Chapter Five

27.5K 961 118
                                    

Lian's Nanny was a delicious sight in the morning. She was beautiful despite the messy hair, kahit lumang sandong itim at kupasing pink na pyjama lang ang suot nito.

Nakadapa ito sa kama kanina nang maabutan niya. Napipi nang bahagya ang mga labi sa pagkakadapa. It was as if she was asking for a good morning kiss, and surprisingly, to Daniel's amazement, he enjoyed watching her sleep maging ang pakinggan ang mahihina nitong hilik.

Nakatanday ito sa malaki at lumang teddy bear na nahulog sa ibaba ng kama nang hatakin nito ang anak niya payakap para tabihan ito sa kama.

While Daniel surveyed her, si Abby naman ay hindi malaman kung paano aayusin ang hitsura. Literal na nanlalamig ang mga palad niya at nanlalambot ang mga tuhod niya. Hindi niya sigurado kung dahil kagigising niya lang o dahil sa nakakalusaw na titig ng amo niya.

"Good Morning, Abegail." Pormal na bati ni Daniel.

"Good morning, Sir." Ganting bati ni Abegail. Hindi niya alam kung saan niya hinukay ang kapal ng mukha para ngumiti dito nang wagas na parang hindi siya nito inabutan sa kuwarto na nagpapalobo ng laway.

"It's almost eight and I'm leaving. Hinintay kitang magising dahil wala pang kasama si Lian."

"Ako na ang bahala kay Lian, Sir."

"Darating si Manang Guia mamaya kasama si Tere. Manang Guia is the one in charge in the kitchen. Kung may gustong ipaluto o kainin si Lian, sabihin mo lang sa kanya."

"Okay, Sir."

Binawi ni Daniel ang tingin sa kanya.

"Come, son." Yakag ni Daniel sa anak na agad namang lumapit dito at humawak sa kamay. Tumalima ang dalawa palabas ng maid quarters.

Sumunod si Abegail sa dalawa habang mabilis na inaayos ang sarili. Dumeretso sila sa labas. Mataas na ang araw kagaya ng sinabi ni Lian.

Huminto ang dalawa malapit sa nakaparadang sasakyan ni Daniel sa harap ng bahay.

"Bye, Daddy! Don't be late tonight."

Tunango si Daniel. "Be good, okay?" Bilin nito sa anak bago inilipat ang mga mata sa kanya. Pormal na naman. "Maaasahan naman siguro kita hindi ba?"

"Tatawag na lang ako, Sir para sa ransom kapag natangay ko na si Lian." Nakangising biro niya.

Nabura ang kakarampot na ngiti sa mga labi ni Daniel. Gusto namang iikot ni Abby ang mga mata.

Hindi naman siguro iniisip ng amo na kasapi siya sa budol budol gang at totoong miyembro siya ng kidnap for ransom?

Kulang na dramatikong tutupin ni Abby ang dibdib niya. Ang sakit naman kasi. Hindi lang kabit ang tingin ng lalaking mahal niya sa kanya kundi kriminal din na halang ang kaluluwa.

"Joke lang, Sir. Huwag kayong mag alala, aalagaan ko si Lian nang mabuti. Kahit apelyido mo nga, Sir kung ipapagamit mo sa 'kin iingatan ko nang buhay ko eh."

Nagsalubong lalo ang mga kilay ni Daniel.

"What?"

"Daddy, go na. You'll gonna be late. Don't forget to buy me that thing I told you last night, okay?"

Napipilitan, kumilos si Daniel at hinagkan ang anak sa tuktok ng ulo. May pakiramdam si Abby na ayaw na nitong iwan si Lian sa kanya nang saglit pa nitong tiningnan ang bata bago tuluyang sumakay sa kotse nito.

Lumapit siya kay Lian. Smiling, they waved as Daniel drove away. Hindi niya mapigilang hindi kiligin. Tingnan mo nga naman, hindi ba at para siyang may-bahay na hinahatid si Daniel ng kaway kasama ang kanilang anak na panganay?

Married to the Clever QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon