Teaser

31.1K 864 22
                                    

"May icing ka sa gilid ng bibig mo." Ani Daniel sa kanya sa kaswal na tinig bago muling itinuon ang mga mata sa binabasang papeles.

Binitiwan ni Abby ang hawak nyang tinidor bago sya dumukwang sa lamesa at iniumang ang mukha sa asawa. Ilang araw na simula ng ikasal sya sa lalakeng kaharap pero daig nya pa ang nag asawa ng snowman sa lamig ng pakikitungo nito sa kanya.

"What are you doing?" Nakakunot noong tanong nito na muling itinuon ang mga mata sa kanya.

"Ayaw mo bang ikaw ang magpunas ng icing sa bibig ko?"

Ilang saglit na nakatuon lang ang mga mata ni Daniel sa bahagyang nakapuot nyang mga labi.

"Abot kamay mo lang ang tissue, Abegail." pagkuwa'y pormal na anito.

Ngumuso sya. Disappointed na bumalik sa pagkakaupo. Napanood nya na ang eksenang iyon sa TV. Pero walang epekto kay Daniel.

"Sure ka ayaw mo talaga?"

Hindi sumagot ang lalake, pagkatapos ay bahagyang kumibot ang mga labi sa tila sinusupil na ngiti. But then again, Abby thought she must be imagining things dahil nang muli nyang sulyapan ang asawa ay pormal na uli ang ekspresyon nito sa mukha.

Pabuntong hiningang kumuha ng tissue si Daniel sa tissue holder. Awtomatikong itinaas nya naman ang mukha. Kulang na lang umaray sya nang walang ingat nitong punasan ng tissue ang gilid ng bibig nya.

"Happy?" Tanong nito. Iniitsa ang ginamit na tissue sa ibabaw ng lamesa.

"Thank you. Touched na touched ako." Nakasimangot na aniya sabay tayo. Dinampot nya ang platito na may laman pang cake at inis na tinalikuran ang lalake.

Si Daniel ay amused na sinundan ng tingin ang asawa. Abegail never fails to amuse him. She was adorable despite her greed for money. Kung nag umpisa lang sana sila sa tama, he wouldn't have to suppress any feelings for her.

Pero gaano nga ba sya kasigurado na hindi pa sya in love sa babae?

Married to the Clever QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon