisyon siyang puntahan sa silid nito ang lalaki.

Binuksan niya ang pinto at pumasok sa loob. Nag angat ng tingin si Daniel.

"You didn't knock," anito, wala sa tono ang pananaway. Nakaupo ito sa harap ng nangingintab nitong desk.

"May problema ako."

Hinubad nito ang suot na eyeglasses. Kinunutan siya ng noo. "What is it?"

Humakbang siya papasok sa loob. Napahinto siya sa tapat ng malaking kama, nangingiting nagtagal doon ang mga mata.

Ilang tili kaya ang gagawin niya sa mismong honeymoon nila ng mapapangasawa? Naku, andami pa naman niyang kiliti sa katawan.

Nahinto ang kahalayan sa isip niya nang tumikhim si Daniel. May ngiting naglalaro sa nakatikom nitong mga labi. "Stop thinking dirty thoughts and come here."

Ngumuso siya. Lumakad palapit dito.

"Ano'ng dirty ang pinagsasabi mo. Tinatantiya ko lang kung paano ang magiging hatian natin sa kama."

Hindi na ito sumagot pero halatang hindi naniniwala sa kanya. "What is it?"

"Busy ka ba?"

"Why?"

"Samahan mo naman ako sa bahay mamaya."

"Ipapahatid na lang kita sa driver. I still have a lot on my plate."

Kinagat ni Abby ang mga labi.

"Old fashioned ang mga magulang ko, Daniel. Mamanhikan ka naman kahit papaano. Kahit ikaw lang wag na natin isama sina Maam Andrea at Sir Travis para hindi na sila maabala. Bili lang tayo ng ice cream tapos sabihin mo sa mga magulang ko na mahal na mahal mo ako at ikakasal na tayo."

"Wait, you haven't tell them yet?" kumunot ang noo nito.

Nagkamot siya ng kilay. "Di ba dapat dalawa tayong magsabi non?"

"Yeah, of course..." Napahawak si Daniel sa batok. Paanong nakalimutan nito ang tungkol sa mga magulang ni Abegail?

"At saka bumubwelo pa 'ko. Si Nanang kasi.. kabilin bilinan non na huwag muna akong mag aasawa. Ano na lang iisipin non sa akin kung .. kung malaman niyang wala pa ngang kalahating buwang nagtatrabaho ikakasal na 'ko agad, sa amo ko pa?"

"Kaya ako ang uutusan mong magsabi?" Ngiti ni Daniel.

"Aba syempre. Ikaw ang ipa front ko. Buwan buwan nagki-chemo ang Nanay ko pero kaya pa nun magbasag ng pinggan kapag hindi niya nagustuhan ang lalabas sa bibig ko." Sagot ni Abegail. "Pero huwag kang mag alala, Daniel pareho kasi kami ng weakness ng Nanay ko. Gwapo." Ngiting ngiting dagdag niya.

Tinitigan siya ni Daniel, kumikislap ang mga mata. "Ang alam kong weakness mo, pera."

"Pangalawa lang 'yon ano ka ba? So, ano, sasamahan mo ba ako o hindi?"

"Magbibihis na 'ko."

"Okay." ngiti niya. Lumakad siya papunta sa kama at naupo gilid niyon. Iginala niya ang mga mata sa loob ng maluwang na silid na ilang araw na lang ay magiging silid niya na rin.

"Abegail." Tawag sa kanya ni Daniel. Nakangiti pa rin, nilingon niya ang lalaki.

"Bakit?"

"I think it would be great if I'll buy the wedding dress Mama's chosen for you."

Natigilan siya. Seryoso ang mukha ni Daniel at hindi niya maiwasang hindi kiligin. Civil wedding. Iyon ang kasal na napagkasunduan nila ni Daniel sa kabila ng pagtutol ni Andrea.

The latter wanted the wedding to be grand, maging wedding of the year, talk of the town kumbaga.
Pero paano niya naman hihilingin ang engrandeng kasal kay Daniel? Unang una, kulang sa preparasyon. Madalian kasi ang gustong kasal ng binata. Pangalawa, peke ang feelings dahil hindi naman siya nito mahal.

"Wag na. Baka ibawas mo sa tsekeng ibabayad mo sakin ang presyo ng gown. Sayang." Nakangiting biro nya pero agad na nagseryoso naman ang binata.

"Hindi ko sinabing ikaw ang magbabayad."

Pinilit nyang lagyan ng buhay ang pagkakangiti. Ang pikon naman ng sweetheart niya. Seryoso masyado.

"Eh di, go. Free naman pala. 24 ang waistline ko baka makalimutan mo."

Hindi sumagot ang lalaki. Ilang saglit na pinagmasdan lang sa kanya bago mahinang nagsalita pero sapat para marinig niya... "How could I ever forget?"

"Ha?"

"Give me fifteen minutes."

Tumango siya. Kinikilig na sinundan niya ng tingin ang lalaking dumeretso sa banyo. Mayamaya lang ay narinig niya na ang lagaslas ng shower mula roon.

Sabayan niya na kaya itong maligo? Tinampal niya ang pisngi.

Harot!

⚜️

Gusto n'yo bang mabasa at malaman ang kuwento nila? Sumali at magsubscribe sa aking VIP EXCLUSIVE GROUP. May mga additional chapters and scenes na wala sa libro at mababasa n'yo na ang lahat ng kwentong isinulat ko.

Subscription PLAN (ALL ACCESS TO MY STORIES):
Php 380 (2 months)
Php 1000 (6 months)

SEND Us A MESSAGE NOW!
Facebook Page : La Tigresa's Stories

Married to the Clever QueenWhere stories live. Discover now