Forever 5

33 2 0
                                    

Napa-tingin ako bigla kay Tyler at parehas lang kami ng naging emosyon-gulat. Napa-hawak ako bigla sa braso ni Tyler.

Naging abnormal naman ang pagtibok ng puso ko. Ano bang kalokohan 'to? Of all the schools, bakit dito pa nila napiling mag-transfer?!

Habang naka-tingin lang ako sa kanila, bigla nalang silang napa-tingin sa pwesto ko. Nagkatitigan kami. Nagkatitigan kami ni Clark. Halata sa mukha niya ang gulat. Napa-iwas ako ng tingin dahil sa pagka-ilang na naramdaman ko.

Ganto ba talaga ako ka-malas at sa lahat nalang ng taong pwedeng pumasok sa eskwelahan na 'to, sila pa talaga?

Tinignan ko naman si Tyler na kasalukuyang naka-yuko ang ulo. Paano, kasama ni Clark si Leah-ex girlfriend ni Tyler. Ang galing ng tadhana.

"Mister and Miss, please introduce yourselves." pag-utos ni Ms. Gomez. Shocks. Ang awkward.

Nagpunta na sa harapan sila Clark at Leah. Unang nagsalita si Leah.

"H-hi.. I'm Leah Garcia." naka-yukong pagpapakilala ni Leah. Nakita na niya siguro si Tyler.

Sunod nagpakilala si Clark. Hindi naman ako yung magpapakilala pero bakit ako yung kinakabahan?

"I'm Clark Mendoza. Leah's boyfriend." parang biglang kinurot yung puso ko ng marinig ko yung sinabi ni Clark.

Narinig ko naman yung mga classmates ko na nag-yiiieee. Sa kabila ng hiyawan ng mga kaklase ko, bigla akong kinalabit ni Tyler. Napatingin ako sa kanya. Bigla naman niyang hinawakan yung pisngi ko. Na-iyak na pala 'ko. Pinunasan ni Tyler yung pisngi ko na basa ng luha. Ang babaw naman nitong mga luha ko!

"Akala ko ba hindi ka na iiyak? Nakikita ka niya o. Nagmumukha kang mahina niyan." bulong ni Tyler. Bigla naman akong napapunas ng pisngi ko at napasinghot. Tama si Tyler. Nagmumukha akong mahina. Dapat hindi ako umiyak.

"Okay, may couple pala tayo dito. But please, no PDA inside the campus especially in front of your teachers okay?" sabi ni Ms. Gomez.

"Okay po." sabi nila Clark at Leah.

"Please be seated. Ah by the way, dun kayo sa bakanteng upuan. Sa likod nila Mr. Santos and Ms. Mercado." hay. Bakit naman kasi bakante yung upuan namin sa likuran eh. Bwisit.

Na-upo na sila sa likuran namin. Hindi ko alam kung sino yung umupo sa likod ko basta ang alam ko, ang awkward. Hindi tuloy ako maka-lingon kay Tyler. Makikita ko kasi sa peripheral vision ko yung mga nasa likuran ko.

Sa dinami-dami ng nangyayari ngayon, itong nasa unahan ko na si Mr. James sungit, ayun tuleg-este tulog.

Tinuloy na ulit ni Ms. Gomez yung dini-discuss niya kanina which is yung mga mangyayari sa isang buong taon namin dito.

Magkakaroon din daw ng try out para sa varsity ng basketball at volleyball. Panigurado sasali si Tyler sa basketball. Naalala ko pa nung bata pa kami niyayaya niya ko laging maglaro ng basketball. Ayoko naman kasi sabi ni Papa dati, pang-lalaki lang yun.

Si Mr. Sungit din yata. Nabanggit kasi ni Jane sa 'kin na varsity player daw si James.

Si Clark din pala. Naalala ko varsity player pala siya ng basketball last year.

~~~

Umabot na ng recess ng hindi manlang kami nakapag-usap ni Tyler ng maayos. Ang awkward kasi sa tuwing lumilingon kami eh. Nakikita namin yung exes namin.

Pa-akyat na kami ni Tyler papunta ng canteen ng biglang nagsalita si Tyler.

"Ang awkward kanina." napa-tingin pa si Tyler sa 'kin pagka-tapos niyang magsalita. Natawa naman ako ng konti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

May FOREVER ba?Where stories live. Discover now