Forever 2

31 3 1
                                    

Biglang bumalik ang mga alaala ko nung bata pa ako. Oo. Na-alala ko na siya. Siya si Tylel. Yung best friend ko nung bata pa kami. Tylel ang tawag ko sa kanya noon kasi bulol pa ako sa "r" nung bata pa ako.

"Ikaw si Tylel!?" Di kasi ako makapaniwala. Mukha kasi siyang baluga at dugyot nung bata pa kami. Ang laki ng pinagbago niya kaya hindi ko na siya mamukha-an. Saka di ko rin alam ang fullname niya. Pake ko ba noon sa fullname niya. Ahaha. Basta alam ko ang pangalan niya. Tapos.

"Oo nga. Ang kulit nito." sabi niya.

Agad akong napatayo sa kina-uupuan ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. Simula kasi nung lumipat sila ng ibang bahay, hindi ko na siya nakita ulit. Ang drama pa ng pag-alis niya nun. Kasi para kaming tanga na yakap-yakap ang isa't isa habang iyak ng iyak. Nagpangaku-an pa kami sa isa't isa bago siya umalis na walang kalimutan. Halos sampung taon na rin yung nakakalipas. Hahaha.

"Na-miss kita Tylel!" Sabi ko habang yakap-yakap pa rin siya. Inalog alog ko na siya sa sobrang pagka-miss ko. Niyakap niya na rin ako pabalik. Nararamdaman kong madami nang tumitingin sa 'min pero keribels lang kasi magbest friend naman kami eh. Saka ano bang pakielam nila?

"Ikaw din na-miss kita. Sobra." sabi niya habang magka-yakap kami. Kinalas na namin ang pagkaka-yakap namin pagakatapos namin magsawa kaka-yakap. Bumalik ulit ako sa upuan ko.

"Ikaw talaga! Bakit ngayon mo lang sinabi! Nakakaasar ka." sabi ko. Ngiting abot langit ang ngiti ko ngayon. Paano ba naman, sa tinagal-tagal ng panahon ngayon nalang ulit kami nagkita. Sobrang na-miss ko yung best friend ko.

"Gusto ko kasing ikaw ang unang maka-alala." nakangiti niyang sabi.

"Paano ko naman ma-alala, ang layo na kaya ng itsura mo nung bata pa tayo at sa itsura mo ngayon. Mukha kang baluga nung bata pa tayo, pero ngayon tignan mo naman. Ang gwapo mo na!"

"Sabi mo kasi nung bata pa tayo, na sana kapag lumaki na tayo maging gwapo na ako. Kaya eto, tignan mo. Nag-aayos na ako kaya ang gwapo ko." Tss. Yabang. Pero totoo naman.

"Hahaha. Grabe ka naman. Masyado mo namang sineryoso yung sinabi ko dati." Nakangiti kong sabi. Sa sobrang pagseseryoso niya sa sinabi ko dati, ayan ang gwapo na. Grabe siya magseryoso. Haha.

"Saan na nga pala kayo nakatira ngayon? Doon pa rin ba sa tinitirahan niyo dati?" pag-iiba ni Tyler sa usapan.

"Oo naman. Doon pa rin. Wala pa ring nagbabago sa lugar natin. Mas gumanda lang. Eh ikaw? Saan na ba kayo nakatira? Simula nung lumipat kayo hindi ka na nagparamdam." sabi ko.

"Sa may pinagparahan ko ng jeep kanina nung sumakay ako, doon ako nakatira. Medyo malapit lang dito." sabi niya.

"Mabuti pala nagtransfer ako dito sa Amethyst High. Kundi, di pa nagtagpo yung landas natin."

"Bakit ka ba lumipat dito? Anong masamang hangin ang nagdala sa 'yo dito?" loko 'to ah. Sabi niya kanina na-miss niya 'ko? Anyare?

"Parang ayaw mo na lumipat ako dito ah. Pero kaya ako lumipat dito kasi ayaw ko na doon sa dati kong school. Puro bad vibes ang nakapaligid sa 'kin. At least dito, kahit malayo puro bago sa paningin ko yung mga tao." paliwanag ko. Aktuwali, kaya ako limipat ng school kasi nandoon yung lalaking nanloko sa 'kin. Ansakit kasi sa mata kapag nakikita ko siya at the same time masakit din sa puso kaya lumipat ako ng school.

"Pati ako bago sa paningin mo?" Pa-cute niyang sabi.

"Oo naman. Ang pangit mo kaya dati. Joke!" sabi ko. Kinurot naman niya ako sa ilong. Nyemas 'to ah.

May FOREVER ba?Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt