Forever 1

69 4 0
                                    

Naniniwala ba kayo sa forever? Ako kasi, HINDI. Para sa'kin, isa lang 'yan word na ginawa para sa mga taong TANGA. Para sa 'kin, tanga lang ang na niniwala sa so-called forever na 'yan.

By the way, I'm Tania Mercado. I'm 16 years of age. NBSB. Wait, hindi pala. I had my first boyfriend. And I think my last too. Minahal ko siya ng higit pa sa sarili ko. Higit pa sa buhay ko, pero niloko niya lang ako. Pinaglaruan. Pinagpustahan. May girlfriend na pala siya. I saw them kissing. After that, I promised to myself that I will never ever fall in love again. NEVER.

Bitter? I dunno.

And I am here to remind all of you, that forever is just a word. Nothing but a word.

Paano magkakaroon ng forever?

Eh, kung yung pagkain ko nga nauubos.

Yung traffic, natatapos.

Yung stress ko, nawawala.

Yung ulan, tumitila.

Yung mga tao, namamatay.

Yung mag-jowa, naghihiwalay.

NA SAAN ANG FOREVER DUN?

Kaasar. Kadalasan pa nga sa mga couple ganito ang eksena.. Sasabihin nung lalaki na "Simula ngayon, papatunayan na natin na may FOREVER." Ito namang babae um-oo. Tapos anong nangyare pagkatapos ng ilang buwan? BREAK NA. Ang galing.

By the way, first day of school ko 'to bilang 4th year high school at nakasakay ako ngayon sa jeep para pumasok at as usual traffic na-naman.

Kasagsagan ng traffic ngayon ng biglang may sumakay na lalaki sa jeep na sinasakyan ko at tumabi siya sa akin.

Hay.. Ang laki-laki ng space, ba't sa tabi ko pa pumwesto. Kaloka. Ang init tuloy. Tumingin ako sa wrist watch ko at nakita kong 20 minutes nalang at magsisimula na ang klase. Hala naman! Medyo malayo pa bago ako makapunta sa school. Paano 'yan!?

Ilang saglit pa at umandar na ang jeep dahil kahit papaano ay lumuwag na ang traffic. Hahaha. Sinasabi ko na nga bang walang forever eh. Mawawala ka ring bwisit na traffic ka.

Ilang minuto naring tuloy-tuloy ang pag-andar ng jeep pero hindi parin ako nakakarating sa school. Ang tagal naman..

Nasa kasagsagan ako ng pagkabagot ng biglang may kumalabit sa'kin.

Napatingin ako sa katabi kong lalaki kanina at nakangiti siya sa'kin.

"Hi miss." sabi niya sabay ngiti. Cute siya kahit papaano. Pero wala akong oras para sa mga 'yan kaya wapakels nalang ako. Nginitian ko nalang din siya para naman hindi ako magmukhang snob. Chos.

"Ahm.. sa Amethyst High ka rin ba nag-aaral?" tanong niya sa'kin sabay ngiti. Ay! Kuya! Hindi ba halata!? Kaya ako nag-uniform ng pang-Amethyst High, kasi tatambay lang ako! Bawal tumambay doon kapag di na ka uniform eh! Bwisit na'to.

Tumango nalang at ngumiti ako bilang sagot sa walang kwenta niyang tanong. Bwisit na'to. Magtatanong nalang ayaw pang ayusin. Makikita naman niya yung sagot kahit tumingin lang siya sa'kin. Kung konyatan ko kaya 'to!?

Tumingin nalang ulit ako sa bintana ng jeep para naman makalasap ng sariwang hangin. Pero hindi sariwang hangin ang nalasap ko dahil biglang dumaan sa tabi ng jeep ang trak ng basura.

Badtrip naman!! Ano bang trip ng tadhana sa'kin!? Hindi tayo close kaya wag mo kong pinagti-trip-an!!

Napatakip tuloy ako ng panyo sa ilong ko dahil nakatambay parin sa loob ng jeep yung amoy ng dumaang trak ng basura.

May FOREVER ba?Where stories live. Discover now